Tahimik akong naglalakad sa lobby ng unibersidad na pinapasukan ko. Napakapayapa. Ni wala man lang katao tao ng pumasok ako dito. Malamang late na ako eh! Nasa kanya kanya ng building ang mga estudyante.
Ang iba kapag nalate, halos magkanda ugaga na. Habang ako? Parang wala lang,ganoon! Hindi naman kasi lahat ng bagay nadadaan sa madalian.
Tinahak ko ang daan papunta sa Engineering Department. Yes, I am an Engineering Student . An electrical engineering to be exact. At kung tatanungin nyo ko kung bat ito ang kinuha ko? Aba,ewan ko! Feel ko lang mga bes.
Kaya ng nasa tapat na ako ng room namin ay nadatnan ko pa si prof na abala na nagsusulat sa white board. Sakto! Di nya ako mahahalata na pumasok. Nasa harap pa naman ang upuan ko.
Kita ko ang paglipad ng mata ng aking mga kaklase sa akin. Kaya inilagay ko kaagad ang aking hintuturo sa aking labi para sabihin na wag silang maingay.
Dahan dahan at walang ingay akong naglakad papasok ng nakayuko. Nakita ko pa si Jude na parang nagpipigil lang ng tawa habang ang kamay nya ay abala sa pagsusulat. Ang bakanteng upuan na nasa gilid nya ay ang mismong upuan ko.
"Miss Angelica De Jesus!You.Are. Late. AGAIN." napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang malalim na boses ng pinakamabait naming professor. Si Prof. Rogelio Dimakapagtimpi.Ang guro namin sa calculus.
Tangina! Naiisip ko palang ang buo nyang pangalan, nakakatawa na.
Pero sa sandaling yun ay di ko gustong tumawa. Anak ng tokwa! Nahuli ako ni Tanda! Napapikit ako ng marinig ang kanyang boses. Unti unti akong lumingon at inihanda ang matamis kong ngiti.
"Naks. Ganda ng umaga natin prof ah!" tuluyan na ngang nasira ang araw ng matandang prof na nasa harap ko. Tuwid na akong nakatayo habang minamasdan ang pandidilim ng mukha nya.
"Dont try to change the topic, Miss De Jesus" ramdam ko na talaga eh. Yung pakiramdam na malapit na sumabog ang temperatura ni prof. "Why are you late. AGAIN?" tanong nya.
"Ah... eh kase po... Ano ... Ano... " anak ng - ano ba isasagot ko nito.!
"Ano?" ipinagkrus ni Prof. Dimakapagtimpi ang mga braso nya sa kanyang dibdib. Naghihintay sa isasagot ko. Kung may maisasagot nga.
Nakasalamin ito at may puting buhok. Menopausal ata si Prof eh. Teka... may menopausal stage ba ang mga lalaki?
"Kase po ano eh..."
"Naghihintay ako Miss De Jesus" salubong ang kilay nito habang matalim akong tiningnan.
"N-naubusan po kase ng gasolina yung sinakyan kong jeep kaya huminto po muna kami sa gasoline Station. Eh ang malas nga prof eh kasi ano..."Isip Anggie isip." N-naabutan pa kami ng trapik sa Edsa tapos sakto naman na may dumaan na matanda kaya pinadaan pa ni Manong drayber si Lola kanina. Eh bilang nalang po yung araw nun eh. Alangan naman pong sagasaan nalang" mas lalong nalukot ang mukha ni Prof. Mukha atang ayaw maniwala ni tanda.
"Pang ilang alibay mo na ba yan, De Jesus?" sinasabi ko na nga ba. Di talaga kapani paniwala ang rason ko.
"Pang isa pa po" sagot ko.
"At talagang sumagot ka pa?"
" Nagtatanong po kayo eh" ambobo naman ni Tanda. Hindi ba nya alam na kapag ang salita ay nagtatapos sa question mark ay patanong. Dapat kailangan ng sagot! Tsk tsk. I know right, signs of aging! Nagtawanan ang mga kaklase ko at umalingawngaw iyon sa loob ng silid.
Umakyat ang dugo ni Prof sa kanyang ulo at kitang kita ko ang paglabas ng usok sa kanyang ilong. Tama naman yung sagot ko ah!
"Quiet!" napatigil ang lahat ng inihampas nya ang kamay sa mesang nasa harap nya. Pansin ko pa ang pag ubo kunwari ni Jude.
"You can sit now, Miss De Jesus. Baka kung ano pa ang magawa ko sayo pag di ako nakapagpigil" pilit nyang pinakalma ang sarili nya kahit hirap na hirap.
Sinunod ko ang payo nya. Umupo na ako sa tabi ni Jude. Inilagay ko ang bag ko sa likod ko. Agad namang dumikit si Jude sa akin ng di lumilikha ng ingay. Inilagay nya sa mesa ko ang notebook nya. Sakto! wala pa akong sagot. Pero nagulat kong tiningnan ang notebook nya. Puro blanko!
Tiningnan ko sya ng may makahulugan tingin. "Bat walang sagot?" pabulong ngunit may diin kong sabi.
"Pinapasagot ko sayo. Ang hirap kase"
"Jude Marie! Kakarating ko nga lang eh"
"Sige na please. Alam mo namang mahina ako dyan. Tsaka masasagutan mo naman yan agad. Ang talino mo kaya dyan" pagpupumilit nya.
Matagal ko nang kaibigan si Jude. Simula pumasok ako sa unibersidad na ito hanggang ngayon. Oo, babae si Jude Marie. Pareho kaming regular 4th year student ngunit magkaiba kami ng kurso. Bussiness Management ang sa kanya. Mayaman sila. May negosyo kaya di sya hirap sa buhay. Samantalang ako kailangan pang rumaket para may pantustos. Di naman kasi kaya ni Ate Emma na akuin ang lahat ng gastusin.
Mabuti na lang at Scholar ako dito kaya medyo di mabigat sa bulsa ang pag aaral ko. Kaya minsan kumukuha ako ng remedial lessons para kahit lumiban ako sa klase di ako nahuhuli sa lessons. Naghahanap kasi ako ng part time job o kaya ay sumisingit ng raket.
Sinimalan ko na ang pagsagot sa notebook ni Jude. Ginawan nya rin ako para kumopya nalang sa akin. Wala pang 30 minutes ay natapos ko nang sagutan ang lahat ng tanong.
Natigil ang lahat sa pagsagot ng magsalita si Prof. "Okay class, keep your eyes on me for a while"
"I know that you are busy on answering but to inform everybody, there is another student who will add on your attendance"
Tumaas ang kilay ko. New student? Sa 2nd sem?
"Please come in, Mr. Berdex"
Sa pagbitaw ng mga salitang yun ni prof ay pumasok ang isang nilalang suot ang makapal na salamin. Medyo may kahabaan ang buhok nito na syang dahilan kung bakit hindi masyadong kita yung mata niya. Medyo maluwang ang suot nitong pantalon tapos may kalakihan rin yung suot nyang jersey jacket habang may nakasabit na backpack sa likod nito. Pero infairness, maputi ang taong to. Pumwesto ito sa gilid ni prof.
"This is Ken Liam Berdex, your new classmate. Actually, galing pa syang states nag aral until he decided to transfer here in this university for good"
Tahimik kaming nakikinig kay prof habang abala ito sa pagpapakilala sa bagong classmate namin.
Mukhang di ata kilala ng lalaking to ang 'introduce yourself'. Si prof pa talaga ang nag abala. Galing!
Gumagalaw ang mata ng bagong dating naming klasmeyt. Minamasdan ang bawat isa sa apat na sulok ng silid na ito. Hanggang sa napadpad ito sa pwesto ko. Or should I say sa akin mismo!What the hell?
Naramdaman ko nalang na may kumakalabit sa akin. Nilingon ko si Jude ng may makahulugang ngiti
"Bes... nakatingin sya sayo. Ayieee" sinusundot sundot pa nya ako sa tagiliran.
I know! Hindi naman siguro ako bulag.
"Tch tumigil ka nga Jude" padiin kung saway sa kanya.
Tumigil din ito pero hindi pa nya nilalayo ang mukha nya sa kin habang ako naman ay nakipagtitigan sa lalaking kakarating lang.
"Pero infairness bes... kahit ganyan ang aura nya may mukha pa rin. Siguro pag aayusan, ang gwapo!" Like seriously? san napulot ng Jude nato ang kagagahan nya.
Pero habang tumatagal ang titigan ko sa lalaking to... may narealize ako. Ang ganda ng mga mata nya. Nakakadala. Hazelnut eyes
Tila hinihigop ang kaluluwa mo papunta dito. Bigla bigla ay naramdaman ko ang takbo ng puso ko. Na para bang hinahabol atay kasamang malakas na tambol.
"No. He's just a typical nerd guy" kalmado kong tugon kay Jude. Kabaliktaran sa inner side ko...
YOU ARE READING
TWO strings become ONE (On-Hold)
Teen FictionEvery strings of a person has its own role. Every role has it's own purpose. A purpose to find another string. But how can be two different STRINGS become ONE?
