Chapter 30

240 8 0
                                    

A/N: OMG GUYS 20 CHAPTERS TO GO GUSTO KO LANG SABIHIN NA MAHAL KO KAYONG LAHAT AHAHHAAHHEHEHEE

——

Pagpunta ni Gina sa bahay ng mga Saavedra agad siya pinagbuksan ng mga kasambahay.

"Ma'am Gina, napadalaw po kayo?," tanong ni Fae.

"Andyan ba si Eduardo? Gusto ko lang siya makausap ng saglit," agad na sinabi ni Gina.

"Wala po siya eh, merong meeting kani-kanina pa naman siya umalis, kung gusto niyo po, hintayin niyo nalang siya sa loob," anito.

Tingnan ni Gina ang kanyang orasan at nakitang malapit na ang tanghali.

Sa ibang araw nalang sana niya sasabihin ito noong dumating na ang sasakyan ni Eduardo.

Agad naman ito bumababa mula sa sasakyan.

"Oh, Gina? Bakit ka nandito? Pumasok ka muna," ani Eduardo.

"Ah sige, may gusto lang kasi akong ipaalam sayo, sa tingin ko kailangan mo na talaga tong malaman," sabi ni Eduardo.

"Sige, pagusapan natin yan sa opisina ko... tea? Coffee? While discussing?," dagdag ni Eduardo

"Coffee nalang," ani Gina, tumango naman si Eduardo at agad na inutusan ang kasambahay.

Umakyat na silang dalawa papunta sa opisina ni Eduardo.

Kinakabahan si Gina, hindi para sakanya kundi para sa pamilya ng kanyang kambal, sana maintindihan nila ang ginawa mo, Gretchen.

"Umupo ka," ani Eduardo ay sinenyasan si Gina na umupo sa nakaharap na upuan sakanyang lamesa na agad namang ginawa ni Gina.

"What's this you want to talk about?," tanong ni Eduardo.

"Remember when Gretchen was pregnant... and you two had a big fight and she suddenly disappeared?," panimula ni Gina

Hinay-hinay namang tumango si Eduardo.

"Well, tumakbo siya sakin, she was 7 months pregnant, at sabi niya hindi niya na raw kaya, I offered her a place to stay sa probinsya namin, but what she didn't tell you is that she was pregnant with twins," ani Gina.

Agad nabitawan ni Eduardo ang kanina niya pang hawak-hawak na ballpen.

Bago pa man siya makasagot pumasok na ang mga kasambahay hawak-hawak ang kape, hindi muna nagsalita ang dalawa upang di maipalaganap ang nakakagulat na impormasyon.

Pag-alis ng kasambahay napabuntong-hininga si Eduardo tsaka nagsalita,

"What do you mean?,"

"She didn't tell you that she was pregnant with twins, and when she gave birth, the other twin was weak that's why she left her in the hospital and saved up so she can provide for both her children dahil ayaw niyang natrack mo siya or ng kahit sino man, pero nung kukunin niya na ang iniwang kambal, wala na ito doon, sinubukan niyang hanapin ito pero wala, kaya bago siya pumanaw, she asked me a favor to look for her daughter, which I did," ani Gina sabay nilapag ang mga papeles na hawak-hawak niya, isa isa naman itong binuklat ni Eduardo.

"Yra Deanelle..." pagbanggit ni Eduardo.

Wala na itong tinanong sakanya dahil lahat ng impormasyon tungkol sa anak niyang ito ay nasa mga dokumento na.

——

Di nagtagal ay umuwi na rin si Gina na tila ba parang may tinik na kumawala sakanyang dibdib.

Nagawa niya na rin ang matagal ng hiling ng kanyang kapatid.

Sana masaya ka na, Gretch.

——

Eduardo was in awe, he doesn't know how to describe what he's feeling but his heart is happy to know that he has 2 daughters.

Tumunog naman bigla ang sasakyan ni Ara sa labas.

Napagisipan na agad ni Eduardo na kailangan ng malaman ni Ara ang tungkol sakanyang kambal.

Pinatawag niya si Fae upang ipatawag si Ara papunta dito sa kanyang opisina.

"Pa? Bakit niyo po ako ipinatawag?," tanong ni Ara noong sinilip niya ang ama sa pinto.

"Pumasok ka hija, I have something to tell you,"

"I know you'll be in shock and it won't be easy to process but I will give it to you straightforwardly... Ara, you have a twin sister,"

Huh?

"Po?"

"Your mom didn't tell me na she was pregnant with twins, at nahanap na ng tita Gina mo ang kambal mo, she goes by the name Maris but her real name is Yra Deanelle," anito.

Ikinuwento pa sakanya ng ama ang iba pang mga detalye at sinabing isasama ng kanyang tita ang kanyang kambal sakanilang family dinner upang maging konting pagsasalo para sa graduation niya.

Bigla niyang naalala ang sinabi ni Devon.

She was there nung araw na tinextan niya siya.

Is it possible na si Yra yun? Pero bakit niya naman iyon gagawin?

——

Pumasok si Maris sa silid ng kanyang ninang dito sa hospital.

Sinabihan na siya ng doktor na humihina na ang kapit ng kanyang ninang, na pwede na siyang pumanaw kahit kailan ngayong linggo.

Umupo ito sa upuang katabi ng kama ng kanyang ninang.

"'Nang, ipangako mo sakin na lalaban ka please? Kapit ka naman please?," hindi maiwasan ang pagtulo ng kanyang luha.

"Hija, sa buong buhay ko, ang ginawa ko ay inalagaan ka dahil walang kukupkop sayo, pero ngayong kampante na akong may pamilya ka ng uuwian, pwede na rin akong magpahinga," anito.

"Hindi! Ayoko! Wag please ninang, please please?,"

"Mahal na mahal kita Maris, tandaan mo yan, salamat, kahit di mo sabihin sakin nakikita ko sa mga mata mo na may pinagsisisihan ka, hindi ako manghuhula pero sa tingin ko may nagawa kang mali, kung ano man iyan, huminga ka ng tawag, okay? Kaya mo naman ito, ikaw pa? Lakas mo kaya," anang kanyang ninang na hindi nawawala ang mga ngiti sa labi.

At ito...

Ito huling nasabi ng kanyang ninang.

Texting My Babe (TTGN Book 2)Where stories live. Discover now