Chapter 11-Sinumpang Salamin

2.3K 57 4
                                    

Kanina pa ako paikot-ikot sa palasyo pero kahit anino ni dulo ng buhok ng mga mandirigmang yun ay hindi ko makita.Walang madaldal,walang makulit,wala man lang makausap.

Nasaan na kaya ang mga yun?

Hindi kaya nasa dome na sila?

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad ng makita ko si Hiromi na nakaupo sa pasilyo at nakasandal sa poste habang sa kanyang mga kamay ay may hawak siya na libro na kulay pula ang pabalat at makapal.

"Hiromi.."nakapaskil na ang ngiti ko habang papalapit sa kanya.

Nag-angat siya ng paningin mula sa kanyang binabasa at isinara ito.

"Oh Yumi ikaw pala.."ngumiti siya.

Naupo ako sa tabi niya.

"Hinahanap ko kasi sina Miyata..mahilig ka pala magbasa..?"

"Libangan ko ito..alam mo ba nasa libong aklat na ang nababasa ko..hindi katulad ni Miyata na puro sandata ang laging hawak at hindi nakukuntento sa taglay niyang kapangyarihan kahit na napakalakas na niya."hindi pala uso ang ate at kuya dito.

"Talaga?napakadami mo na palang libro na nabasa..bihira lang ang kilala ko na lalaki na tulad mo na mahilig magbasa.."

Tiningnan ko ang aklat na kanyang hawak ngunit hindi ko mabasa ang nakasulat sa pabalat pagkat iba ang letra.

"Ano ang pamagat nyang libro na binabasa mo?iba ang letra na nakasulat hindi ko maintindihan.."

"Ah ito ba..ito ay isang misteryosong libro na pinamagatan na Aklat ng Langit at Lupa(Fushigi Yuugi)"

(A/N:Yeessss!namannn..!naisingit ko din ang fav ko..<maarteng tawa na nakalagay ang likod ng kamay sa bibig>nyahahaha..!)

"Aklat ng Langit at Lupa?Fushigi Yuugi?"

"Uhmm..isa itong kwento tungkol sa isang dalaga na hinigop ng libro at napadpad sa isang emperyo,hinirang na priestess,nagkaroon ng pitong tagapagtanggol,maaaring magkaroon ng tatlong kahilingan kapag natawag na si Suzaku ang tagapangalaga ng emperyo.Nakalaban niya ang kanyang matalik na kaibigan na hinirang naman na priestess ng kalaban na emperyo.Higit sa lahat umibig siya sa isang tauhan lamang sa libro.Alam nila pareho na hindi sila maaaring magkatuluyan dahil magkaiba ang kanilang mundo.Ang dalaga ay totoong tao samantalang ang binata na kanyang iniibig ay isang kathang isip lamang ng isang nilalang na malawak ang abot ng isipan sa kanilang mundo.Ngunit kahit ganoon ay ipinaglaban nila ang kanilang pag-ibig kaya naman sa labis na pagmamahal sa isa't isa ay nabuhay ang binata sa totoong mundo at nagkasama sila ng tuluyan,ang dating kathang isip lamang ay naging totoo na.."mahabang paliwanag ni Hiromi.

"Wow..napakaganda naman ng istoryang yan.."namamangha ko na sabi.

"Gusto mo ba hiramin?"

"Sige pahiram..kaso hindi ko naman mababasa.."bigla bumagsak ang balikat ko.

"Gusto mo bang matutunang basahin ang lengwahe sa libro namin?"

"Oo naman ng mabasa ko yang librong yan.."

"Kung ganoon tayo sa aming silid aralan..malamang nandoon na ang mga hinahanap mo.."tumayo na ito at naglakad habang ako naman ay nakasunod sa kanya.

"Silid aralan??"Nag-aaral din kayo..?"

Aba nakakagulat naman akala ko hindi uso dito yun.

"Oo nag-aaral din kami isang beses sa isang linggo pero hindi sa paaralan kundi dito sa palasyo.Mayroon kaming pribadong maestro."

"Akala ko naman ay puro pakikipaglaban lamang ang inaaral nyo dito.."

Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang pintuan na hindi gawa sa kahoy kundi sa tila tela o makapal na papel na nahahati sa gitna.Inilagay ni hiromi ang dalawa niyang kamay sa magkabilang ugpungan ng pintuan at saka ito ibinuka.Napatingin sa amin ang mga nasa loob na naka-injian sit habang si Rima ay nasa unahan sa tabi ng maestro at nakasimangot.

Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon