"Good Morning, welcome to our hacienda" bati nito sa aking Papa at sabay ngiti saakin. Nakipag-beso ito sa aking ama at pagkatapos naman ay saakin.

So sakanila pala itong Hacienda na ito. No doubt. Talagang mayaman ang mga Yuzon.

Ngayon, nagtataka ako bakit siya nandito. Pero bago kopa tanungin si Papa, nagsalita ulit si Bridgette habang kami ay naglalakad papunta sa Function Hall, "I am grateful that you joined our party"

"It is a pleasure. Alam mo namang matagal na kaming magkumpadre nang iyong Papa, hindi na kayo bago saakin" ngiti naman ni Papa.

Now I can remember. Her Dad and my Papa is actually business partners ever since, at matagal nang sinusuportahan ni Papa ang mga Yuzon pag dating sa election. Dahil narin siguro dito kaya naisipan ni Papa na tumakbo bilang Gobernador ng siyudad, para narin ipagpatuloy ang dinastiya ng pamilya sa politika.

Maya-maya pa ay nagpatuloy nang muli ang meeting then I just stayed there in silence, watching them brainstorming on what tactics they are going to use this election campaign.

I just stayed there in silence, admiring the beauty of Bridgette. Dang, she really knows what she is doing. Halata sakanya na bihasa na siya sa ganitong bagay. Alam din niyang manipulahin ang mga tao sa paligid niya. She is now wearing a turtle neck top that really suits her. Elegance is screaming her name.

At kung mamalasin ka nga naman, habang nakatitig ako sakanya ay tumingin siya saakin. Hindi ako nakaiwas agad, kaya ayon siya at ngiting aso nanaman. Nangaasar talaga to e.

Habang abala na naguusap-usap ang lahat, nagpaalam muna ako kay Papa na maglilibot-libot muna ako sa Hacienda. As usual, nag-insist nanaman siya na may ipasunod na body guard saakin. I told him na dito lang naman ako sa tabi-tabi at wala namang ibang tao. Dahil narin sa mukha ko kaya pumayag siya na huwag na. Simula kasi noong bata ako, alam na alam ng mga magulang ko na ayaw ko ang isang bagay kapag nagsisimula nang magkita ang nguso at ilong ko. Hehe.

Nagsimula na akong maglakad-lakad at pumunta patungo sa ilog. Sobrang linis ng kapaligiran, yung tubig ang linaw din, makikita mo yung mga maliliit na isda naninirahan sa ilog. Halatang alagang alaga dito. I closed my eyes and inhaled. Wow, this is so good. It's like having a therapy.

Ibinabad ko ang aking mga paa at hinayaang magtampisaw sa init ng tubig na dumadaloy sa ilog. Buti nalang I chose to wear some slippers/sandals instead of heels/sneakers.

Pagkatapos doon ay lumapit ako doon sa naaninagan kong maliit na rest house na napapalibutan ng mga puno. Pagkarating ko doon ay may mga furniture na pahingahan at may dart board rin. Mayroon ring mga pana na naka-display. I haven't tried these things dahil ipinagbabawal ako ng Papa sa mga ganitong bagay noong bata pa ako.

Kumuha ako ng isang dart at sinubukan itong ihagis sa dart board. Ngek! Sablay. Sinubukan ko ulit kaso kung saan saan napunta. Susunod kong sinubukan is yung pana na may target sa isang puno. Sablay nanaman. Face palm.

Nagulat ako nang may kumaluskos sa likod ko. Bilang tinuruan ako ng Papa na maging cautious sa paligid, naitutok ko ang pana sa taong nasa likod ko.

"HEY! HEY!"

"Ano ba kasing ginagawa mo jan???" Inis na tanong ko kay Bridgette.

"Hinahanap ka ng Papa mo, tanghalian na kaya" sagot nito at dahan dahang kinuha ang pana saakin.

"Buti nalang napigilan ko kung hindi natamaan kita" singhal ko sakanya. Sana man lang kasi doon pa sa malayo tinawag na niya yung pangalan ko hindi yung parang sindikato na ang tahimik ng mga galaw.

"Wow, sorry ha" saka niya ako inirapan. "Harap ka doon. Hawakan mo ito ng ganito" utos niya saakin. Pinaharap niya ako ulit doon sa target at pinahawak ang pana habang inaalalayan niya ako sa likuran ko.

"Relax" aniya at hinawakan ang balikat ko. Susunod naman ay inayos ang posisyon ng kamay ko. "Relax mo din ito" at dahan dahang hinaplos ang tiyan ko.

"Sh" napasinghap ako.

"Hey" bulong nito sa likuran ko. "Ready?"

"Ehem" then I composed myself. Paano ako magiging ready e lalo akong nanlambot sa ginawa ng babaeng 'to??

Few seconds later, I released the arrow. Wow! Bullseye!

"See?" Aniya nito at nginitian ako. Umupo siya sa isa sa mga furnitures at tinitigan ako.

"Oh anong tinitingin tingin mo jan" tanong ko nang maibalik ko na yung mga ginamit ko.

"Wala lang"

"Hindi tayo close. Wag kang tumitig"

"Ah I thought we were? I caught you drooling at este staring at me earlier" pang-aasar nito.

"Excuse me. I was just staring at you kasi nagtataka ako, masyado yatang marami ang chikinini mo para mag turtle neck ka today?" pangaasar ko din. (chikinini - love bite)

Nawala ang ngiti sa kaniyang labi at bigla siyang tumayo at nagsimulang maglakad paalis.

"Ah pikon talo" asar ko ulit.

"Gutom lang yan. Tara na at hinahanap ka na ng Papa mo"

Saka ito naunang naglakad palayo saakin. Hala? Para yun lang? Pikon na agad? Luh parang bata naman.

-
Like & Comment!

Currently binge watching Juliana & Valentina (on YouTube). Must Watch!!

The Politician's Affair (gxg)Where stories live. Discover now