#Afraid 11: XENZEL VS. TETRA
✙ Tetra's POV ✙
Matapos ang ilang araw...pagkatapos ng pesteng play na yun...
Nandito na naman ako sa Seriun, sa unibersidad na nagpapagulo sa buhay ko! Nitong mga nakaraang araw, may mga bagay na bumabagabag sa isip ko na hindi naman dapat. Hindi ko dapat iniisip ang mga bagay na yun, pero hindi ko mapigilan.
Zypher.
Zypher.
Zypher!!!
Kahit wala na si Devika noon ay hindi mo pa rin ako kayang pansinin at mahalin! At ngayong unti-unti ka nang nawawala ulit sa'kin...
Ano na naman ba itong nararamdaman ko?
Iwinasik ko ang mga pumapasok na namang kalituhan sa utak ko at inihakbang ko palikod ang kanang paa ko, kasabay ng pag-ikot ko paharap sa kabilang direksiyon...kung saan nakatayo na pala ang taong...
H-Hindi... Ayoko!
"Tetra." Seryoso niyang pagbanggit sa pangalan ko. Kahit yun ba ay makakaapekto nang ganito sa'kin nang agad-agad? Hindi na talaga tama 'to!
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig kong sagot sabay pilit na iwas ng tingin ko mula sa hitsura niya. Obviously, I'm talking about Vain!
"Well, dito ako nag-aaral kaya obviously, lagi dapat akong nandito." Pamimilosopo niya na hindi ko na lang pinansin, bagkus ay bumuntong-hininga na lang ako at nagsimulang lampasan siya.
Hindi na ako nagsalita. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad habang pilit na iniinda ang mabilis at malakas na pagtibok nitong abnormal kong puso.
Alyssa, Jerime, Natasha! Nasan na ba kasi kayong mga haliparot kayo!
"Pero nandito ako dahil sinadya kong hanapin ka." Napakislot ako nang biglang nagsalita sa tabi ko si Vain! I was so occupied that I did not even notice him following me!
"B-Bakit mo ba kasi ako sinusundan!" Kunyari naiinis ako kahit na iba ang nararamdaman ko.
"Gusto lang naman kitang makausap."
"Pwes ayaw kitang makausap, kaya pwede ba tantanan mo na lang ako!" Bigla kong singhal sa kanya na ikinabigla naman yata niya dahil napahinto siya.
YOU ARE READING
Zypher and Gangsters
General Fiction"Mamahalin pa rin kita. Titiisin ko ang sakit, kahit sobrang sakit, kahit na ikamatay ko pa." [Ghosts and Gangsters Book II] von Einsiedel Series 1.5 I recommend you to read Book I first. The 1st Book is entitled "Ghosts and Gangsters...