Chapter 46-In Her World

3.2K 71 19
                                    

YUMI POV

Mag-isa lang ako na nakaupo ngayon dito sa upuan sa ilalim ng malaking puno.Nagpunta sa canteen sina Tala,Karin at Uni dahil nagugutom na daw sila.Nagpaiwan ako dito dahil baka matapos na ang exam nina Sky.Bibili na lang daw sila ng pagkain para sa akin at pati ang kanila ay itatake out na lang din daw nila para sabay-sabay kaming kakain dito.

Ilang sandali pa lamang ako na naghihintay ng makadinig ako ng..

Kaguluhan?

Pag-aaway?

Hiyawan?

Tili?

o_0

Anong meron?? 

Nakapasa ba sa exam ang dahilan ng kaguluhang yun? Ganoon ba kabilis lumabas ang result ng exam namin? Ang bilis naman yata..

Never mind..bahala sila,baka masabihan pa na walang basagan ng trip..

Nang mapaigtad na naman ako sa lakas talaga ng mga hiyawan at tili ng mga estudyante..

Ano ba talaga ang meron dun??

Curiousity kills kasabihan nga..

Kaya naman heto ako hindi napigilan ang sarili at naglalakad ngayon papunta sa lugar na kinaroroonan ng komosyon..

Kumpulan ng mga estudyante ang aking nakita..

Partikular ang mga babae..

Ano kaya ang pinagkakaguluhan ng mga malalanding to?

Parang nahuhulaan ko na..lalake? Yun lang naman ang alam ko na pagkakaguluhan ng mga to..

Nakumpirma ko ang aking hinala nung ilang metro na lamang ang aking layo sa kanila..

Sabi na nga ba e..-__-

Isang lalaki ang nakita ko na pinalilibutan nila..halos kuyugin na nila ito..

Tuluyan pa akong lumapit para makita ko kung sino naman kayang hearthrob sa academy ang pinagkakaguluhan nila..

Nakipagsiksikan ako sa mga babaeng nagkakagulo..pinilit kong isiksik kahit ulo ko sa mga nagkukumpulang mga babae.

Isang makisig at matangkad na lalaki ang aking nakita.Naka-side view ito mula sa aking kinatatayuan.Mapula ang labi nito,matangos ang ilong at malantik ang pilik mata.Mahaba ang dark blue nitong buhok na nakatali sa likod.Nakasuot ito ng baluti at sa paa ay bakal na boots.Mayroon ding espada na nakasuksok sa tagiliran nito.

Galing kaya siya sa costume party ng mga senior?

Para siyang isang mandirigma sa costume na suot niya..

Teka..

MANDIRIGMA??!

"Miyata!"malakas kong naibulalas habang nanlalaki ang mga mata.

Si Miyata...

Siya ang pinagkakaguluhan ng mga babaeng malalandi na to..

Ano ang ginagawa niya dito?!?!

Napalingon siya sa akin.Ang nakakunot niyang noo ay napalitan ng relief nung makita ako pero nangunot din naman muli pagkaano.

Hindi pa din tumitigil ang mga babae na kuyugin siya..ang karamihan ay nakalambitin na.Kitang kita ko ang pagkairita sa kanyang mukha..

Naman..hindi ba nila alam na boyfriend ko ang lalaking pinakakaguluhan nila!

At walang pwedeng lumandi sa boyfriend ko!

Tinabig ko nga ang mga babaeng nakahara sa daan ko..wala na akong pakialam kung napasubsob na ang iba..nakadinig pa nga ako ng nagmura..f*ck her hahara-hara siya sa daan ko e.

Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon