De joke, nandun lang siya kay Ree kanina.
"Ay, sige." Tumango si Xenzel sabay simulang magligpit ng mga gamit niya. "Besss, mauna na muna kami ah? Kakausapin pa kasi namin si MJ tungkol sa Gehenna Sentries." Pamamaalam niya sabay sukbit ng shoulder bag niya.
"Yeah, uuwi na rin naman ako." Sagot ko sabay tayo at nauna pa talaga akong naglakad sa kanila.
Naglalakad ako sa unahan nina Zypher, Xenzel, at Ree. Dinig ko pa rin ang tilian ng ibang estudyante sa labas ng room. Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang sa pinto ay isang lalaki na ang agad na sumalubong sa'kin. Nabibigla akong nag-angat ng tingin sa kung sinuman siya at...
"E-End..?" Bigla akong nakaramdam ng kaba. Bigla akong pinagpawisan nang malamig.
"Hi Nemmie." Cool pero sweet niyang bati sa'kin nang naka-smirk.
Takte sinasadya ba niya 'to? Yung pagiging cool?
Nasa likod ko pa naman si Ree! Nakaka-tense pala talaga!
"Hello..." Nag-aalangan kong sagot sa kanya sabay angat din ng kanang kamay ko.
"Pwede ba kitang yayaing kumain dun sa cafe?" Anyaya niya sabay sandal nung kaliwang braso niya sa pader na nasa tabi lang namin.
"Ngayon na..?" Seryoso ba siya?
"Oo naman. Ayaw mo ba?" Nawala yung tabigang niyang ngiti.
"Ah, hindi naman sa ganun. Sige samahan na kita. Tara!" Nginitian ko na din siya para kunwari sweet kami sa isa't isa.
Tama ba ginagawa ko? Ewan...
YOU ARE READING
Zypher and Gangsters
General Fiction"Mamahalin pa rin kita. Titiisin ko ang sakit, kahit sobrang sakit, kahit na ikamatay ko pa." [Ghosts and Gangsters Book II] von Einsiedel Series 1.5 I recommend you to read Book I first. The 1st Book is entitled "Ghosts and Gangsters...
#Afraid 13: FANSCLUB
Start from the beginning