Chapter 18

220 6 0
                                    

Pagkatapos magpagupit ni Maris, kahit medyo labag sakanyang kalooban ay matagal niyang tinitigan ang salamin, nakatawa naman ang kasama nito ay inilapit ang picture niya at ni Ara.

"Ayan! Perfect na!" sigaw nito.

She just rolled her eyes, sira ata talaga ang utak ng kasama niyang ito.

"Ok, so I got a message and your dress is ready... but, are you?"

"Matagal na," sagot nito.

She was ready her whole life.

"If you say so, lets go! Excited na ako sa grand entrance mo mamaya,"

"Sandali, ano ba talaga ang plano mo? Siguro naman naisip mo na hindi normal na may dalawang Ara mamaya,"

"I've settled that, I know the trigger, I shoot," aniya with her wicked look, kahit masindak man lang, wala. Sanay na kasi dito si Maris.

Lahat ay may kanya kanyang ginagawa.

Ang sabi, 5pm ang kasal ay 8pm naman ang reception.

Since garden wedding, napagdesisyunan nilang mag Sunday's best dress nalang muna.

They were informed na close friends and family lang ang invited sa wedding at lahat ng mga guest naman ay sa reception that will end at 12am, courtesy of Belle Perez, the bride.

Nandito ngayon si Ara nakatingin kay Devon habang ito'y naghahanda na.

'Di nagtagal ay natapos na rin ito at napagdesisyunan ng pumunta sa private property ng Perez, ang sabi ng pamilya nila, sa reception nalang sila hahabol, at sangayon naman lahat.

Sasakyan ni Devon ang ginamit ay pinaharurot na nito.

Chase didn't text me the whole morning, sabi ng isip ni Ara.

Bakit kaya? Siguro naghanda rin? May ibang inasikaso? Siguro.

It's gonna be everyone's first time seeing Ara's short hair.

At bang dumating na, nakuha lahat ng atensyon ng mga kaninang bumubulong na mga bisita si Ara.

Halos lahat nakatingin sakanya, di nagtagal ay nailang rin siya sa mga tingin ng tao.

Out of nowhere, a person dragged her to the side at it was non other than her boyfriend.

"Ara, sh-t, bakit di mo ako sinabihan na magpapagupit ka pala ng buhok?", ani Chase.

Kinabahan naman ito dahil sa sinabi niya.

"B-bakit? Pangit ba? D-di ba bagay?," nauutal na tanong ni Ara kay Chase.

"Hell no, you look head over heels gorgeous, your neck at collarbones are your assets and it clearly emphasizes it now, though I don't like other men looking at you," tinugunan nalang ni Ara si Chase ng isang malumanay na tawa.

At kasunod non ay mga taong lumalapit kay Ara upang sabihan siya na bagay siya sakanyang maikling buhok.

"Omg ate Ara, you look stunning, I assure you kuya fell for you all over again, tama ba kuya?", ani Brie noong lumapit ito sakanya, ay tumawa naman si Ara dahil sa sinabi nito.

Di nagtagal ay huminahon na ang mga tao dahil nasabihan silang magsisimula na ang kasal.

Nagmartsa muna ang mga maliliit na mga bata habang tinatapon ang mga bulaklak sa lakaran.

Pagkatapos ipinakilala naman ng emcee ang kambal.

"The family of the bride, starting off with her siblings, the twins, Five, Carlo Perez II, and Ten, Carlo Perez III," pagkasabi ng emcee non ay pumalakpak naman ang mga bisita.

Pagkatapos noon ay ipinakilala rin ang magulang ng bride tsaka pamilya na rin ng groom.

Nasa gilid ang kambal at kitang kumikislap ang kanilang mata na tila ba'y iiyak.

Pagkatapos pumasok ng groom ay naghintay ito sa gitna ng lakarang puno ng bulaklak.

"Ladies and gentlemen, please stand up, and put your hands together, for the bride, Isabelle Perez," on cue naman pumalakpak lahat ng tao habang naglalakad si Belle papunta sakanyang mapapangasawa.

Isa nga talaga simple ngunit makahulugang pagiisang dibdib ang nakita ni Ara.

Matapos nito, kanya kanya na ang paghahanda nila para da reception na tila ba isang engrandeng pagtitipon.

Isang pagtitipon na di malilimutan.

Texting My Babe (TTGN Book 2)Where stories live. Discover now