Chapter 30-Emperyo ng Jumon

1.5K 38 1
                                    

YUMI POV

Yumi..Yumi..

Parang may tumatawag sa pangalan ko..tama nananaginip ako..may naramdaman akong lumapat sa labi ko..parang may humahalik sa akin sa panaginip ko..

Gosh! ang pervert naman!

Teka?!

May humahalik sa akin?!parang hindi..

Bigla tuloy akong napamulat ng mata para makita lamang si Miyata na hinahalikan ako..

0_0

"M-iyata.."

Nakangiti naman na inilayo na niya ang kanyang labi sa akin.

"B-bakit mo ako hinahalikan habang tulog??"nauutal kong wika.

Ano pa kaya ang ginawa niya sa akin habang tulog ako??waaa..nag-init tuloy ang pisngi ko..

"Ang alam ko kasi pag hindi magising ang isang prinsesa halik ang ipinanggigising sa kanya.."masuyo nitong sabi pero kita ang pagkaaliw sa mata.

Kyaaa..bakit ang sweet naman yata niya??Ampotek nagwawala na tuloy ang puso ko!

'K-kanina mo pa ba ako ginigising?"

"Uhum..aalis na kasi tayo ikaw na lang ang hinihintay.."e di ibig sabihin kanina pa niya akong hinahalikan?!>///<

Pupunta na nga pala kami sa Emperyo ng Jumon. 

"Naku naman..pasensya na.."napakamot tuloy ako sa ulo.

"Napahimbing ang tulog mo..hindi na ako magtataka kung bakit.."nakangisi at nang-aasar nito na sabi.

"G-abi na kasi tayong natulog!"apela ko.

"Sinabi mo e.."nakakaloko pa din ang tingin na ipinupukol niya sa akin.

Paano ba naman hindi ako nakatulog kaagad.May araw na yata nung dalawin ako ng antok.Maging boyfriend nyo ba naman si Miyata tapos bonus pa na mahalikan niya ewan ko na lang kung makatulog kayo agad.

"Tayo na nga sa kanila.."bumangon na ako..mahirap na nakakaloko pa din ang tingin niya sa akin.Inirapan ko nga siya na nagpatawa sa kanya.

Nasa labas na kami ngayon ng palasyo ng Subeta.Nagpapaalam na kami kay Roujin at sa mga mandirigma ng kanilang emperyo.Inikot ko ang paningin ko..wala pa din si Liu.Napansin ko naman na pugto at nanlalalim ang mga mata ni yona..mukhang hindi din siya nakatulog.Nalulungkot ako para sa kanya napabuntong hininga na lang ako.Wala kaming magagawa kundi iwan si Liu dito.

"Yumi sasabay ka ba sa amin nina Yona sa paglipad?"nakangiting tanong sa akin ni Shin.

"Sa akin sasabay si Yumi."bigla na lang sumulpot si Miyata at hinapit ako palapit sa kanya.Ang sama ng tingin nito kay Shin.

o_0? Hindi naman maintindhan ang reaksyon ni Shin.

"Para nagtatanong lang.."nagkakamot tuloy sa ulo na bubulong-bulong na lumayo ito sa amin.

Napansin ko naman si Kira na nakatingin sa amin ni Miyata.I saw pain in his eyes pero sa kabila noon ay ngumiti siya ng pilit sa akin.Naramdaman ko na lang na mas hinapit ako ni Miyata palapit sa kanya.Nung tingalain ko siya e nagdidikit ang kilay niya na nakatingin sa akin.Ano ba ang problema niya?

"Bakit?"

"Wala."nakasimangot niyang sabi.Sungit mode?

"Dapat hinayaan mo na lang na ako ang sumagot kay Shin.."

"Bakit ko naman gagawin yun?e madalas na hindi ka nag-iisip..maya nyan pumayag ka pa na sa kanila sumabay,tss..halika na nga.."hinila na niya ako palapit sa tabi ni Kai.Nagpatianod na lang ako.

"Kailangan na naming umalis.."sabi ni Miyata sa pinsan ni Liu.

"Salamat sa pagbigay sa amin ng hiyas.."nakangiti ko na sabi sabay yukod.

"Walang anuman..mag-iingat kayo.."nakangiti din nitong wika.

Kumaway ako sa kanila bago kami tumalikod.Sasakay na sana kami kay Kai.

"Sinong may sabi sa inyo na iwan nyo ako dito?"

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses.

"LIU!"sigaw ni Ken at Shin.

"Langya akala namin hindi ka na sasama!"sabi naman ni Kira.

Kasunod noon ay nagtakbuhan na sila palapit kay Liu.Inakbayan naman to kaagad ni Kira na parang iniipit sa braso ang ulo..si Liu naman nakasimangot.Ilang sandali pa ay itinigil din nila ang pagkuyog dito.Ilang hakbang mula sa kanya ay nakatayo si Yona na tila ipinako sa kinatatayuan niya.Nabuo ang ngiti sa labi ko nung ibukas ni Liu ang dalawang braso niya para kay Yona na mayroong tipid na ngiti.Oo,ngumiti siya.Hindi naman nag-atubili si Yona at tinawid ang kakaunting distansya nila.Humihikbi siya na yumakap dito.Ikinulong din siya ni Liu sa yakap.Para tuloy gusto kong maiyak sa eksena nila.

Lumapit na kami ni Miyata sa kanila.

"Ayan! Kumpleto na tayo! Tayo g pumunta sa emperyo ng Jumon!"masigla kong sabi na may pagsuntok pa sa ere.

Napatawa naman sila.

"Tayo na!"segunda naman ni Shin.

Bumaling kami kay Roujin.

"Bukas ang emperyo para sa'yo pinsan..Kung sakaling magbago ang isip mo ipaalam mo kaagad sa amin..Hihintayin namin ang pagdalaw mo..isama mo na din ang kasintahan mo.."bumaling pa ito ng tingin kay Yona habang nakangiti.

Tumango lang naman si Liu habang namumula naman si Yona.Nakakatuwa ang hitsura niya.Pagkatapos naming magpaalam ay humanda na kami sa paglipad.

"Humawak kang mabuti..sa matipuno kong katawan.."hinawakan niya ang kamay ko at iniyakap sa katawan niya.

>///<

Ramdam ko ang pag-ngisi niya kahit nakatalikod siya sa akin.Oo,siya na nga ang lean at sexy ang katawan.Shetness ang abs..Inihilig ko ang ulo ko sa malapad niyang likod..Para tuloy akong nasa cloudnine habang lumilipad kami.

Ilang minuto din kaming lumilipad then suddenly i felt Miyata's stomach constricted.Napaangat tuloy ako ng tingin.Naptingin ako sa tinitingnan niya..makapal na hamog sa ibaba..

"Lalapag na tayo sa teritoryo ng kalaban.."seryoso niyang sabi..at habang palapit kami ng palapit ay lumilinaw ang pigura ng isang bayan..

Ang capital city ng Jumon..hindi pa man kami lumalapag ay may nararamdaman na akong kakaiba.Nararamdaman ko ang masamang kapangyarihan na bumabalot dito..

Ano na ang mangyayari sa amin ngayong nalalapit na naming harapin ang mga mangkukulam?ang nilalang na nagkulong sa ina ni Miyata sa salamin..

****

Sa mahamog na bahagi naman ng gubat matapos lumapag ng mga salamangkero sa bayan na iyon ay nakaharap ang isang nilalang sa isang puno na may mukha ng isang mangkukulam...

"Gawin mo na ang iniuutos ko sa'yo..kunin mo na ang mga hiyas!"sabi ng nilalang sa puno.

"Masusunod po kamahalan.."nakaluhod ang isang tuhod na sabi ng alagad nito.

Nawala ang imahe sa puno..umangat ang sulok ng labi ng alagad nito sa isang pagngisi..

Samantalang walang alam ang mga salamngkero sa mga mangyayari sa kanila....

Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon