CHAPTER TWENTY-SEVEN

6 0 0
                                    

Chapter 27

It's been two months since nabulgar ang pagkakabalikan ng mga magulang ni Britney. Kaya naman minarapat niyang manirahan na ng permanente sa condo niya dahil pinuputakti ngayun ng paparazzi ang bahay ng mga magulang niya. Lalong lalo na ng usap-usapan ang secret marriage na nangyari sa pagitan ng dalawa, which was not true as of the moment, pero malapit na. Pinakiusapan kasi niya ang mga itong huwag munang magpakasal hangga't di pa siya nakakapagtake ng Physicians' Specialty Exam na gaganapin na sa susunod na linggo.
Huling araw din niyang duty sa GMC as a resident. It was their fair well party sa Department nila. She and two of her colleagues would be given a break to ready themselves for their exams and afterwards kung pumasa sila saka magmimeeting ang board of trustees whether whom will stay.
Buo na ang desisyon ni Britney na lumipat na ng panibagong Hospital. Is not that she doesn't like to work with Lucas, gusto din kasi niyang makatulong sa mga taong hindi kayang magbayad ng serbisyo niya. She has been hired to a Public Hospital a month ago and sure work na din yun pumasa man siya o hindi sa exam niya. Kung pumasa siya she'll be given six months as a regular surgeon and afterwards she'd be under one of the best heart surgeons na nagpapractice sa bansa nila as a mentee.
It's been her dream to become a heart surgeon kaya naman what better way to learn than to be under the one single person who can teach her sa lugar nila. Dr. Cornelio Sebastian had been renowned world wide with his philanthropic works as a person and as a heart surgeon. Halos wala siyang kinukuhang professional fee sa mga pasyente niya sa DMSMH other wise known as Dr. Mariano Santiago Memorial Hospital. Kaya naman gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya para maipasa at maging isa sa mga assistant nito.
Lahat ng nurses sa department ni Britney ay magiliw sakanya, bukod kasi sa malinis ang sulat niya ay mabilis niyang natatapos ang orders niya sa mga pasyente. Kaya halos lahat din nagdala ng kung anu anung pagkain, nagmukha tuloy pyestahan ang pantry ng departamento nila. Kahit ang mga taga ibang ward nagpaabot ng pagkain, either may kaanak o kaibigan silang naging pasyente ni Britney ng libre. Wala naman problema kasi kung kulang ang professional fee niya, dahil sa naturalesa niyang matulungin. Isa na nga lang ang problema ni Britney sa oras na iyon, kung papaano niya mabibigay sa head of department at kay Lucas ang resignation letter niya. Their contract as residents sa GMC will end that day kaya naman if they wish to work outside of the hospital they need to resign their slot in participating any future role. Magandang hospital ang GMC ngunit hindi doon nagtatrabaho si Dr. Cornelio. Sabi nga if you want to be the best, learn from the best.
"God bless sa exams mo Doc. Ipagdarasal kita." Saad ni Nurse Jaime sabay yakap nito sakanya, "Mamimiss kita lalo na sa OPD, tayo pa naman ang laging tandem doon eh." Sa paglipas ng mga bwan humaba na ng tuluyan ang buhok nito at lalong naging maganda. "Kiss mo nalang din ako kay Papa Lucas ah?" Isa din siya sa mga naunang taong nakaalam ng ugnayan nila ni Lucas. Madalas kasi siyang sinusundo after duty ng binata lalo na kung nagkakataong coding ang sasakyan niya. Namula si Britney, the only kiss they've ever shared was on the night she got so drunk. Hindi pa din niya sinasagot si Lucas, although he's been a constant companion.
"Sira, di ko yun ikikiss hanggan di ko pa siya sinasagot." Inismiran niya si Jaime ng pabiro. "Salamat sa cake ah? Mamimiss din kita."
"Basta balitaan mo ako kung magduduty ka na ulit? Alis na ako...umalis lang ako saglit sa OPD para makapagpaalam sayo. Bye!" Nagbeso silang dalawa at umalis na ang dalaga. Nalungkot si Britney, how can she tell people na sa ibang ospital na siya magtatrabaho sa susunod na na dalawang linggo? She decided then to give her resignation letter sa secretary ni Lucas. She hates confrontations. Lalong lalo na kung taong mahalaga sakanya ang involved.

Matapos mabigay sa secretarya ni Lucas ang sulat niya, pumunta naman siya sa opisina department head nila. Si Dr. Dylan Fuentes ang head surgeon ng Residency Program ng GMC. Minarapat ni Britney na personal na magpaalam dito. Nakita niya na nakaupo ito sa office desk nito habang may isinusulat na mga dokumento. Kumatok siya at nang sumenyas ito na pwedeng pumasok at agad naman niyang binuksan ang pinto.
"Good afternoon ho Dr. Fuentes." Bati niya dito.
"What can I do for you, Dr. Baños?" Tanong nito sakanya tumingit lang ito ng saglit saka nagpatuloy ng pagpipirma sa dokumentong nasa mesa nito. Naglakad si Britney papalapit at inilagay niya sa mesa nito ang papel. "What's this?" Kinuha nito ang kaniyang sulat.
"Resignation po sa potential slot na ibibigay saakin ng hospital, para makapaghanap po ng bagong candidate." Mahinahong sabi niya habang binabasa nito ang laman ng sulat.
Tinignan siya nito at sinabing, "But you're our best candidate. You handled the OR theater like a pro. At ikaw lang ang walang incidental report sa batch ninyo. The hospital is in need of doctors like you."
"Pasesnsya na ho Dr. Fuentes. I've decided already. And my other batch mates are competent enough for the Hospital's standards." Saad niya. Alam niya na mangyayari ito. Isa kasi sa mga taong palaginf sumusuporta sakanya and doktor kaya naman ganun nalang ang reaksyon nito. "I really wanted to work under Dr. Cornelio Sebastian."
"The heart surgeon?" Agad na tanong nito na sinagot naman ng tango ni Britney. "He never accepted our offers. Masyado daw mataas ang singil natin sa mga pasyente. Is Lucas behind this plan?"
"Doc?" Naguguluhang tanong ni Britney.
"I know the talk of you two dating. Lucas is a business man. If he can't have Dr. Sebastian in our hospital, malamang he'd send you to learn from him so that he'll have a heart surgeon na maaasahan." Nag-iisip na wika ng superior niya.
"Lucas doesn't have any idea of my resignation. And I would never be a pawn to him." She said setting things straight. "I actually had been hired by another hospital a month ago, they were gracious enough to let me finish my contract here and to take my exam. And my resignation was but a formality for you not to enlist me as possible candidate of absorption as a specialist."
"A doctor's exclusivity contract is only done by public hospitals especially those who are held by the government. I could say na mahirap iyang pinapasok mo." Mayabang na saad nito. May batas kasing sa mga doktor ng pampublikong mga hospital na hindi makakapagtrabaho sa mga pribadong kompanya ang mga ito sa loob ng tatlong taon. She wouldn't be allowed to practice in a private clinic or hospital in the duration of her stay kaya naman iniiwasan ang mga programang iyon ng mga specialistang doctor. Sa lagay naman ni Britney sakaling makapasa sya sa pagiging General Surgery Specialist, kung papasok siya sa Cardio Vascular & Neurological Surgery Subspecialty na inooffer ng DMSMH tatlong taon siyang eksklusibong magtatrabaho dito at sa iba pang mga ospital na sinasakupan nito.
Malamang kung hanap ng isang doktor ang magkaroon ng madaming salapi, magsgugustohin nitong maging isang pribadong doktor na makakademand ng mataas na bayad. "Matagal na panahon po ang ginugul ko sa pag-iisip sa aking desisyon, Dr. Fuentes, and I'm not backing out." Mariing saad niya, kaya naman laking pagtataka niya dahil ngumiti ito.
"Naiiba ka talaga sa lahat ng mga doktor na nahawakan ko." Sabi nito habang nanatiling nakangiti. "But I know you'll do good." Tumayo ito at inilahad ang kamay niya. They shook hands. "It was a pleasure to have mentored you, Dr. Baños" bagay na nagpapula ng mga pisngi ng dalaga.

A/N: new work place means...a lot of possibilities! 🙈🙈hehehehe


Broken Hearts RxWhere stories live. Discover now