Second String

14 2 0
                                        

" Oy pare, chicks!" wika ng lalaking nasa gitna. Sabay sabay silang nagkatinginan na para bang nag uusap sila gamit ang kanilang mata

Bigla silang ngumisi na para bang may gagawin silang kakaiba.

"Hi miss, pwedeng pa kiss" sabi ng nsa gilid naman na may limang hikaw sa tenga pati na rin sa butas ng ilong.Tch Addict!

"Iwanan nyo sya" mahinahon ngunit may pagbabantang sinabi ko. Mas lalo lang nakaisa ang linya ng kilay ko nang bigla silang humalakhak ng sabay na para bang may nakakatawa.

"Yan ang gusto ko, palaban" wika ng lalaking nasa kaliwa naman na may kulay pulang buhok.

Alam ko na ang susunod na mangyayari kaya hanggat wala pa ay dahan dahan kong ibinaba ang tuyong dala ko tsaka inilagay iyon sa pinakagilid. Baka masayang pa! Napakamahal pa naman nyan ngayon.

" Uy! Mukhang galing ka pang tindahan ah!"

Unti unti ay lumapit ang lalaking nakapula ang buhok sa akin. Hindi ako umangal bagkus nanatili akong nakatayo.

"Ang ganda mo pala pag malapitan eh" hahawakan na nya sana ang pisngi ng walang pagdadalawang isip kong binalibag ang kamay nya papunt sa likod.

"A-aray! Miss bitawan mo ako!" angal nito

"Eh kung ayoko ko? May magagawa ka ba?" sa pagkakataong yun ay sumugod na ang dalawa.

Buong lakas kong tinulak ang lalaking may pulang buhok sa kasama niyang parang factory ng mga hikaw kaya dalawa silang natumba.

Susuntok na sana ang isa ngunit nakailag agad ako kaya natamaan ko nag suntok ang sikmura nya sumunod ay ang mukha nya kaya agad agad ay napatumba ito.

Maya maya naman ay nakabangon na ang lalaking may pulang buhok kasama ng lalaking maraming hikaw. Nakakita ako ng isang panggatong kaya kinuha ko iyon.

"Binibigyan ko kayo ng pagkakataon na mabubay" wika ko habang nakayuko.

"Isa." napahinto sila sa paglapit habang kalmado akong nakatayo na may hawak na panggatong sa kaliwang kamay.

"Dalawa" unti unti naman silang umatras kaya napangiti ako.

"tat-" hindi pa ako tapos ay nagtakbuhan na sila papalayo na tila mga bata na takot na takot.

Binitawan ko ang panggatong tsaka ko tiningnan ang pwesto ng lalaking nabugbog kanina ngunit bigo akong makita sya. Dahil ni anino ay wala na doon.

"Ano ba yan! Hindi man lang nag thank you. Ang bastos ha!" bulong ko sa sarili. Pinagpagan ko na lang ang sarili tsaka pinulot ang tuyong binili ko.

Panigurado hinahanap na ako ni Ate Emma. Patay ka na naman Anggie! tsk tsk

*****

"Anggie!Hoy,Anggie!Gumising ka na nga. Hindi ka pa papapsok? Malelate kana!" Ano ba yan! Ang aga aga,ang ingay na ni Ate Emma.

"Ate naman eh. Ayoko pong pumasok!" sagot ko kahit nakapikit at nakahiga pa dito sa kwarto. Mas gugustuhin ko pang makipagsuntukan ulit sa mga lalaki kagabi kesa pumasok sa isang establisyimento na ang alam lang ay mag sulat, tumunganga at magdamag na umupo. Punyeta! ang boring.
Hinablot ko unan na nasa ulohan ko tsaka walang sabi sabi'y itinakip sa buong mukha ko. Ang sarap talaga matulog!

"Abat hindi pwede! Bumangon ka na nga! At anong ayaw mong pumasok? Pasasaan pa mapupunta ang mga perang pinang aral ko sayo kung di mo pala gustong mag aral! Hay naku, ikaw na bata ka!" Ayan! Sinasabi ko na nga ba eh. May words of wisdom talaga itong si Ate Emma tuwing umaga." Sige, pag ayaw mo paring bumangon hindi ko na lang talaga itutuloy ang pagbili ng gitara! " at dahil doon ay bigla akong natauhan kaya bumangon ako agad.

" He he he. Ate Emma talaga oh, di mabiro! Papasok po talaga ako ate. Pinatapos ko lang yung panaginip ko! Mahirap na po ang panahon ngayon. Pag wala kang pinag aralan, wala kang makukuhang trabaho." Pambabawi ko sa sinabi ko kanina. Ano ba yan! Ang sarap pa matulog eh. Kung hindi lang dahil sa gitara.

" Babangon ka rin pala. Maligo ka na pagkatapos dumiretso kana sa kusina para sa agahan mo. Wag kang aalis ng walang laman ang tyan. "Wika nya hawak hawak ang sandok.

Tumayo na ako at kinuha ang tuwalya sa likod ng pinto tsaka lumabas ng kwarto para magtungo sa banyo. Naabutan ko pa si Ate Emma na sinusubuan si Butchoy sa hapagkainan

" Ate Anggie,andyan ka na pala. Akala ko di na matatapos ang panaginip mo" Bungad agad ni Butchoy sa akin kahit na nasa gilid nya lang ang ina nya.

"Eh ikaw Butchoy, kay laki mo nang nilalang nagpapasubo ka pa. Ano ka, pilay?" sansala ko naman sa kanya. Mas lalo akong nainis ng inirapan nya lang ako. Eh di wow! napakatapang nga talaga ng biik nato para asarin ako. Hindi ko na sya binalingan pa kaya ng makarating ako sa banyo para maligo.

Tatlo lang kaming nagsasama sa iisang bubong. Ako, si Ate Emma at Butchoy. Mag isa nalang na itinaguyod ni Ate Emma ang kanyang nag iisang biik este anak dahil iniwan sila ng napaka iresponsable nyang asawa. Kaya mas pinili nalang nyang kumayod para sa amin. Pareho kami ni Ate Emma na wala ng mga magulang. Oo, hindi kami magkapatid at hindi parehas ang dugong nanalaytay sa aming ugat. Inampon lang ako ni Ate Emma nung bata pa ako sa kadahilanang iniwan ako ng mga magulang ko sa dibisorya. Oh diba, sa dinami dami ng lugar sa magulong sulok pa. Tsk tsk napaka iresponsable! Sinubukan ko silang hanapin noong 14 na taong gulang pa lang ako. Pero wala en. Punueta! Ang galing magtago ng mga magulang ko.

Kaya ayun at nakita ako ni Ate Emma. Dinala nya ako sa bahay nya. Dito iyon mismo. Dalaga pa sya ng panahon na yun. Habang lumalaki ako pansin ko ang pagmamahal na ibinibigay nya sa akin araw araw. Na kahit iba man ang sinapupunan na pinanggalingan namin, pinapadama nya na iisa ang puso na pinagmulan namin.

Nakilala nya ang ama ni Butchoy. Pinangakuan sya ng kung ano ano kaya lumabas si Butchoy. Ewan ko nga ba. Siguro lalaking baboy ang ama ni Butchoy! Ah kaya pala biik ang naging anak nila. Malas! Bat ba kase sa ama pa nagmana si Butchoy. Pero sa huli ay iniwan lang sila nito. Mas mabuti nga yun eh. Napakalasinggo kase non. Andami pang bisyo. Dagdag kamalasan lang sa pamilyang to. Kaya napagdesisyonan nalang nu Ate Emma na itaguyod nya kaming mag isa.

Pero minsan ay rumaraket naman ako. Naghahanap ng sideline. Kaya nga mas pinili ko nalang minsan mag trabaho kaysa tumunganga sa paaralan. Walang kwenta, hindi naman ako yayaman doon! Dagdag gastusin pa. Pero sinisigurado ko naman na papasa ako. Patay ako kay Ate Emma pag di ako nakapasa!

Maya maya pa ay may kumatok sa pintuan ng banyo namin.

"Anggie! Mukhang natutulog ka na naman dyan sa banyo. Ni wala man lang akong narinig na buhos ng tubig. Hay naku! Palagi mo nalang pinapatay ang oras. Late ka na talaga!" sigaw ni ate Emma sa likod ng pintuan. Naalimpungatan ako at iminulat ko ang mga mata ko na hanggang ngayon ay bagsak na bagsak pa. Parang hinihila pa ako ng kama! Ugh! Ano ba yan!

"Ikaw talaga ate, palagi mo nalang akong sinasabihang natutulog pag natatagalan sa pagligo! Eh taimtim na nagdadasal yung tao dito oh." pag rarason ko. Eh kase naman ang sarap pa matulog. Kaya pumikit muna ako ng mga 5 minutes habang nakaupo sa inidoro. Limang minuto lang naman eh! Aish!

" Ewan ko sayo! Mauuna na nga lang ako at baka may makakuha pa ng pwesto ko sa palengke. Basta sinasabi ko sayo Angelica De Jesus, pumasok ka kaysa puro kabulastugan na naman ang gawin mo."

"Ate Emma naman eh! Anggie po.Anggie!" Napakamot na lang ako ng buhok. Nakakakilabot talagang pakinggan ang buo kong pangalan. Tangina! Napakabanal eh. Kulang nalang magdala ako ng rosaryo habang naglalakad sa kahabaan ng EDSA na may nakabalot na belo. Takte!

TWO strings become ONE (On-Hold) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang