Chapter 31

214 9 1
                                    

Habang inaasikaso ang ninang na pumanaw na, biglang may tumawag sakanya na unknown number.

Gabi na ah? Bakit may tumatawag pa sakanya?

"Hello?," sagot nito sakanyang telepono.

"I-Ikaw ba si Maris?," tanong ng isang di pamilyar na boses.

"A-ako nga po, anong kailangan niyo?,"

"Ako si Eduardo Saavedra.. I'm your father,"

Mukhang nasabi na ni Tita Gina sakanyang ama ang kanyang pagkatao.

"Magandang gabi po.."

"Hija, if it's not too much to ask, pwede ka ba naming makausap dito sa bahay?," tanong nito.

"Ah? Eh.. kailangan ko po kasing asikasuhin yung mga kailangan para sa burol ng ninang ko," anito.

"I can send someone there, I just need a quick talk with you,"

"Ah sige po,"

"Alright, just text me your location at ipapasundo kita dyan," anito tsaka binaba ang telepono.

——

"Um-oo na siya," ani Eduardo kay Ara pagpatay niya ng telepono.

Ngumiti naman si Ara.

Sa wakas makikilala niya na ang kakambal niya.

——

Habang nagk-kwentuhan ang 10 thorns biglang may naalala si Bolt.

"Hart still hasn't contacted us yet?," tanong nito.

Umiling sila.

"Damn that guy, bukas na ang graduation pero mukhang Wala talagang balak magpakita," ani Hermes.

"Baka naman bukas siya pupunta, lets just hope on that," ani Yam.

Sumangayon naman lahat sa sinabi ni Yam.

While everyone is talking and reminiscing their memories, Chase was thinking deeply.

Bukas wala silang choice, magkikita at magkikita sila ni Ara.

Ano ba ang pwede niyang sabihin? Tatapusin niya na ba lahat?

Ang gulo. Sobrang gulo ng sitwasyong ito.

——

Kinuha na ng driver na nagngangalang Jackson si Yra, at papunta na ito ngayon sa bahay ng mga Saavedra, at habang nakatingin sa mga dinadaanan napagisip isip siya na ngayong wala na ang kanyang ninang, kailangan niya na ayusin lahat dahil ito ang gusto ng yumao.

Mawala ang takot, kaba, duda sakanyang mata at puso.

Makapagsimula muli, hindi bilang Maris kundi bilang si Yra Deanelle Saavedra.

Sana.

"Ma'am Yra, andito na po tayo," ani Jackson na nakapagbalik sakanya sa realidad.

Bubuksan niya na sana ang pinto ng sasakyan pero naunahan siya ng driver na naiilang niyang sinabihan ng "salamat,"

Isang kasambahay naman na nagngangalang Fae ang nagturo sakanya kung saan dapat pupunta.

Itinuro sakanya ang isang silid kaya pinasok niya ito.

Doon niya nakita ang ama at ang kapatid.

"Yra, my daughter," anang ama nito.

"Good evening po...." di alam ni Maris kung anong itatawag sakanya.

"Call me papa,"

"Papa," ulit ni Maris na nagpangiti sakanyang ama.

"Hi!" bati sakanya ni Ara.

Dahil nakatali ang buhok nito hindi nabisto ni Ara na pareho sila ng buhok na inutos sakanyang gawin ni Aileen, wala rin itong makeup kaya klaro ang nunal niya sa ilong na tanging pagkakaiba ng magkambal.

"My two daughters, your mom is so happy right now, I know," masayang pagsabi ng kanilang ama na ikinangiti ng dalawa.

Nagusap pa ang pamilya at napagusapan nila ang birth certificate ni Yra, papalitan na ang kanyang pangalan ipapakilala na siya sa lahat paguwi nila mula sa ibang bansa.

Ipinakita na rin kay Yra ang kanyang kwarto na hindi niya kasanayan.

Pero bago pa man matapos ang gabi, pinuntahan ni Yra ang kambal.

"A-Ara.. pwede ba kitang makausap?," ngumiti naman si Ara tsaka siya sinagot ng isang tango.

"May sasabihin ako sayo, pero bago mo pa man ako husagahan, sana pakinggan mo muna ang rason ko, hindi ko na kasi kaya itago, di na ako makakatulog," ani Yra na naging dahilan ng pagiba ng ekspresyon ni Ara mula sa nakangiti naging pagtataka.

"Nagkasakit ang ninang ko, wala na akong ibang mautangan ng pera, nagtrabaho ako ng samu't-saring trabaho pero kulang parin hanggang sa dumating si Aileen, she was willing to give me money to sustain my aunt's needs and she will also give me information about my true identity in exchange for me.. pretending to be you.... wala akong choice nun but I agreed, kahit di ko alam ang rason hangga't sa nalaman ko na she was doing this so that she can get back Chase, your boyfriend, kahit nung nalaman ko wala akong ginawa she tricked me to believing that I was left unwanted and neglected, I was her puppet, hindi lang ako, pati si Hart who was her boyfriend, he was madly deep in love with her, pero ginamit lang din ni Aileen si Hart para maging daan niya kay Chase, we were tricked..." sabi ni Yra.

Hindi namalayan ni Ara na tumulo ang mga luha niya.

"If you hate me, okay lang sakin, I'll accept it, I just wanted to let it all out dahil di ako matatahimik," anito.

"Believe me if I say that I want to hate you so bad, pero di ko magawa... maybe this happened kasi di talaga kami para sa isa't-isa... baka sign ito, kasi to be honest, i don't know how I feel when you said everything.. hindi ako galit... ewan ko.."

"I'm sorry,"

"Don't say sorry,"

"Let me say sorry, I'm guilty,"

"No no no, wag kang magsosorry, wala kang kasalanan and it makes me feel like kaawaawa ko, you're not the one to say sorry, it should be Aileen," ani Ara.

Nagusap pa ang dalawa hangga't sa di nila namalayang malalim na ang gabi.

Bukas, sasabihin na ni Ara, tatapusin niya na. Dahil kung sila man talaga ang para sa isa't-isa, magkikita at magkikita parin sila.

Maybe it's not meant to be right now. Maybe it's time she finishes their chapter and right another book.

And if he comes back, she'll make a new chapter again.

Baka ito na talaga ang nararapat.

Kasama ng kanilang pagalis, kakalimutan niya na. Kakalimutan na siya.
——

Texting My Babe (TTGN Book 2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt