Fifth String

14 3 0
                                        

***
Sa buhay, may mga panahon talaga na kailangan mong  isakripisyo ang isang bagay para makuha ang isa pa. In life, we need to take a risk. Kailangang tumaya. Kailangang maniwala. Kailangang kumapit sa kahit na anong   dapat makapitan.

Kailangang sumugal.

Katulad na lang ng paghahabol ko sa lalaking nakaisturbo ng dapat na tulog ko. At dahil usaping sakripisyo ang diyosa nyo, isingit na lang natin ang kasalukuyang nagaganap sakin.

Ang pagpili na habulin ang demonyong pumutol ng pahinga ko kesa ipagpatuloy ang naudlot kong panaginip kanina. See? Hindi pa ako handang sumabak sa pagiging maze runner pero parang doon na rin ako patungo.

Kasalukuyan ko ng natatanaw si Ken na lumiko sa gawing kanan ng bookshelves. May planong lumabas utol nyo dre!

Ang kinalabasan,lumiko rin ako! Alangan namang mag iba ako ng direksyon. Hinahabol nga diba? May naghahabol bang parang di naghahabol?

Ano? Di nyo gets? Don't worry di ko rin gets mga madlang readers ng magulong story ko.

"Hoy!" sigaw ko. Di pwedeng makatakas ang lalaking 'yun. Ikaw ba naman istorbohin. Ughhhhh! Lintek ka talaga.

Pinagtitinginan na ako ng mga tao dito sa hallway. Wapakels! As if naman sila yung mapapagod.

Lumiko ako sa kanang bahagi  kung saan din sya lumiko. At dahil ginalit niya ang butchi ko, kailangan niya itong  pakalmahin . Nunkang titigilan ko 'yun.

Inilibot ko ang paningin ng mahagip ko sya na kaka labas lang sa laboratory. Huh! Akala niya siguro hindi ko na siya hahabulin. Dun siya nagkakamali.

Naglalakad siya papunta sa school cafeteria . Aba! Parang walang nangyari ah. Habang ako naman ay dahan dahan siyang sinusundan at pinagmamatyagan. Okay, we'll make it smooth baby. Pagbabayaran mo kasalanan mo dre.

Bumili siya ng pagkain pagkatapos ay umupo sa bakanteng mesa. Pinapak ang pagkaing binili habang ako naman ay parang predator na handa ng atakihin ang prey.

Ken Liam's POV

I unpacked the food I bought earlier here at the canteen. Fuck! Nakakapagod talaga mag experiment.
If medicine isn't just my passion, asang ipagpapatuloy ko pa ang pagti-take up ng Doctor. Well, of course, kailangan din sa amin. It's important to save lives.

Isusubo ko na sana ang pagkain ng naramdaman ko na lang na parang may sumakal sa akin at pumulupot ang dalawang braso sa buong mukha at leeg ko.

"What the fuck-"

"Wag mo akong ma what-what lalaki! May kasalanan ka pa sa ken!" Is it a woman's voice? Hell! I can't even look who's this. Paano ba naman? Siguradong pugot ang ulo ko pag sinubukan kong pumalag.

Susubukan ko sanang kumawala ng bigla na lang nito akong binalibag at pinadapa. Now my face is facing the cold floor. Shit! Medyo may kalakasan din itong babaeng to. And I'm sure that it will leave a mark.

"What's wrong with you, woman! Or whoever you are? I didn't do anything stupid like this!" pinilit ko paring sumigaw kahit masakit ang pagkakabalibag at hawak niya sa magkabilang braso at kamay ko. Ugh! Bakit ba kase di ko pwedeng gawin sa labas ng camp e. And now, I can't even fight back.

"At talagang nagmamaang- maaangan ka pa? Aba magaling!" This is too much to be hold on. Nakakaubos ng pasensya. Di bale ng parusahan ako nila. Handa na sana akong lumaban ng marinig ko- marinig ng buong tao na nasa cafeteria ang baritonong boses ng Dean. Now I'm doomed.

Angelica's POV

"At talagang nagmamaang- maaangan ka pa? Aba magaling!" Litse ! Kung maka deny tong hinayupak na to,akala mo naman walang kasalanan.

Hawak hawak ko ang braso niya at ang mukha naman niya at nakaharap sa sahig. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante dito. Yes, I know I'm pretty. Too much on compliment.

Hindi sana hahantong sa ganito ang kalagayan niya kung hindi siya nagpumiglas na makabitaw. Iba rin ang bituka ng isang to. Kaya mas iindahin niya ngayon ang sakit.

Mas hihigpitan ko pa sana ang pagbalibag ng tinawag ang maganda kong pangalan.

"Ms. Angelica De Jesus! What's happening here? !" napapikit ako ng marinig ang boses ni Dean. Wew! Mapapasubok na naman po ako. Alam niyo ano ang mas masaklap? He called me in my full fucking name! Ugh! Kung hindi lang talaga dahil sa hinayupak na nerd na to.

Nilingon ko si Dean na may nanlilisik na  mata at may umuusok na ilong! Nasa mga late forties na ito. Nakasuot ito ng formal attire. Polo sa taas at slacks naman sa baba na pinares sa itim na tiktac shoes. He he mukhang galit na si tanda.

Binitawan ko si Ken at tuwid na tumayo ng lumapit si Dean sa amin- sa akin to be exact. Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang sa malamang edi ay nakipagtitigan na rin ako! Alangan namang magpatalo ako at hayaang mamatay? Ano ako tanga ? Sa ganda kong ito, magpaparami muna ako ng lahi 'no!

"Ms. De Jesus, WHAT'S. HAPPENING. HERE?!" diniinan niya pa ang bawat bigkas ng salita.

' May papatayin sana ako Dean' pero syempre, hindi pa naman ako masyadong makasalanan, kaya yumuko nalang ako at inilagay ang paningin sa baba.

Tumawag ito ng ilang Clinic facilitators para alalayan ang lalaking hindi ko pa napaparusahan. Putspa!

Dinala nila si Ken sa clinic habang ako naman ay  nakatayo sa harap niya habang nakayuko.

"Ms. De Jesus. To my office, now!" ramdam ko ang panggigil ni Dean.

Ngunit bago siya umalis sa harapan ko ay tinawag ko muna siya.

"Dean..." humarap siya ng may tagpong kilay.

"Yes, Ms. De Jesus? Don't tell me na hindi ka pupunta sa office? You know the consequences of your actions"

Napangiti ako. "Pupunta po ako dean. May sasabihin lang  ako."

"Then what is it?" grumpiness overload.

Tiningnan ko siya sa baba. "Ang kintab po ng sapatos niyo" saying with a sweet smile on my lips.

Mas namula ito sa galit tila ba nagtitimpi. Wrong move, Anggie. Wrong move!

"Again! Proceed to my office, NOW!"

-*-*-

Hey there, PIPS! Short lang po ang update ko ngayon kase alam niyo medyo busy.

Anyways. Enjoy Reading💞

TWO strings become ONE (On-Hold) Where stories live. Discover now