Chapter 3: Ate Shaea

3.1K 119 0
                                    


REIRA'S POV


Sa isang iglap habang byahe kami ng ate ni Zhiea ay may mga eksena akong nakikita sa isipan ko.


Eto yung time kung kailan I was supposedly going to the Philippines for Zhiea. De ang totoo, eh para maging model ng isa sa tita ni Zhiea sa isang particular contract.


And ang susundo nga saken ay ang mom ni Princess.


Waaah, I'm really looking forward to see her.


"Khate sweetheart, anong oras ka pa ba aalis? Baka maiwan ka ng flight mo. Sina Cara ang magsusundo sayo sa NAIA pagdating mo ng Philippines",paalala ni Mom sa labas ng kwarto ko habang nagbibihis ako.


Si Tita Cara ay ang Mom ni Zhiea.


"Mom saglit na lang po. Di ko lang po mapigilan ang excitement ko",tugon ko sabay ngiti ng malawak sa salamin.


"Finally makikita ko na rin po si Princess",dagdag ko at narinig ko namang napatawa si Mom saken.



"Mamaya na kase unahin ang kilig baby girl. Haha. Oh sya basta bantayan mo ang oras ha at baka malampasan ka",huling sabi nya at umalis na sa labas ng room ko.


Okay na ang lahat nung time na yun when something came up with my parents company kaya di ako natuloy sa pag-alis. Naging katulong nila ko sa pagsasaayos ng gusot sa company kaya naisip kong baka di talaga nakalaang magkita kaming dalawa.Pero think positive pa rin dahil dadating rin ang time kung kailan magtatagpo rin kaming dalawa.



Then end of the scenes...


"Hey cutie!! We're here",untag saken ni Ate Shaea na di ko alam kung awkward bang tawagin syang ate dahil sa panahong ito 22 rin sya. Meaning same age lang kami.Pero salamat na lang sa baby face kong asset. Ang cute cute ko nga daw eh. Pinisil pa pisngi ko kanina.


"Di ka pa ba bababa Rei?",tawag nya saken mula sa labas ng kotse kaya napakamot na lang ako sa ulo. Rei daw oh. May nickname na ko agad.



"Opo ate",sagot ko at natatawang hinila naman nya ko ulit nang makababa ako ng kotse."Gosh! I can't believe na ang isa sa mga paborito kong kalaro ni baby girl nung mga bata pa sila ay heto't dalagang-dalaga na",masayang sabi nya habang paakyat kami sa 2nd floor ng mansion nila.



"Tanda nyo po ako?",tanong ko habang sumusunod sa kanya kaya natatawang huminto sya at hinarap ako.



"Sa cute mo ba namang yan bakit hindi?",aniya sabay tawa at pinisil na naman ang pisngi ko.Maglu-lose na talaga ang pisngi ko nito. Sabay pout."Nga pala, kung hinahanap mo si little sis, nandun sya sa school nya at nagpapakabusy. Science club president kase. May competition na dadayuhan ang kanyang school kaya nagtetrain sya ng mga pang-compete",pagkuwa'y sabi nya nang mapansin siguro ang paglinga ko sa paligid."Okay po",nasabi ko na lang pero ang totoo sobrang excited na akong makita sya. Kahapon napigilan ko pa ang sarili kong lapitan sya pero ewan ko lang pag muli ko syang nakita sa susunod.
I missed my childhood friend. Kyaaaah.



"Nga pala, wala kang mga gamit?",tanong nya nang buksan ang isang pinto katabi ng kwartong may pintong kulay pink. Wala pa kong naisasagot nang muli syang magsalita at nakampante naman ako dun. "Oo nga pala, hinila na lang kita basta kanina. Haha. Magshopping na lang tayo bukas"



May help rin pala ang pagiging dire-diretso nya sa pagsasalita kaya nakakaiwas rin ako sa pagdadahilan kung sakali.



Di ko naman maaring sabihin na galing ako sa future kaya di ako nakapaghanda ng mga dadalhin di ba? Pero kung sino man ang nilalang na tumutulong saken sa pagtungo ko sa panahong ito, tatanawin kong utang na loob sa kanya ang bagay na to.
Muling magbabalik ang kasiyahan ko sa buhay at mas mapupunan ko pa ang araw na noon ay di ko nakasama si Zhiea.


"Oops! My bad. Lunch na tayo. Halika, pinagluto ko na si Manang ng food kaninang byahe tayo",aya nya at di na ko nag-alinlangang sumama dahil gutom na talaga ako kahapon pa."So bukas sinong gusto mong sumama sayo sa university para pumasok? Dahil one year ka naman dito sa Philippines might as well kumuha ka na rin ng subjects for two sems. Sayang rin di ba",suggest nya kaya napaisip ako.



Oo nga noh? Di naman siguro nila makikitang graduate na ko sa university na pinasukan ko before eh. Sa States ako nag-aral. Kung tutuusin ang mismong 22 years old na ako ang nandito at hindi ang dapat ay 20 pa lang pero para mas mapalapit kay Zhiea, pwede kong iconsider ang pagpasok.



"Papayag po kaya si Princess?",tanong ko na huli na nang marealize ko kung ano ang nabanggit kong tawag kay Zhiea kaya iba syang makatingin saken ngayon. Halatang nanunukso.



"She's still your Princess, huh",nanunuksong sabi nya kaya nakagat ko ang labi ko sa hiya.


"Aww. Our little cutie here is now blushing. Hahaha",tawa pa nya kaya mas nag-init ang mga pisngi ko.



"Ate naman eh",complain ko kaya itinaas nya ang kamay tanda ng pagsuko.



"Sige titigil na. Haha. Baka di ka pa makakain nyan eh",sabi nya at halata pa rin sa mata ang panunukso.Napapout tuloy ako habang sya tawa nang tawa.Pero naisip ko, buti na lang at madali ko syang nakapalagayang loob kahit ngayon lang kami nagkausap nang ganitong katagal.

My Girlfriend Who Time-Travelled (COMPLETED) gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon