Chapter 15: Something to remember

Start from the beginning
                                    

"Elisa sa tagal ng panahon, hindi ko parin siya mapapatawad, napansin mo ba na iba-iba na lang ang mga katapid natin, dahil yan sa kalandian niya! Tandaan mo na kailangan niya tong pagsisihan."

Hind nila inaasahan na darating si Joey kaya huminga na lang ng malalim si Eden at iniwasan na mairita sa kanya nung makita niyang galit ang kanyang kapatid.

"Jusko naman ate, bakit naman pinalayas mo si Mama ng ganyan?!" pagalit na tanong ni Joey sa kanyang ate.

"So...dapat ba pinapasok ko siya, sinabi ko na sa usapan natin na ikaw lang ang pwedeng pumunta at ang matandang babaeng iyon ang hindi pwede."

"Ano ka ba, parang hindi mo na siya binigyan ng respeto!"

"Ako pa ngayon ang may kasalanan dito! Iniwan niya kami ng matagal na taon...hindi man lang inalala kung okay lang kami ni Elisa, umaasa lang ako na babalikan niya kami pero hindi, hangga't sa napahamak lang ako ng lintik kong tatay na yan!"

"Ano bang pinagsasabi mo?!"

"Dahil sa kanya napahamak pa ko, walang alam tungkol sa nangyari sa'min nina Elisa...naging mas malala pa yung buhay namin sa bilanguan!"

Bigla si Eden sa kusina sa sobrang irita at sinundan siya ni Joey kung saan siya pupunta at sinubukan na kausapin parin ang kapatid, habang kinuha ni Elisa ang kutsara na ginamit kanina ni Eden habang kumakain, dahil balak niyang malaman ng pinagdududa niya tungkol sa nakita niyang kwintas.

Pumunta si Brenda sa kusina at naririnig kanina ang bangayan ni Joey at ng kanyang ina na si Eden.

"Mom, ba't po ba nag-aaway kayong dalawa?" tanong niya sa kanyang ina at napatingin ito sa kanya nung hindi na niya natuloy ang sasabihin niya kay Joey.

"Wala...meron lang kaming konting pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan."

"Wag niyong sabihin meron nanamang issue si Dad, isn't it?"

"Hindi ito tungkol sa kanya, yan kasing lalaking yan...medyo galit na galit, basta gusto ko na lang tuloy kumain ng dessert para mawala yung stress ko kahit papano."

Umalis na rin pagkatapos, kaya wala na rin masabi si Joey kaya umalis na rin ito, maya-maya ay dumating na si Antonella at hindi niya inaasahan ang pagdating nito.

"Pasensiya na dahil hindi ako agad nakarating...pero I say that gusto lang kitang kamustahin as always." Nginitian niya si Brenda pagkatapos at nagtaka na lang si Brenda sa pagdating niya.

"Bakit hindi mo man lang ako sinabihan?"

"Well...sorry akala ko kasi masasabihan kita agad, nagmadali na lang ako pumunta...alam mo ng hindi ko rin pwedeng pabayaan yung grupo ko."

"Ayoko din ng parang aso't-pusa kayo ni Romina ng dahil lang sa'kin."

Natuwa siya ng marahan at inakbayan niya si Brenda ng may lambing.

"Bren, hindi ako tulad ni Romina....hindi ako mapaglaro sa babae...kaya nga hindi mo pansin na asang-asa si Mitch sa kanya, dahil ganyan niya lang itrato ang ibang tao, parang laruan ka lang...soon na pinag-sawaan ka lang then iiwan ka lang."

"Antonella, alam kong hindi ka nga ganon at iba kayo ni Romina...pero hindi ibig sabihin non madali akong makamove-on sa kanya, kahit anong gawin ko parin, siya yung naiisip ko."

"Akala ko pa naman na magiging okay ka na pero ang saya natin kagabing sumayaw."

Inalis niya ang pagkakaakbay ng kamay ni Antonella sa pagkairita niya. "Sa tingin mo ganon ko na lang siya kakalimutan! Minahal ko siya ng todo...nagtagal pa yung relasyon namin...pero hindi ko inaasahan na sisirain niya lang ng ganito."

The teacher and the studentWhere stories live. Discover now