Chapter 29-Sa ilalim ng Asul na Buwan

1.7K 60 6
                                    

YUMI POV

Katulad ng sinabi ni Roujin ay ibinigay niya sa amin ang hiyas ng Subeta.Kulay asul ang hiyas nila.Dalawa na tuloy ang nakasabit na hiyas sa aking kwintas.

"Ang galing naman isa na lang!"masayang sabi ni Shugen.

Nakapalibot sa akin ngayon si Shugen,Shin at Ken.Nasa palasyo kami ngayon ng Emperyo ng Subeta pero hindi namin nakikita dito si Liu.

"Magagaling kasi kayo.."nakangiti kong sabi.

"Syempre magaling ka din dahil grupo tayo dito."sabi ni Shin.

"Arouchh..machakett..!"pinisil pa ang pisngi ko.>3<

"Ano ka ba naman Shin sinasaktan mo si Yumi.."inilayo ni Ken sa akin si Shin at hinaplos ang pisngi ko na lalo yatang namula..>///<

"Tabi dyan..tigilan nyo nga si Yumi.."nakasimangot naman na sabi ni Kira na biglang lumapit sa amin.Hinila niya ako palayo kay Ken at inakbayan pahapit sa kanya.>///<

Ano ba naman ang mga lalaking to at pinag-aagawan ako?>///<

"Kakain na daw.."sabi ni Shira na sumulpot.

"Okay!"Shugen.

"Sige tara na!"Shin.

"Pasalamat ka gutom na kami.."Ken.

Ang iingay pa din nila umalis.Naiwan kami ni Kira.

"Yumi.."tawag sa akin ni Kira...may kakaiba sa boses niya?

Nakita ko ang unti-unting pagbaba ng labi niya sa akin.

"Eh..K-ira.."nauutal kong sabi at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.

Hahalikan niya ba ako??

Nang may nadinig ako na parang nagsara ng pinto?Gahibla na lang ang layo ng labi niya sa labi ko ay inilagay ko ang kamay ko sa dibdib niya para pigilan siya.

"W-ag.."nag-iwas ako ng mukha.

"Hahaha.."napatingin ako sa kanya ng madinig ko ang pagak niyang tawa."Ngayon ko lang naramdaman na parang ang pangit ko."

"K-ira kasi.."

"Kalimutan mo na ang ginawa ko..binibiro lamang naman kita.."nakangiti niyang sabi pero hindi naman umabot sa kanyang mata.

Ngayon ko lang naisip..yung mga ginagawa niya para sa akin..yung kabaitan niya..dahil gusto niya ako..pero kasi..kasi..gusto ko din naman siya pero hindi katulad ng pagkagusto niya sa akin.Ang sama ko..pakiramdam ko parang ang sama ko kasi tingin ko nasaktan siya.

"Halika na kumain na lang tayo.."sumunod na lang ako sa kanya na naunang lumabas.Wala kaming imikan habang papunta sa silid kainan..napabuntong hininga na lang tuloy ako.

Nandoon na ang lahat.Inilibot ko ang paningin ko bukod tanging si Miyata lang ang wala..iniisip ko tuloy kung nasaan siya habang kumakain kami.

Nasaan na kaya ang lalaking yun?Naglalakad ako ngayon sa pasilyo ng palasyo.Madami akong silid na nadaanan.

"Waaaa..waaa-

Tili ko na napigil ng may tumakip na kamay sa bibig ko.Paano ba naman kasi?! May humila na lang sa akin papasok sa isang madilim na silid! May kakaunting liwanag akong nakikita na nagmumula sa kakaunting liwanag sa bintana na galing sa liwanag ng buwan.

Sino kaya ang humila sa akin?! Hindi kaya isang berdugong samurai?!

"Waaa...!"muli kong tili nung lumuwag ang pagkakatakip ng unknown specie na to sa bibig ko.

Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon