Chapter 18: Uso Bawi

2.5K 92 2
                                    



REIRA'S POV


"Nag-away kayo ni ZC?",untag saken ni Noriani habang nandito ako sa classroom. Balik klase na ulit kase kaya heto study mode ang peg ko kahit graduated naman na ko.



"Hindi"



"Bakit di kayo nagpapansinan?",puna nya sabay sulyap kay Zhiea na hiwalay sa upuan ko.



"Nagtatampo ako eh"



"Uso sayo?",taas-kilay nyang tanong kaya sinimangutan ko.


"Pag ba cute wala nang karapatang maghihinakit?"



"Hinanakit your face. So bakit nga"


"Nagtatampo sya"



"Bakit?"



"Di ka man lang nagulat?"


"Di na naman bago pag si Zhiea ang nabeast mode eh"



Sabagay. Pero wag kayo mahal ko sya noh.



"Di ko kase sya pinapansin mula pa nung bumalik tayo galing GY University",pag-amin ko kaya napakunot-noo sya.


"Bakit?"


"Busy kase ako sa pag-iisip"



"Mamaya ihahagis na kita sa labas ng bintana. Kung binubuo mo kaya ang sinasabi mo?",tas nag-roll eyes sya.


"Nireject kase nya ko nung ayain ko syang magpakasal kami after graduation natin kaso gawan ko daw ng twist pag nagpropose ako. Edi eto yung twist na naisip ko, kunwari di ko na sya mahal tas bibiglain ko na lang sya isang araw na nagpopropose na pala ko",paliwanag ko pero bigla syang tumawa. Yung tawang pang-asar.



"Hindi kaya ireject ka nya ulit nyan? Hahaha. Ang epic mo naman mag-isip eh",comment nya habang natatawa pa rin.



"Eh ano bang magandang gawin?"



"Magbibigti ka tas pipigilan ka nya pero di ka papapigil hangga't di sya pumapayag na magpakasal sya",seryosong sabi nya kaya napaub-ob na lang ako sa desk ko dahil sa frustrations.


"Gagawin mo pa kong suicidal nyan Knorr eh",reklamo ko tas nakaramdam na lang ako ng pagtapik sa balikat.



"Kakain na tayo",seryosong sabi nung boses kaya napaangat ang tingin ko. Bigla nakonsensya ako sa mga pinaggagagawa ko nitong nakaraang araw. Yung di ko pagpansin, pangungulit, at pag-aalaga sa kanya bigla dahil sa pag-iinarte ko. Heto't sya na ang unang lumapit saken para sabihing kakain na kami.


"Princess",sambit ko pero blangko nya kong tiningnan.


My Girlfriend Who Time-Travelled (COMPLETED) gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon