Chapter 5-Salamangkero

2.9K 70 1
                                    

"Ano ba?!kanina ka pa nangangaladkad ha!"iwinaksi ko nga ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Ano ang gusto mo maghintay ako ng dekada bago makarating sa magiging silid mo?e mas mabagal ka pang maglakad sa pagong."inis niyang sabi sa akin.

Dapakzz!

He is so freakin annoying!

Siya lang ang lalaking tumrato sa akin ng ganito!

Inutusan kasi siya ng kanyang ama na walang iba kundi ang emperador na ihatid ako sa magiging silid ko.

"Huwag mo na nga ako kaladkadin..at isa pa hindi ako mabagal maglakad."inis ko din na sabi sa kanya.

Nakakainis talaga! Nagmartsa na ako pauna at iniwan na siya.

Tumigil ako sa paglakad at nilingon siya.

"Oh ano ngayon?ikaw ang mabagal maglakad dyan,bilisan mo nga,hmp."pagkatapos ay muli akong nagmartsa pauna.

Teka nga..saan ba ang magiging silid ko?Nasa gitna kami ngayon ng isang tila krus na pasilyo.

-__-??

Tumigil ako sa paglakad at muli siyang nilingon.

"Bakit ka tumigil?"nakakaloko niyang tanong sa akin.

"Saan ang daan?"

=___=

He smirk at me.Lumakad siya palapit sa akin.

"Sumunod ka..wag kasing uuna pag hindi alam."nadinig ko pa na sabi niya bago ako nilagpasan.

>3<

Nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad siya.Tumigil kami sa tapat ng isang pintuan.Nasa ikalawang palapag kami ngayon ng palasyo.

Binuksan niya ang pintuan habang ako ay nakasunod pa din.

Woww..ang laki at ang ganda naman ng silid na ito..parang sa isang prinsesa.May malaking kama sa gitna na may mga poste sa apat na sulok at may mga kurtina sa bawat gilid na may ruffles.May maluwag na bintana na tanaw ang buong bayan dahil nasa may kataasang bahagi nakatayo ang palasyo.Katulad ng unang palapag ay mayroon din na teresa ang ikalawang palapag ang kaibahan lang ang unang palapag ay buong palibot at ang ikalawang palapag naman ay ang bawat silid lamang.Ang kabinet ay kulay ginto pati na din ang paligid ng salamin.Ang laki ng kaibahan nito sa aking silid sa aming mundo.

"Ito ang magiging silid mo.."

"Ang ganda at ang laki naman ng silid na ito.."i look at the room with adoration.

 Lumapit ako sa kama at naupo.Ang lambot parang bulak na halos lumubog ako..siguradong napakahimbing nitong tulugan.

"Mabuti at nagustuhan mo."

"Bakit nga pala Emperyo ng Libre ang tawag dito sa lugar nyo?Yun ba ang totoong pangalan ng emperyo nyo?"nagtataka kong tanong sa kanya.

Nangunot naman ang kanyang noo.

"Hindi mo ba alam?Emperyo ng Muryou ang pangalan ng emperyo namin ngunit mas kilala ito sa tawag na Emperyo ng Libre isa sa apat na emperyo ng mandirigma"

"Bakit Emperyo ng Libre ang tawag dito e pwede naman na Emperyo ng Muryou."

"Dahil libre ang lahat ng bagay dito at pwede ba wag mo na nga pinapakialaman pa ang pangalan ng emperyo namin."

Hindi ko na lang pinansin ang pagsusungit niya dahil ang tangi kong naintindihan sa sinabi niya ay LIBRE.

"LIBRE?!?!TALAGA?!"

Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon