Chapter Five

10 1 0
                                    

Chapter 5

A/N
Sana magustohan nyo bawat update...it'll take a while pero promise worth it. Kilig chapter starts here.
-------------

     Greenfield Medical City, ito ang brain child ng biological father ni Lucas. His original name was Lucas James Greenfield, kaya natural 80% ng shares ng hospital ay nararapat sa kaniya. Hindi din inakala noon ni Lucas na makukuha pa din niya iyon. But since magaling na abogado ang adoptive father niya na si Senator Hubert Agustus, walang nagawa ang mga board of trustees ng lahat ng company na itinatag ng kaniyang mga magulang. He is now either the owner or the biggest share holder of each and every company. Ngunit hindi din yun naging madali sakanya. His father, Hubert, would always remind him that people surrounding his late parents were conniving and selfish, kaya naman ang pagkamatay ng mga ito ay masyadong suspicious. Kaibigan ni Hubert ang kaniyang mga magulang simula bata pa lamang ang mga ito, he was actually the lawyer of the Greenfield clan and Lucas' godfather. Kaya naman ng namatay ang mga magulang niya at wala siyang mapuntahan ay kinupkup siya nito. To protect him from being victimized further by the culprit of their deaths, minabuti ni Hubert na ampunin siya at the age of fourteen. Hinubog siya ng Senador upang maging isang business tycoon. Masasabi niya na halos lahat ng aspeto ng bawat pagpapatakbo  business ay alam niya. Kaya niyang silipin ang bawat angulo at maamoy niya kung may mga anumalyang niluluto laban sakanya sa loob ng bawat departamento ng bawat kompanya na pinagmamay-arian niya. He was merciless when it comes to corruption inside his comany kaya naman halos lahat ng impleyado malaki man o maliit, kung may ginagawang anumalya sa loob ng kompanya nya ay pinapatalsik niya. He wouldn't tolerate such. Kaya naman nang siya na ang namahala sa GMC ay naging maayus ang pagpapatakbo niya dito. Hindi katulad ng ibang private hospitals ang GMC na halos sipsipin lahat pondo ng mga pasyente. Masasabi niyang kung walang magnanakaw sa kahit anu mang aspeto sa loob ng kaniyang institusyon ay makakatulong ito sa lahat ng taong nangangailangan. Kaya naman madaming natutulungan ang GMC sa mga charity patients na komplikado at hindi na kaya ng mga Government Hospital dahil sa kakulangan ng mga latest medical equipments ng ito. Madami sa board of trustees ng hospital ang umaalma, ngunit anu ba naman ang magagawa nila? Lucas is arrogant when it comes to getting what he wants. And he can get funds if he wants. Madami pang iniwan na kayamanan at ibang businesses ang mga magulang niya sakanya. Businesses na inakala ng iba na hindi na niya makukuha.
    Malalim na iniisip ito ni Lucas habang nagmamaneho ito patungo sa hospital. He wanted to know who was behind his parents' death. Papasok na si Lucas ng parking area hospital ng nakita niya si Britney. Ang mahabang buhok nito na nakawala na sa pagkakatali ay sumasayaw habang naglalakad ito patungo sa designated parking space ng mga empliyado ng GMC. All his previous thoughts vanished, as he admired her. Malamang pauwi na ito after her 36 hour shift. Kilalang kilala niya si Britney, dahil sa isang mini museum nito sa pamamahay ng kaniyang ama na si Hubert. Bawat recognition nito since elementary hanggan sa makatapos ito ng pag-aaral, meron memorabilya ang ama. Meron din mga pictures ng bawat kaarawan nito. He could see the genuine love of his father for her. Ngunit bahag ata ang buntot ng ama niya when it comes to those he really cared about. Hindi ito marunong mag-pursue sa mga taong gusto nito makasama ng panghabang buhay. Kaya naman when Hubert decided na imbitahan ang mag-ina na maghapunan kasama nila, all out support ang ibinigay niya sa ama. But it didn't end well. Si Britney lang ang dumating, and she doesn't even know how to act towards her own father. Awkward ang buong gabing iyon. She didn't even gave another chance for her father to redeem himself towards her mom and her. Bagay na ikinainis ni Lucas. Babaero ang ama niya, oo, pero alam ni Lucas na mahal na mahal nito ang mag-ina.
     Papaalis na sana si Britney ng naharang ng sasakyan ni Lucas ang sasakayan nito. Malapit kasi doon ang parking space na nakalaan sakanya. Katakot takot na busina ang inabot ni Lucas sa nagawa niyang ito. Ngunit imbes na umalis siya sa pagkakahinto sa likuran ng sasakyan nito, nakangising pinatay ni Lucas ang makina ng kaniyang sasakyan at bumaba siya galing dito. Hindi pa rin tinitigil ni Britney ang pagbubusina, bagay na lalong ikinatuwa ng binata. He just loves how Britney is irked by him. Kalmadong siyang naglakad papalapit sa driver's window at marahan na kinatok niya ito. Halos matawa siya sa reaction ni Britney na napatalon sa gulat sa ikinakaupoan nito. Pinigilan niya ang tawa niya sa expresyon ng mukha nito habang gulat na tumingin sa labas ng binta ng sasakyan niya. Kung hindi siguro nakasara ang bintana nito ay narinig pa ni Lucas ang cute na tili nito sabay sa pagkakagulat. Napahawak din ito sa kaniyang dibdib na parabang pinipigilan nito ang pagtakas ng puso. Binaba nito ang bintana ng sasakyan niya and he was a gentleman to wait for her to finish doing so.
      "Good morning Dr. Baños. Masyado yatang maaga ang pag-uwi mo." Pagbati niya. Alam niya na pauwi na ito ngunit gustong gusto niyang maasar ito lalo sakanya. "I heard medyo messy mga cases mo yesterday."
      Tinaasan siya ng kilay ng dalaga, ngunit alam niya na pinipigilan nito ang sarili makapagsalita ng kung anung masama. "Thank you for your concern--"
      "Oh, I wasn't concern about you Doctora," hindi man lang niya ginawang patapusin ang dalaga sa sasabihin nito. "Concern ako doon sa pasyente, charity case yun at hindi dahil wala itong pambayad ay hindi na dekalidad ang ibibigay nating serbisyo sakanya." Namula ang mukha ni Britney sa inis, she always wear her heart on her sleeves. Napakadaling mabasa ang mga emosyon nito. Although halatang walang tulog ito, judging from her tired looking eyes.
     "Mr. Agustus, I did everything that I can for that patient." Malamig na sabi nito sakanya. "And bago pa man ako umuwi inisa isa ko bawat pasyente na ipinasa saakin at inadmit ko sa surgery ward. Charity or not, pantay pantay ang pagtingin ko sa mga pasyente ko. At makasisigurado kayo na buhay ang charity case na ginawa ko kahapon." Competent si Britney sa mga sinasabi nya. Nabalitaan ni Lucas na may malay tao na ang pasyenteng ginawa nito kahapon. "Now if you please get your car out of my way, more than 36 hours na ako namamalagi dito sa hospital ninyo, I think it's good for my mental health to enjoy may days off." Sarkastikong ngiti ang binato sakanya ng dalaga bagay na nginisihan na lamang niya.
     "I guess you deserve your days off now." Sagot niya dito at bumalik na sa sasakyan niya. Inalis niya ang pagkakaharang nito sa parking space kung saan naroroon ang kotse ng dalaga. At mabilis na ni Britney minaniobra ang pag-alis nito roon. Binaba ni Lucas ang tinted window ng kaniyang sasakyan saka bumusina para batiin ang pag alis ng dalaga habang dumadaan ang kotse nito sa harapan niya bagay lamang na sinagot naman ni Britney ng tango at busina ng magsalubong ang mga bintana nila sa daan. Buo nanaman ang araw ni Lucas. Mission accomplished nanaman siya sa pang-aasar niya sa unikaija ng ama.
...

Broken Hearts RxOnde as histórias ganham vida. Descobre agora