Chapter 37-Ang Paghaharap

1.6K 43 2
                                    

MIYATA POV

Habang palapit kami ng palapit ay palaki ng palaki ang mga itim na bagay na nakalutang sa isla..lumilipad ang mga ito palapit sa amin.Oo,lumilipad dahil sinusugod nila kami! Katulad ng inaasahan sa teritoryo ng isang kalaban..tss.Nilingon ko ang mga kasama ko na tila sinasabi na humanda sila,tumango naman sila sa akin.

Napakadaming malalaking itim na paniki ang umaatake sa amin,higit pa ang laki nila sa isang tao..hindi ordinaryo.Mayroon ding mangilan-ngilan na kawal na mangkukulam ang sakay ng mga ito na mayroong dalang mga sandata.Puro sila naka-itim.Tumigil sila nung katapat na namin sila.

Ang nakakuha ng pansin ko ay ang lalaking nakahalukipkip na nakalutang sa gitna ng mga ito.Mayroon itong itim na pakpak na katulad ng sa mga paniki.Kulay puti ang kanyang buhok.Nakasuot siya ng itim na pambaba at asul na pag-itaas.Seryoso lamang naman itong nakatingin sa amin.

"Si Taiki ang taong paniki yan..may kakayahan siyang kumontrol ng mga paniki at kaya niyang mag-anyo nito."napalingon ako kay Akeru na nagsalita.Anyong ibon si Akeru habang ang nakasakay sa kanya ay si Shugen lamang. 

Napahigpit ang hawak ko sa salamin.Wala akong pakialam kung sino siya tatapusin ko ang sino mang humarang sa aming daan.

"Sugod mga alagad."sa hudyat na iyon ay muling sumugod ang mga paniki.

Malalaki at matatalim ang pangil ng mga ito.May itim na tila maliliit na palaso na kasing haba ng daliri ang lumalabas sa kanilang pakpak.Puntirya nitong tamaan ang bawat isa sa amin.Mabilis kaming umiilag ni Kai ganoon din ang ginagawa ng aming mga kasama.Naglabas ako ng enerhiya at pinatamaan sila.Ang ilan sa kanila ay natalo na namin ngunit madami pa din ang natitira.

Kailangang maubos namin sila kaagad para mailigtas na namin sina Yumi.

"ACCKK..ACCKK.."ang sakit sa tenga ng matinis na tunog na nililikha nila kaya naman pareparehas naming naitakip ang kamay namin sa aming tenga.

Takte..parang mabibiyak ang ulo ko sa tunog na aking nadidinig!

"Wag kayong makinig!"babala ni Akeru

Mahirap iyon gawin dahil kahit anong takip ang gawin ko ay nagpupumilit pa din na pumapasok ang tunog sa aking sistema na tila sinisira nito ang aking isipan at para bang gusto nitong sumabog anumang oras.Lahat tuloy kami ay dumadaing sa sakit.

Nagpalit anyo si Akeru sa isang itim na itim at malaking uwak.Katulad ng mga paniki ay lumikha din ito ng tunog..tunog na pangtapat sa nililikha ng mga ito.Unti-unti ay nawawala ang sakit ng ulo na nararamdaman ko hanggang sa unti-unti ko ng tanggalin ang pagkakatakip ng kamay ko sa tenga ko.Muli ay nagpakawala ng mas malakas na tunog si Akeru bumangga ito sa tunog na nililikha ng mga paniki na nauwi sa pagsabog.Napatakip ang kamay ko sa aking mata.

 Ang ilan sa mga paniki kasama ang ilang mangkukulam ay bumulusok na paibaba.Karamihan sa mga ito ay napinsala na ang mga pakpak habang ang mga kawal na mangkukulam ay walang buhay na bumabagsak.

Hindi naman makapaniwala na nakatingin sa amin si Taiki.Nagsalubong ang kilay nito at pagkatapos ay walang sabi-sabi na nagpalit ng anyo sa isang paniki na triple ang laki sa mga alagad nito.Nakakatakot ang anyo nito..tila isang halimaw na paniki.Ipinagaspas nito ang napakalaki nitong pakpak na halos lipadin kami..Nagpakawala naman ng hangin si Shin para labanan ang hangin na nililikha ni Taiki ngunit panakanakang nakakalusot ang matatalim na hangin nito na pumipinsala sa aming katawan.Muli itong nagpakawala ng mas malakas pa na hangin..

Tatama na sa direksyon namin ang malakas na hangin..

"Shin!"hindi ko napigilang mapahiyaw sa pag-aalala nung gumitna pa lalo si Shin.Napakalakas ng hangin na nilikha nito na baka hindi niya kayanin.

Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon