"Ano bang nakain mo, Ms. De Jesus at nakuha mong harasin si Mr. Berdex? Ha? Without any reason?!" salubong ang mga kilay ni Dean habang hinahatulan ako dito sa office niya.
Nasa harap ko ngayon si Ken( ang lalaking walang modo) at nakaupo habang dean naman ay problemadong nakatayo habang nakakibit balikat.
Anak ng tokwa! Sana talaga hindi ko nalang pinuri yung makintab niyang sapatos. Mas lumala ang sentinsya ko e.
"Ano po Dean? Nakain? Bukod po kase sa sandwich na binigay sa akin ni Jude at tubig para pananghalian ko ay wala na" inosenteng sagot ko dahilan kung bakit napatapik siya ng sariling noo.
"Tsaka Dean, ang exagge naman po ng word na harass. Inano ko ba siya? Ginahasa? Minolestya? Iwwwww" kahit na may hitsura pa yan... Tss.
"My goodness! Ba't di ko nga ba to nakitang paparating?" bulong niya sa sarili pero ganoon ay dinig ko parin.
"Ano bang exagge sa sinabi ko ha? Ms. De Jesus? The word harass? Eh ano ba dapat? Tagu- taguan na nauwi sa sakitan?!"
Galit na galit Dean?
"Hindi naman po kase yun ganoon. Nag-"
"Ganoon narin 'yon Ms. De Jesus!"
Nabuo ang inis sa loob ko. "' Wag n'yo kase muna putulin ang sasabihin ko" pilit na pinipigilan ang inis. Wala pa nga akong paliwanag, kung maka react? Over!
Natigilan siya "Go ahead. "
Bumuntong hininga muna ako bago nagpaliwanag. Inilahad ko lahat ng detalye. Mula nung malaman kong walang prof na pumasok, nung plano kong matulog sa library ngunit naudlot, hanggang sa dumating sya at naabutan nya akong hinarass ko daw si Ken. Jusko! ni pag banggit ng pangalan niya, nakakabakla! Letse!
Taas ang mga kilay ni Dean habang sinasabi ko lahat. Walang labis, walang kulang. No more, no less.
Habang nagsasalita ako ay paminsan minsan kong tinitingnan ang lalaking nasa harapan ko. Si Ken. Pansin ko ang pangungunot ng noo niya. Para bang wala siyang alam sa mga pinagsasabi ko. Na kailan man ay hindi niya ginawa ni katiting sa mga sinabi ko. Napairap ako. Playing innocent, huh?
"Stop rolling your eyes, Ms. De Jesus! You're here in my office. Here in front of me!" nagulat ako biglaang pagsigaw ni Dean.
"Sorry Dean" nahihiya akong yumuko. Akalain mo 'yon? Matanda na pero 'sing talas parin ng lawin ang paningin ni Dean.
Bumuntong hininga siya tsaka inilagay ang hintuturo at hinlalaki sa magkabilang sentido. Nag angat muli siya ng tingin at mariin akong tiningnan. Napalunok ako ng sandaling iyon. Alam ko kung saan na ito patungo. Alam ko na bukong-buko na ko sa kasalanan ko.
"So... All this time, you're sleeping inside the library, Ms. De Jesus? Ha? Ms. De Jesus?" Jusko naman Dean... Market-market? Unli-unli? Paulit-ulit? Hala sige idiin n'yo pa apelyido ko! Malay niyo bukas nalaman niyong nag madre nako! Tungunuuuuuuuuuu tuluguuuuuuu!
"Hindi naman po natuloy kase-"
"Kase may nambulabog sa pahinga mo" sinadya niya pang diinan ang pagkakabigkas ng salita.
"Kase binulabog niya ho ako" tsaka ko tinuro si Ken. Nagulat siya ng ituro ko. Kunware ay wala siyang alam.
Tss...ugali din talaga ng matandang ito ang pumutol ng mga sasabihin.
"What? Me?" Si Ken. Gulat na gulat. Habang ang hintuturo niya'y nakatuon sa sarili.
"Hindi... Iyong silyang inuupuan mo" sarkastiko kong tugon. Sinuway naman ako ni Dean. Itinanggi naman ni Ken ang paratang ko sa kanya at sinabing halos buong araw silang nasa laboratory para sa experiment. At noong oras na sinugod ko siya ay iyon lang daw ang oras na nakalabas siya kaya ay dumiretso siya sa canteen at kumain.
YOU ARE READING
TWO strings become ONE (On-Hold)
Teen FictionEvery strings of a person has its own role. Every role has it's own purpose. A purpose to find another string. But how can be two different STRINGS become ONE?
