Chapter Twenty-one

6 0 0
                                    


A/N: first half palang ng flashback ni tristan para makilala nyo naman siya...hindi naman sya talaga bad...hehehe eventually malalaman natin ang side nya sa nangyari...sabi nga nila each person had his/her own set of truths. This is the truth Tristan is holding...enjoy...salamat nga pala sa pagbabasa! Shout out sa mga loyal readers na naghihintay sa update! Kahit konti lang kayo love love ko kayo! Comment naman kayo para makilala ko pa kayo...oooppps napahaba! Hehe

Chapter 21

Hindi ganoon katalino si Tristan kahit pa ng nasa med school siya. Sa katunayan napakalaking tulong na sakanya noon na may naging girlfriend siyang naturuan siya ng magandang study habit. Si Britney ang girlfriend niyang yun. At ito pa din ang babaeng pilit niyang gustong kalimutan. Hindi niya sana nakilala ang dalaga if he'd pursued medicine earlier in his career. He started when he was twenty two, after almost 3 years of traveling the world.
He was a spoiled brat. Halos ayaw nga niyang maging doctor noon kaso iyon ang gusto ng kaniyang lolo kaya naman wala siyang nagawa. After his pre-med degree, pinili niyang magbiyahe sa kung saan saan para matakasan ang kagustuhan ng matanda. He used his degree as a medical technologist kung saan mang lugar siya pumunta. He'd stay there for six months to a year before he'd move on to another country. Hindi niya kinailangan ang sustento ng lolo niyang mayaman, ngunit he eventually had to stop it all and come back home. Nagkasakit na ang kaniyang lolo. At ang gusto lamang nitong mangyari ay bumalik siya sa pag-aaral at maging ganap na na doctor. Kaya naman tatlompung taong gulang na siya pero ay nasa third year palang siya ng kaniyang residency sa isang government hospital. He's pursuing Internal Medicine na hiling ng lolo niya bago ito pumanaw sa sakit na diabetes.
Ang pagiging isang doctor ni Tristan ay isang bagay na hindi niya kaylan man inasahang magustohan. It grew in him, just like how he grew to love Britney. Sa canteen niya unang nakita si Britney noon. Nagbabasa ng mga libro habang may isang termos ng kape at isang loaf ng slice bread sa tabi niya. Hindi siya makapaniwala na may isang teenager na ahead pa sakanya. He was a freshman in med school at twenty two na siya noon. Hindi niya lubos maisip na at her age ay sasabak na ito sa pagiging isang doctor. But at some point he also envied her. Kayang kaya nito mag-aral sa gitna ng magulong canteen. It would really take a lot of focusing ability to shutout all the noise from students. And it was just a few weeks from the start of that school year.
Hinanap niya kung sino sino ang mga taong kadalasang kasama ng dalaga. He wanted to know her even before they actually met. At eventually may nagpakilala sa kanilang dalawa. She wasn't in anyone's circle dahil wild card sya. Nagsasideline siya noon as tutor sa mga under graduate students ng university nila. She wasn't that much of a rich kid. May business ang ina niya pero hindi pa din umaasa ng lubusan sa binibigay na allowance ng ina niya si Britney. Kaya naman hinangaan niya ito ng husto.
He started asking if he could study with her lalong lalo na kung nagkakasabay sila ng break time. Pumayag naman ang dalaga ngunit tahimik lang naman talaga ito lalo na kung may mga exams na naka line up. He started having a study habit na napansin din ng lolo niya lalo pa kung umuuwi siya sa mansyon nito. Studying with her gradually turn to picking her up from her tutoring schedule, then studying at a coffee shop and eventually hinahatid na niya ang dalaga sa gallery ng ina nito. Until one day she just looked at him all confused and asked, 'Nililigawan mo ba ako?' Na sinagot naman niya ng totoo. He'd been hoping she'd notice. And it was a good thing she did.
They never really went out. Halos lahat kasi ng oras nila nauubos sa pag-aaral. But he'd always make sure to make her feel special. A nifty book mark and highlighter pens would make her eyes light up. At siguro ang pinaka adventurous na ginawa niya ay ang bumili ng cookies sa paburito nitong bakery sa loob ng palengke ng lugar nila. Naging paburito na din niya ang cookies na iyon, kaya naman hindi na iyon nawawala sa hapag nila kasama ng mga paburito nilang kape pag malapit na ang exams nila.
Nagpatuloy lang ang panliligaw niya. Nakilala na din siya ng ina nito, tinataasan siya nito ng kilay ngunit hindi naman ito nagsasabi ng masama sa panliligaw niya kay Britney. Hindi siya nangungulit sa kasagutan niya pero bago pa man matapos ang first year niya sa med-school ay sinabihan siya ni Britney na mag-aral siya ng mabuti sa susunod na taon at gusto nito na siya ang susundo sakanya after every duty nito sakaniyang internship. Hudyat na iyon ng simula ng kanilang relasyon.
The next school year pinagbutihan lalo ni Tristan ang pag-aaral at pag manage ng kaniyang oras. Hindi man siya top ng klase nila katulad ng kasintahan naipapasa naman niya lahat ng subjects niya. Nakatulong din ang simplified notes na pinapahiram sakanya ni Britney. At sa tuwing pauwi naman ang dalaga naghihintay na siya palagi sa parking lot ng hospital na pinagdudutyhan nito. She'd run towards him smiling and waving both her hand as if she couldn't wait to get away from the building. Natatawa siya sa dalaga pero napamahal nalang din siya sa pagiging childlike nito minsan. Napakainusente kasi nito sa mga bagay na nakasanayan niya sa pagdating sa pakikipagrelasyon. Nasanay kasi siya na halos asawa na ang turingan ng magkasintahan kahit hindi pa naman sila kinakasal. In short nasanay siya sa premarital sexual relationships, bagay na hindi niya nagawa sa dalaga.
He was her first Boyfriend. Which meant he got most of her firsts. He was her first date, first guy to drive her home, first guy her mom met. He was lucky enough to get her first kiss. Ngunit hanggan doon na lamang iyon. They studies at his condo a few times, but the last they studied there got a little out of hand. They almost did it, but she stopped him. Bunga kasi si Britney ng maagang pagkakabuntis ng mama niya, kaya naman nangako siya na hinding hindi papasok sa sitwasyon na pagsisisihan niya. Ginalang ni Tristan ang hiling ng dalaga kaya naman minarapat nalang nila mag-aral sa mga café na nagsikalat sa lugar nila.
Iningatan ni Tristan ang tiwala ni Britney. He focused on his studies. Halos umikot ang mundo niya roon at sa kasintahan niya. Natapos niya ang kaniyang second year na walang halos pagod dahil sa inspirasyon na binibigay ng babae sa kaniyang buhay. Ngunit nagbago iyon bigla ng pumasok na siya ng third year.


Broken Hearts RxWhere stories live. Discover now