Chapter Twenty-two

7 0 0
                                    


Chapter 22

Sabi nila nagababago ang lahat pag nasa internship na sa med school. Ang akala ni Tristan na magiging madali para sakanya ang internship, doon siya nagkamali. Hindi niya lubos maisip kung paano ito kinakaya ng kaniyang kasintahan. Britney made it look easy. Thirty six hours of work sa hospital following the doctor who's in charge of you. Hindi sanay sinTristan sa pagiging utusan ng in charged doctor kaya naman nahirapan siya sa first few weeks niya bilang intern.
"How do you do it?" Tanong niya kay Britney nang magkataon na pareho ang day off nila at nag-aaral sila ng sabay sa coffee shop malapit sa university nila. She was eating cookies he bought from the public market looking at her books whilst reading.
"Hm? Ang alin?" Tanong nito habang itinutuon ang tingin sa kanya.
Masyadong inosente ang kasintahan niya. Napangiti si Tristan, "yung pagsabayin ang duty, requirements and exams." Paglilinaw niya. He needed to finish his medical reports from his previous department exposure a month before sa linggong iyon. May tatlo pa siyang cases na dapat gawan ng specific pathological pathway sa mga pasyenteng nahandle niya.
"I focus on them." Sagot nito habang sinasawsaw ang tinapay sa kape niya. "Why, nahihirpan ka ba in any of them?"
"Yes. In all of them in fact." Napahagod siya ng batok. "I have three more medical reports to finish, and we are on exam weeks starting on monday tapos may duty pa. I'm almost out of sleep. I'm burning out." Tinignan niya si Britney matapos niya maglitaniya sakanya at nakita niya ang pag-aalala sa mga mata nito. "I'm sorry...it's just that I'm honestly tired."
Lumapit si Britney kay Tristan hinaplos nito ang pisngi niya at idinikit nito ang noo sa noo niya looking straight into his eyes. "Everyone of us are stressed out. Kung pupwede nga lang ipasa ko sayo ang lahat ng pumapasok sa utak ko na halos ayaw na yata tumigil sa kakaisip ng mga possible diagnosis at treatment sa lahat ng pasyenteng naitotoka ay nagawa ko na." Britney has a weird way of showing her affection and support. Ngunit lahat ng ginagawa ng dalaga leaves a mark on him. Katulad na nga lang ng mga oras na iyon. "I want to help you but you need to do things for me."
Sa araw din iyon nagsimula si Britney gumawa ng mga medical reports ni Tristan. All he had to do was give her all the needed data ng pasyente. Bagay na ginawa naman niya. She did it for him to focus on his exams. Naging maayus naman iyon. He passed his exams ngunit lahat ata ng pandaraya ay may hangganan.

Hindi pa natatapos ang first semester niya ay napatawag na siya ng kanilang dean. One of his classmates snitched on him about his reports. Masyado daw kasing perpekto ang mga naipapasa nitong medical reports compared to his previous works. He wanted to protect Britney ngunit they already know who was doing his reports. May mga ibidensya ang dean nila na nagtuturo sa sabwatan nila ni Britney. Ang masama pa ay nalamn ito ng lolo ni Tristan who was a close friend of their dean.
His grandfather was furious ng inamin ni Tristan na totoo ang pandaraya na ginawa niya, and that he was willing to take the blame just to leave Britney out of it all. Humihingi ng written explanation ang dean nila about the incident and he was given three days to comply before they'd give their verdict. Sa mga panahon ding iyon ay tahasang pinagbawalan siya ng kaniyang lolo makita pa si Britney. He tried contacting her pero ang mama na nito ang sumasagot ng bawat attempt niyang tawagan para makausap ito. Wala siyang ginawang written explanation. Nagmukmuk siya sa kwarto niya. He was depressed and angry at everything especially to himself dahil nadamay pa sa gulong iyon ang babaeng pinapahalagahan niya.
After the given time for him to write an explanation ay pinatawag na siyang muli sa university nila. Laking gulat niya ng binasa ng dean nila ang written explanation na ginawa umano niya sa harapan mismo ng panel na magbibigay ng verdict sa kaso nila ni Britney sa paaralan nila. He saw how the light on Britney's eyes faded as she cried dahil dinidiin sa explanation ang pagpapabayad niya para gumawa ng reports ng binata. He tried objecting pero pinigilan siya ng guards at pwersahang ilinabas sa silid kung saan hinahatulan babaeng walang ibang ginawa kundi ang matulungan siya. Handa siyang talikuran ang pagdodoktor kung kinakailangan. Britney was supposed to be expelled from the school. He angrily talked to his grandfather, about his said explanation about the incident. Napag-alaman niya na ang matanda ang gumawa ng sulat. Halos magwala si Tristan sa harapan ng kaniyang lolo, even threatening to kill himself if Britney got expelled. Bagay na ikinabahala ng matanda ng husto. Tristan after all is the only family the old man has.
Galit na galit si Tristan, lalo pa ng malaman niya ang hatol sa kaso nila ni Britney. He was suspended for two months causing him to fall behind on his classes. Pero masmasakit siguro na malaman ang sinapit ni Britney. Hindi ganoon kayaman ang pamilya ng dalaga to support her studies. She was relying on her scholarship grants and she lost all of them. Ngunit nabawasan din ang bigat na nararamdaman niya when he learned na hindi ito tuluyang naexpel sa university nila.
He couldn't talk to Britney even if he tried. One time inaabangan sana niya ang dalaga sa kanilang paaralan ngunit may isang lalaking nagbantang papatayin siya nito oras na lumapit pa siya sa dalaga. Sabay din na napag-alaman niya na Nakiusap din ang kaniyang lolo sa officials ng department nila na paghiwalayin ang schedules nilang dalawa. He hated his grandfather. He shut him out of his life. Hindi na siya umuwi sa mansyon nito. But one thing remained, he pursued on becoming a doctor in the hopes na magkrus ang landas nila ni Britney.
Hindi man lang pinagmartsa ng university nila si Britney sa graduation rights nito. He never got see her marching to get the diploma they both been dreaming to get. He knows she should have been a graduate with high honors. pero dahil sa impluwensya ng kaniyang lolo, she never got to be publicly honored by their University. Nagbakasakali din kasi si Tristan na masilip man lang ang dalaga kahit sa graduation nito, but sadly he failed.
The experience taught him one thing though, iyun ay magpursigi gamit lamang ang kaniyang sariling kakayanan. At hinding hindi niya makakalimutan ang mga katagang sinabi sakanya ng dalaga noong kasabay pa niya itong mag-aral sa coffee shops na nakapalibot sa unibersidad nila, 'I just focus on them.'

A/N: haloooooo...2nd half ng flashback ni Tristan...why si Carlo Aquino ang ginawa kong Tristan...hmmmm bukod sa crush ko sya ay malamang matatapatan niya si papa p sa acting...hahaha ganun kasi ako eh...super ganda kung iniimagine ko mga mukha nila while writing this story...hehe hope you guys like this one. Love love!

Broken Hearts RxWhere stories live. Discover now