Chapter 26

199 6 0
                                    

It's their finals. Lahat nakafocus, dahil pagkatapos nito, graduation na nila.

And while studying, Ara is also organizing the gallery for Chase.

Dahil focus sila lahat, pagkatapos sa school, agad na umuuwi si Ara, para di na rin siya mabuking ni Chase.

And tomorrow is their second day of exam.

——

"Salamat Devon ha, ikaw pa ang sumundo sakin,"

"Oo naman, malapit na rin matapos ang gallery tsaka last day na ng exams niyo bukas," ani Devon.

At parang isang iglap, natapos na ang kanilang exams tsaka ang gallery na todo kayod na isinakatuparan ni Ara.

And tomorrow is the day, isusuprise niya si Chase para sakanyang birthday at para sa monthsary nila.

Napagplanuhan na nila lahat.

Tutulungan siya ng 10 thorns, ipapapunta nila ito sakanilang tambayan at dun siya pupuntahan ni Ara.

Pagkatapos magdamit ni Ara, kinuha na niya ang susi ng kanyangwas sasakyan ay papunta na sa tambayan ngunit tumawag si Mark.

"Oh, Mark? Handa na ba lahat?,"

"Ara, we tried hard pero sabi ni Chase may pupuntahan daw muna siya sandali, ay pupunta naman siya dito,"

"Ah ganon ba? Sa tingin mo, saan siya pupunta? Dun ko nalang siya isosopresa,"

"Isa lang naman ang pupuntahan ni Chase na malapit lang dito sa tambayan, naglakad lang kasi ito, sa tingin ko, pupunta siya sa lumang playground,"

"Sige, pupuntahan ko nalang, salamat!,"

——

Nagmaneho na papunta sa lumang playground si Ara.

Handa na lahat, sana maappreciate mo to Chase.

At dahil dumaan ito sa likuran nakita na niya ang pamilyar na katawan, sigurado siyang si Chase ito, pero bakit may kasama itong... babae?

Tumagilid ang babae ay nakita niya nga, si Aileen.

Pero nanlamig siya sa kinauupuan, niyakap ito ni Chase pero nagulat nalang siya noong hinila siya ni Aileen upang halikan.

Gustong lumabas ni Ara sa kanyang sasakyan at komprontahin sila.

Ito ba? Ito ba ang rason kung bakit tila nagkalayuan na sila ng loob ni Chase?

Pinaharurot ni Ara ang kanyang sasakyan patungo sa gallery na inihanda niya.

Pagpasok niya, agad bumungad sakanya ang mga litrato.

Masakit.

Bakit? Anong nagawa ko? May nagawa ba ako?

Oo may pagkukulang din ako, pero di ko naman iyon pinabayaan at pinuno agad iyon.

"Bakit... ang sakit..." hikbi na lamang ni Ara sa sarili.

Isang malakas na sigaw ang kanyang ikinawala. Nagbabakasakaling mawawala ang sakit sakanyang paghiyaw.

Sana.

——

"Aileen... bakit mo iyon ginawa?,"

"S-Sorry, akala ko kasi.... isang buwan na rin tayong paulit ulit nagkikita,"

"Oo, pero.. mali ito, sobrang mali ito," ani Chase.

Pareho silang napatingin noong may humarurot na sasakyan.

"Sht..."

"Why?,"

"Sasakyan ni Ara iyon," ani Chase.

Gusto niyang sundin noong pinigilan siya ni Aileen.

"You want to get even right? Now is the right time," ani Aileen.

And suddenly he froze. It's like fate telling him that he should not follow her.

Siya rin naman ang may pasimuno nito, diba?

She's basically cheating on me with Hart.

——

Pagpunta ni Maris sa bahay na iyon dahil inutusan siya, bigla siyang nagulat sa agad na pagtawa.

"According to my sources, our plan worked! I'm so excited!" hiyaw nito na ikinagulat ni Maris.

"Wala akong pake, I just want the information,"

"I'll send it to you, give me a week, okay?",

"Sige, ano pa ang dahilan ng pagpapapunta mo sakin dito?," tanong ni Maris.

"Gusto kong sagarin pa natin ang plano okay?,"

Tumango lang si Maris.

——

Ayaw ni Ara umuwi.

Maybe that's why she suddenly found herself in Devon's house.

She's telling her everything.

"Bakit naman yun gagawin ni Chase? Nakakairita naman," ani Devon.

"Ewan ko, sa tingin ko dahil ito sa pagkukulang ko, yung palagi akong wala at walang paalam, nung isang linggo na dapat kaming magdate, nung kasal ni Ate Belle na wala talaga ako—" di pa pinatapos ni Devon magsalita ang kanyang pinsan noong nagsalita siya.

"W-wait... what do you mean wala ka sa kasal ni Ate Belle?"

"Diba I told you convoy nalang tayo, pero may iba akong pinuntahan kaya di na ako nakatuloy, nihindi ko sinabi kay Chase kung bakit,"

"Ara... you were there, humabol ka, don't tell me this is some crazy doppelgänger thing?,"

"I swear, I wasn't even there at the reception, even a glimpse of me, wala," ani Ara.

Devon is still in shock from what she said.

Naputol ang usapan nila noong pumasok ang ina ni Devon.

"Will you be staying here for the night hija? So I could tell you dad," tanong ni Tita Gina.

"Uhm, yes po tita,"

"Sige, nagpadala ako ng pagkain dito, enjoy your sleepover," ani Tita Gina tsaka agad na lumabas ng kuwarto.

"Pero, talaga ba? Why? Bakit di ka pumunta doon kung ganun?,"

"It's about something, I think it's not the right time to tell it to everyone yet, but don't worry I will," ani Ara.

"I really think you and Chase need to talk,"

"Di ako makahanap ng tiyempo, tsaka, sa tingin ko di ko pa kaya ngayon, pero.. gagawa nalang siguro ako ng paraan,"

——

"I've confirmed it, can you cancel all my appointments tomorrow morning? And tell my driver to pic me up here dahil may pupuntahan kami," ani Gina sa kanyang sekretarya sa tawag.

"Right away, Ma'am,"

I knew it, I knew something was different with the Ara in that party, sa restroom, I knew she was different.

Ikaw ba iyon, Yra?

Texting My Babe (TTGN Book 2)Where stories live. Discover now