Fourth String

14 2 1
                                        


"Ate, isang mineral water nga" sigaw ko sa tindera ng canteen namin. Ang tinderang may makapal na pakilay at maputing mukha na para bang hinipan ng isang sakong harina. Habang ang mga labi naman nito ay kasing pula ng dugo. Ewan ko nga ba! Parang pinaglihi ata to ng nanay nya sa makeup kit. At sa kasamaang palad, na overdosage mga bakla! Siguro, nakalimutan ng nanay nyang magpaprenatal habang nasa sinapupunan pa sya.

"Oh heto!" Abot nya ng mineral sa akin. Binigay ko rin sa kanya ang bayad ko. Tinanggap ko ang tubig tsaka pumanhik.

Ilang hakbang pa ang nagawa ko ng sumigaw ang tinderang pinanghilamos ang confectioner sugar nang hindi man lang natanggal sa mukha.

"Wala man lang pa thank you. Inabala mo pa ang pagfa-facebook  ko!"

Tumaas ang kilay ko sa narinig. Talaga lang ha. Ako pang may kasalanan ngayon. Lumingon ako sa kanya suot ang kalmadong ekspresyon.

"FYI ateng, nagbayad ako dahilan kung ba't ako nakunan ng ipon kaya wala akong dapat na ipagpasalamat sa'yo . Pwera na lang kung nilibre mo ko at kusa mong binigay yun kaya makakatanggap ka ng isang sakong thank you sa akin. Sasamahan ko pa ng jacket." Umirap pa ako bago umalis.

Kung makademand ng thank you to. Anong akala nya dun kendi na basta basta lang ibinibigay kahit may nawala sayo?

Napansin ko na nakatingin ang lahat ng tao dito  sa gawi ko.

" Oh? Ano tinitingin tingin nyo? Makikichismis tapos ipagkakalat? O di kaya i post sa social media? Hala sige, gawin nyo! Gawin niyong hanapbuhay tapos kapag nagkapera na kayo't yumaman, wag nyo naman akong kalimutang bigyan ng shares. Nakakahiya naman kung ang mismong laman ng balita, sya pa yung walang perang nakuha "

Nagsibalikan agad ang mga estudyante sa kani kanilang pwesto at ginagawa matapos akong mag speech. Punyeta! Ang toxic ng mga tao.

" Bravo! Bravo! " sinamahan pa ni Jude ng mabagal palakpak kasabay ng paggalaw mg ulo nya. Sa paraan ng palakpak nya, parang bilib na bilib ito sa nakita.

I know right! Kailangan pa bang ipagkalat?

Umupo ako sa mesa kung saan nakaupo si Jude habang dala dala ko ang mineral na binili ko. Tanginang mineral water to! Pasimuno sa lahat ng gulo ngayon.

Nadatnan ko pang nakangisi si Jude habang pinanonood ako. Baliw na ata tong kaibigan ko.

"Bes...  may plano ka na bang palitan si Oprah Winfrey sa speech nya? Pasado ka na eh! Ang kaso nga lang, her speech talks about the equality between white and black. Mala-Hitler nga lang iyong sa'yo tapos ang ending ng adress mo ay yong sinabi ni President na 'change is coming'. Oh diba! Isn't it amazing? Isn't it exciting? Isn't it - Ouch!

"Magtigil ka nga Jude" hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita. Agad ko na kase syang pinalo ng bote ng mineral water na hawak hawak ko pa at hindi pa nabubuksan hanggang ngayon.

Ginaya pa nya si Kim Chiu sa pelikula nito habang sinasabi ang huli  nyang sinabi. May pakumpas at pa demonstration pa syang nalalaman. Kaya ngayon ay himas himas nya ang kanyang ulo dahil sa ginawang paghampas ko.

"Ang harsh mo ha! Masakit yun" pagmamaktol niya

"Kung ano anong kagagahan nalang kase ang nalalaman mo"

"In all fairness, ang amazona mo dun ah! Natiklop mo lahat ng chusera at chusero eh"

"Tch"

Hindi ko na pinansin si Jude. Binuksan ko na lang ang mineral water ko saka ininom. Agad ko namang hinablot ang bag ko na pinagigitnaan ng mga upuan namin pagkatapos ay binuksan ito. Kinuha ko dun ang biskwet na binili ko sa tindahan bago ako pumunta dito sa school.

TWO strings become ONE (On-Hold) Where stories live. Discover now