Chapter 31-Tangka sa Hiyas

1.5K 39 1
                                    

YUMI POV

Kanina pa paikot-ikot si Kai sa paa ko na parang naglalambing.Lumakad siya palayo at tumingin na para bang isinesenyas na sundan ko siya.o_0?Bakit hindi na lang siya magsalita ng magkaintindihan kami ano?Err..hindi nga pala siya pwedeng magpalit-anyo,kailangan nga pala nilang itago muna ang kapangyarihan nila..baka kasi makuyog kami ng di oras dito ng mga mangkukulam.

Sinundan ko na nga lang siya.Pumasok kami sa isang gubat.

"Kai hintay!"hinabol ko siya kasi bigla na lang siyang tumakbo.

Naku naman si Kai..ano bang pumasok sa isip ng tigre na yun..ekk..pusa pala..baka maligaw kami dito nito..

Hinihingal na nakahawak pa ang dalawa kong kamay sa aking tuhod nung tumigil ako sa pagtakbo.Tumingala ako sa puno kung saan umakyat si Kai..itinuturo niya sa akin ang isang hinog na mansanas..wow..ang pula..napakatamis siguro noon.Mukhang gusto ni Kai na kuhanin ko yun para sa kanya..well kukuha na din ako ng para sa akin.^_^

Umakyat ako sa puno kung saan nandoon din si Kai.Napalunok ako nung mapatingin ako sa ibaba..err..ang taas pala nito..kailangan ko ng makuha yung mansanas ng makababa na ako agad.Pilit ko itong inabot..Ayan na malapit na..konti na lang..

"Yumi ano ang ginagawa mo dyan?!"

Sa gulat ko ay nawalan ako ng balanse.

"Ahhh..!!"

Mariin kong naipikit ang aking mata. Napa-buntunghininga ako nung maramdaman ko na hindi ako sa lupa bumagsak.Kinabahan ako dun.Pakiramdam ko tuloy ay maputla pa ako sa suka ngayon.Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko para lang makita si Miyata na madilim ang mukha na nakatingin sa akin.

"Anong kalokohan ang pumasok sa isip mo at umaakyat ka sa puno?paano na lang kung wala ako dito para sumalo sa'yo??Alam mo ba na kanina pa kita hinahanap!"

"Eh.."

"At  anong ginagawa mo dito sa gubat ng mag-isa??hindi ka dapat umaalis sa tabi ko lalo at nandito tayo sa Jumon."

"Uhh..k-asi..k-ukuha lang naman ako ng mansanas at saka kasama ko naman si Kai.."itinuro ko yung taas ng puno kung nasaan si Kai at yung mansanas.

"Eh..?"napabaling ako kay Miyata na nakakunot ang noo.

Nasaan ang pusang yun?Ibinaba na ako ni Miyata sa kanyang pagkakabuhat.

"Eto ba ang hinahanap mo?paano mo makakasama si Kai e kasama ko siya.."yumuko si Miyata sa bulsa ng damit niya at lumabas ang ulo ni Kai.

Nandun lang si Kai sa itaas ah..kasama daw siya ni Miyata?pero kasama ko din siya di ba?ang gulo naman..

"Di bale..basta sa susunod kung may pupuntahan ka dapat lagi mo akong kasama..maliwanag ba?"naman..pinitik pa niya ang noo ko kaya naman nakanguso akong tumango."Mukhang kailangang ibalik sa normal ang mukha mo.."pagkaano ay sabi niya sa akin.

"Ha?"anong ibalik ang sinasabi niya e normal naman ang mukha ko.Napangiti siya sa pagtataka ko.

"Namumutla ka.."bumaba ang mukha niya at ginawaran ako ng isang halik.0///0

Wala man lang paalam? Nakakadami na siya ha! Pasalamat siya at gusto ko din ang pakiramdam na mahalikan niya! Malandi mode lang..hihihi.

"Teka parang napasobra.."nakakunot ang noo na sabi niya.

Paanong hindi mapapasobra e pakiramdam ko e ang pula ko na!

"Siguro dapat mabilis lang.."nakangising bumaba ulit ang mukha niya sa akin.

Aba! Seryoso siya talaga??! 

"Miyata!"naeeskandalo ko na sabi at iniharang ko ang kamay ko sa mukha niya.

Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon