Dice Game - PART II

Start from the beginning
                                        

NICO: Alfie? Anong ginagawa natin dito? Nasaan tayo?

ALFIE: Hindi ko rin alam.

Sagot nya habang nagiisip ng paraan kung paano nyang matatanggal ang kadena na nakapalupot sa katawan ni Nico. Nakasuot din ng uniporme si Nico at nagkaroon ito ng mantsa sanhi ng kadena. Muli, inilibot ni Alfie ang kanyang paningin upang maghanap ng paraan kung paano matatanggal ang kadena. Ngunit ngayon nya lang napansin na wala pa lang ibang gamit dito kundi isang mesa na may nakapatong na garapon na walang laman. Garapon? Agad na pagtataka ni Alfie. Tumayo si Alfie at lumapit sa mesa.

NICO: Alfie, san ka pupunta?

Hindi ito sumagot, nagtataka naman si Nico kung ano ang ginagawa nya sa mesa.

NICO: Alfie?

Lumingon ito at agad na lumapit sa kanya. Nagulat na lamang siya ng magawa syang pakawalan ni Alfie at sya ay namangha.

NICO: Pano mo nagawa yun?

Ipinakita ni Alfie ang susi at lalong nanlaki ang mga mata ni Nico.

NICO: San mo nakuha yan?

ALFIE: Doon sa may garapon.

Tumayo si Nico at nagpagpag ng damit. Pagkatapos ay lumingon kay Alfie.

NICO: Pano mo nalaman na nasa garapon ang susi?

ALFIE: Dahil sa garapon rin nakalagay ang susi sa silid na pinanggalingan ko.

NICO: Teka, nakakulong ka din sa isang kwarto?

ALFIE: Mamaya na ako magpapaliwanag. Kailangan nating mahanap yung daan palabas.

Agad na lumabas ang dalawa sa silid. Nagtaka si Nico sa mga pintong nakita nya na marahil ay mga kwarto.

NICO: Whoa! Nasan ba tau? Bakit ganito yung lugar.

ALFIE: Hindi ko rin alam, tara na. Hanapin na lang natin yung daan palabas.

Nakakadalawang hakbang pa lamang sila ng pareho silang nakarinig ng boses ng isanh babae. Hindi nila mawari ang sinasabi nito.

NICO: Narinig mo ba yun?

ALFIE: Oo, boses ng babae.

VOICE: Tulong!!

Nang maintindihan nila ang sinasabi ay dun lang din lamang nila napagtanto kung sino yun. Agad silang nagmadali upang hanapin kung san nanggagaling ang boses na iyon.

Nang kanilang matunton ang silid ay doon nila nakita si Kathleen na patuloy pa rin sa panghihingi ng saklolo. Ang sitwasyon nya ay kapareho rin ng kay Nico. Nakapiring at nakakadena. Umiiyak sya habang nanghihingi ng tulong.

NICO: Kathleen?

KATHLEEN: Sinong nandyan? Lumayo kayo sakin.

Nilapitan ni Alfie si Kathleen at tinanggal ang piring nito.

ALFIE: Kathleen, kami 'to. Si Alfie at Nico.

Naaninag ni Kathleen ang mukha ng dalawa. Bahagyang napawi ang kanyang takot.

KATHLEEN: Alfie? Nico? Nasan tayo? Anong ginagawa natin dito?

ALFIE: Yun din ang inaalam namin

Lumingon si Alfie kay Nico.

ALFIE: Nico, kunin mo yung susi.

Agad na naghanap sa paligid si Nico at nakita nya ang garapon sa ibabaw ng mesa. Ibinigay nya ang susi kay Alfie at tinanggal nito ang kadena ni Kathleen. Matapos matanggal ang kadena ay tumayo si Kathleen.

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now