Lie #20: Heartsick

Start from the beginning
                                    

"Hmm. Thank you for this time, Erica and Nico ha? Anyway, let's do this again next time tapos sa ibang lugar naman tayo. It's my first day in Phylisse yet I made two friends already" nginitian ko na lang siya and bid my thanks.

Nagpapasalamat ako na parang nakalimutan na ni Elise na nakita niya kami ni Derick kanina sa CR. But at the same time, nasasaktan ako. Nung hinawakan siya ni Derick. When he pulled her closer to him, the way he smiled. Hindi ko maintindihan. Gulong gulo na ako!


"Magkasama kayo sa CR kanina di ba? Anong pinag usapan niyo?" Nico broke the silence. Sinakyan niya yung drama ko kanina na masama ang pakiramdam ko. Inalalayan niya ako hanggang makasakay kami sa sasakyan niya. Heavily tinted ying windshield so nagkaroon ako ng malayang pagkakataon na tignan ulit si Derick and Elise. They're laughing. I cant believe na tumatawa ng ganyan si Derick ngayon. Commonly ganyan lang siya kapag kaming dalawa lang.

"Im not in the mood para pag usapan, Valdez" I snapped. Huli naman na para ma realize ko na napagtaasan ko siya ng boses. Nakaramdam ako ng hiya.


"Sorry" habol ko kaagad. I forgot na dapat nagpapasalamat ako sa kanya ngayon. Not dismissing him.


"Kahit naman hindi mo sabihin alam ko ang nangyari. Sa totoo lang, alam kong nararamdaman din ni Elise na bukod pa kayo sa pagiging magkaibigan ni Derick. She doesnt just have the guts to tell it"

No. Hindi pwede yun. Oo, siguro kanina may naramdaman siyang selos nung makita kami ni Derick sa CR pero yun lang yun. Cause in the first place, bakit ako iimbitahin ni Elise lumabas kung certain siya na karibal niya ako kay Derick? It doesnt make sense.


"You're wrong" I spit back


"Haven't Derick told you na marunong akong kumilatis ng pagkatao? I cant read minds but I can say what exactly they are thinking just seeing their face. Do you want to try me, anesthesia girl?" he said with a sly grin on his face. Anesthesia girl? That's funny


"Ano ang napag usapan niyo kanina?" pag iiba ko ng usapan. Refering sa pag walk out ni Derick sa room at pagsunod niya. Kahit sandali lang yun alam kong may mag usapan sila.


"He wants to call off the marriage. Pero hindi niya alam kung paano" scenes in the comfort room played in my mind again. I bit my lips. As if it taste like him. Hindi niya alam kung paano? Samantalang inalok niya ako na magtanan kami.


"And it seems to me that you have fallen inlove with him" gusto ko sana mag react ng violent sa sinabi niya. But I dont want him na isiping defensive ako masyado. At baka mamaya madulas pa ako at masabi yung mga nangyari samin sa CR. Whatever happens, hinding hindi ko ipaalam yun kahit kanino.

And that's when I realize na wala na nga akong pwedeng pagsabihan. Wala na akong kaibigan. Annabeth left and it's impossible sa ngayon na magkabati kami. Of course I cant tell Derick. Kaya wala na nga halos natira sakin. Part of me died with the thought. Noong una nakasanayan ko na din na wala si Annabeth dahil nandyan naman si Derick. Hindi ako pinabayaan. And now pati siya wala na, kailangan ko na talaga mag adjust.

Siguro ganon talaga. There are people na darating sa buhay mo but they're not meant to stay.


"I want you badly for my bestfriend, Erica. Naaalala mo ba yung nag usap tayo nun sa McDo at nilinis ko ang pangalan niya sayo? I did that on purpose. Nagkunwari lang ako na walang alam para hindi ka mag isip ng masama. He confessed to me what happened. Even the kissing part" why I am not surprise? If Nico managed not to tell me, meaning he's a good liar. And I have to give him credits for that.


"Though the things I told you were real" he added. But still, hindi pa din ako kumibo. I glued my eyes outside the window and watched the trees as we passed by. Malapit na din pala mag gabi. My thoughts landed back kay Derick at Elise. Ano na kaya ang ginagawa nila ngayon? Siguro inuubos nilang dalawa yung cake. Or they're talking happily. O di kaya umalis na sila to go somewhere private so they can spend time together alone.


The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now