"Bruha ka...pagkatapos mo kung iwan, lakas mo pa ring malait. Tsaka...tigil tigilan mo ko sa ala Marian Rivera mo ah! Sabihin ko sayo dumi ka lang ng pwet niya! Sa madaling salita... TAE ka lang!
" Awts! Ang harsh mo teh. Wagas ka rin kong makalait no? Anyways...bakit ka napatawag?"
"Kase may load ako" sarkastiko kung tugon. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad hanggang sa nakarating na ako sa labas ng campus.
"Alam ko! Alangan namang tatawag ka ng walang load, duh?!" alam kong umirap siya sa sagot ko "Bukod sa ipinagmamalaki mong may load ka, ano pang ibang dahilan?"
"Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin na aalis ka pala ng maaga bruha ka?"
" Wow! Anong akala mo sa'kin, si Dora? May map at backpack para mahanap ka? And haleerrrrr...di mo ba binasa message ko? Hindi kita jowa dahilan para magpaalam ako sayo no?"
" Sus...sabihin mo na lang kase na wala ka talagang jowa. Ako pa ginawa mong dahilan" patuloy pa rin kami sa pagbabangayan ni Jude. Nakatayo lang ako sa gilid ng gate at naghihintay ng dyip na maaaring masakyan patungo sa bahay.
"At least may manliligaw... Eh ikaw? WALA. Tigang! Palibhasa kase feel na feel mo yung pagiging tigasin mo. Di naman maganda at malaki pa ang boobs"
"Eh di ikaw na maganda! Hiyang hiya naman ang lahi ko sayo. Palibhasa rin kase dala dala mo ang pader ng bahay niyo dyan sa harapan mo! Kaya kahit utong nyang dede mo ay di klaro!"
Lilinga-linga ako sa magkabilang gilid ng daan sa pagbabasakaling may paparating na dyip. Ngunit imbes na pampasaherong dyip ang makita ay nahagip ng mga mata ko si... Ken?
Kaka labas lang niya sa kabilang pintuan ng gate. Naka jacket na may hood. Katulad ko kanina ay lilinga-linga rin sya. Kaya ng dumapo ang paningin niya sa pwesto ko at agad akong nagtago sa mataas at malabong na halaman. Saktong hindi niya ako makikita ngunit klarong klaro ko naman siya dito sa pwesto ko.
Halata sa mukha niya ang pagmamadali. Tila bang may pinagtataguan. Pero teka...
Hindi ba't nauna na siyang umalis sa akin? Nakita ko pa siyang naunang lumabas sa gate sa akin kanina bago pako na kasunod.
Tsaka kanina pa ako nakatayo dito pero hindi ko naman siya nakitang muling pumasok?
"Aba aba aba! Kesa naman tulad niyang dede mo... Akala mo naman dala dala niya ang puno ng papaya na may malalaking bunga- hoy! Anggie? Nandiyan ka pa ba-" nabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ang boses ni Jude. Tch...nakalimutan kong kausap ko pa pala siya.
" Ah... Jude, ibababa ko muna. Tatawag lang ulit ako mamaya"
"T-teka! Woiiiiii! Bakit?-" hindi ko na siya pinatapon sa pagsasalita ng ibaba ko ang linya at inilagay sa bag ang cellphone ko. Ibinalik ko ang paningin kay Ken.
Nandoon pa rin siya habang lumilinga. Ngunit maya maya ay inilagay ang hood sa ulo niya habang ang mga kamay ay itinago sa magkabilang bulsa nito. Di nagtagal ay nagsimula na rin siyang maglakad.
Ilang dipa pa ang pinalakad ko sa kanya at napagdesisyunang sundan ito. May kung ano sa katawan ko ang gusto siyasatin sa kakaibang asta niya ngunit may kung ano rin sa akin na sinasabing wag pero mas nangingibabaw ang katanungan sa isip kong kailangan ng kasagutan.
Lumiko siya kaya ganoon din ang ginawa ko. Ngunit maya maya pa ay naramdaman ko na humihina ang hakbang ng mga paa niya. Naramdaman niya sigurong may na kasunod sa kanya kaya lumingon ito.
Agad naman akong nakapagtago sa malapit na poste at isiniksik ang sarili roon. Hindi niya ako napansin kaya nagpatuloy siya sa paglalakad at ganoon din ako.
Hindi ko na malayang nakarating kami sa makipot na bahagi ng eskinita at mas nabuhay ang interes sa katawan ko ng huminto siya sa katabi ng nakaparadang itim sasakyan. Mukhang mamahalin.
Ngunit hindi iyon ang nakakapagtaka.
Bakit niya naman naisipang iparada ang sasakyan niya dito kung may parking lot naman sa school?
Mas nadagdagan ang kalituhan sa isip ko ng mula sa sasakyan ay lumabas ang isang lalaki. Matangkad ng kaunti sa kanya at medyo ka edad lang din. Malinis din ang pagkakaayos ng buhok nito.
Nakapurong itim. Mula sa leather jacket nito, panloob na t-shirt hanggang sa pambabang sapin. Pati sapatos ay black converse din.
Tch. Ano yan... Black widow male version?
Kakaiba sa suot ni Ken na kulay navy blue na jacket at naka denim na maong na pinares sa kulay puting sapatos na may itim na tsek.
Hindi masyadong klaro ang mukha ng lalaking kasama niya dahil nakatagilid sila mula dito. Maya maya pa ay sumakay na sila. Si Ken sa driver's habang ang lalaking kasama niya ay pumasok sa shotgun seat.
Batid kong dadaan sila kung saan ako sumisilip ngayon. Kaya ng tyempong may nakita akong basurahan ay walang pagdadalawang isip na kinuha ang makapal na dyaryo doon at tinanong sa gilid mukha ko habang nakaharap sa basurahan.
Naramdaman kong dumaan ang sinasakyan nila sa likod ko kaya patago kung sinundan ng tingin ang sasakyan nila pati na Plate number nito.
Latest model ng Audi...
Walang duda mayaman nga ang hunghang na yun.
Plate number?
AG-560-2139
Sino ka ba talaga?Anong katangian ba meron ka? Ano ba pa ang mga sikretong tinatago mo bukod sa nasaksihan ko ngayon? ... Mr. Ken Liam Berdex?
_*_*_
ESTÁS LEYENDO
TWO strings become ONE (On-Hold)
Novela JuvenilEvery strings of a person has its own role. Every role has it's own purpose. A purpose to find another string. But how can be two different STRINGS become ONE?
Sixth String
Comenzar desde el principio
