Pilit ko ring sinasabi na hindi ako nagkakamali sa nakita ko. Alangan namang maging dalawa mukha niya?
Pero sa huli ay ako ang nahatulan. Kailangang gawin ko ang community service ng buong linggo sa lahat ng sulok ng campus bilang unang kaparusuhan sa una kong paglabag ng polisiya ng paaralan. Ang panggugulo. Minabuti ko ring hindi iyon malalaman nina ate Emma dahil paniguradong maglalaan na naman ako ng limpak-limpak na cotton buds panlinis lang sa tenga kong mapupuno ng bulyaw niya.
Palibhasa kasi ay na kay Ken ang pabor. Tsk tsk. Napakaswerte.!
Tch. Paniguradong bugbog sarado ang katawan ko bukas sa trabaho nito. Ayoko ring bumaba ang mga marka ko nang dahil lang sa ginawa kong kalokohan.
Matapos akong binigyan ng kaparusahan ay kanya kanya na rin kaming lumabas. Kunot ang noo akong naglalakad sa hallway. Pinipigilan ang inis . Hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kanina. Lalong lalo na ang pagtanggi ni Ken.
Ha! Talagang siya pa ang lumabas na inosente... Habang ako? Lumabas na may kasalanan! Hiya ng hiya naman ako sa kalinisan ng puri niya.
Dumiretso ako sa classroom ngunit sa kasamaang palad ay wala ng mga tao. Tanging mga nagkalat na silya na lang ang iniwan ng mga kaklase ko. Kita mo na, talo pang mga high school student sa linis ng room namin. Hahanapin ko na lang si Jude.
Tinahak kong muli ang hallway. Nagbabakasakaling mahahanap siya. Nasaan ba kase ang bruhang iyon? Nakarating ako sa main center ng campus habang ang mga mata ay inililibot. Napabuntong hininga ako ng kakaunti na lamang ang mga tao roon. Nakauwi na siguro si Jude. Hindi naman ako nagkamali dahil maya maya pa ay tumunog ang cellphone kong mamahalin. Yung tipong imbes na sa screen ka pipindot ay di na kailangan dahil may sarili na itong tipanan. O diba? Chaka!
Keypad lang 'to' wag kang ano!
'Kala niyo touchscreen 'no? Pwes...ibahin niyo lola niyo. Wala 'tong pera!
Lumabas ang pangalan ni Jude sa screen. Kaya binuksan ko ito' t binasa. Alangan namang kainin?!
From: Jude-as
HOY! Fren kong feeling tibo kahit malaki naman ang boobs at tsaka di naman maganda, nauna na akong umalis sayo dahil tinawagan ako ni mudra. May lalakaran daw siya at kailangang daw niyang isama ang makalaglag brief na feslak ng kanyang anak! Kaya di narin ako nakapagpaalam sa'yo kase di naman kita Jowa! Kaya vavoshhhhhhh!!!!
Seen: 4: 15 pm
Litse! Kahit sa text, napakamapanglait talaga ng babaeng to! Ang lakas din ng pagkakapuri niya sa sarili ah! Sinabihan pa talaga ako na malaki ang boobs?!
Kinapa ko ang dibdib ko. Di naman malaki ah! Sakto lang. Mga cup B.
Napagdesisyunan kong tawagan na lang si Jude. Maya maya pa ay nag ring na ito tsaka niya sinagot.
"Hi! This is Jude Marie Alcantara aka Marian Rivera... Sorry busy ang tinatawagan mo... pero sabihan mo lang akong DYOSA at ilalaan ko ang 10 pesos load ko para sayo! Just dial *121#-"
"Woi! Ang dami mong satsat! Puro kahanginan lang naman pinagsasabi mo-"
"Again, this is Jude Marie Alcantara aka Marian Rivera... Sorry busy ang tinatawagan mo... pero sabihan mo lang akong DYOSA at ilalaan ko ang 10 pesos load ko para sayo! Just dial *121#-"
" Sige, ulitin mo pa sinabi mo't makakatikim ka ng lambing sakin bukas! Yung tipong di ka na makahinga! "
"Oy, Angie! Is dawt chu, mah fren? Akala ko naman yung tambay sa kalye...panlalaking boses kase"
YOU ARE READING
TWO strings become ONE (On-Hold)
Teen FictionEvery strings of a person has its own role. Every role has it's own purpose. A purpose to find another string. But how can be two different STRINGS become ONE?
Sixth String
Start from the beginning
