Chapter 2: Huh?

3.6K 122 7
                                    

REIRA'S POV


'Gosh, ang hirap talagang paniwalaan ng nangyayari pero isa ito sa nakikita kong opportunity para mabago ko ang maaaring mangyari 2 years from now',I said mentally habang nakahalumbaba sa study table ng kwartong matagal ko nang inabandona noong bago ako lumipat ng bahay.



Kahapong marealize ko ang nangyari, mabilis akong nag-isip kung paano makakasurvive lalo na kung dayo lang ako dito sa panahong to. Unemployed ako at walang nakikilala kahit isa kaya para akong sundalong isinabak sa gyera na walang armas.



Buong tyaga kong hinanap ang bahay na to dahil wala akong cash man lang na dala. Naglakad ako all day. Buti na lang forty-five minutes lang sya away from that university pag nilakad.


Gutom man ay hindi ko na ininda dahil kailangan ko munang humanap ng tutuluyan lalo at wala akong aasahan.Buti na lang may utak ako. Naisip kong huwag magpadalus-dalos dahil walang sinuman ang maniniwala na galing ako sa future para baguhin ang nakaraan. Lalo na ang mahal ko na nung isearch ko ay isa palang dakilang isnabera ng university.



Presidente sya ng Science Club, varsity ng volleybal at tennis, at prodigy sa music.
Though alam kong napakatalino at gifted na nya noon pa ay di ko naman ine-expect na ganun sya kasikat sa school nila. Maraming nag-a-idolize sa kanya at nanliligaw kaya naeexcite tuloy akong gumawa ng paraang mapansin nya ako.



Di ko pa man alam ang mga kondisyon sa pagtungo ko sa panahong ito, sisiguraduhin ko namang mapaibig ang yelo ng campus para sa future namin. Gaaah, kinikilig ako.



'Princess, here I come. Ready your heart for this little cutie charmer from present',determinadong sabi ko at nahiga sa kama.



Kinaumagahan naglibot na ako kaagad sa vicinity ng abandonadong bahay na tinutuluyan ko to look for a job. Gutom na rin ako. Ang unfair lang na nung panahong nagmumukmok ako di ko nararamdaman ang gutom tas ngayong nagbalik ang motivation ko sa pagpapatuloy mabuhay biglang naging aware na ulit ako na kailangan ko pala kumain.I'm hungry. Waaaaah.Nga pala, I am Reira Jhienne Fontanilla. 22 years old. Sa panahong pinanggalingan ko I am the president of Fashion and Designs at our company.


Ako po ay isip-bata, makulit, at mapagmahal na nilalang bago mangyari ang masamang balita sa panahon ko. Naging malulungkutin, walang patutunguhan at depressed ako pero ngayong may pagkakataon na kong ayusin ang nakaraan na tinutukoy ng nakausap ko kahapon, kailangan kong mabuhayan ulit at sumigla.Maglalakad na sana ko patungong coffee shop na natanaw ko nang may biglang may humawak sa braso ko. At paglingon ko, laglag panga. Shaea Christel Montefalco. Zhiea's elder sister.



"It's really you, gosh!! Halika na naghihintay na ang bahay namin sa iyong pagtuloy",masayang kausap nya saken habang nakaawang ang bibig kong nakatingin sa kanya.



"P-Po?",litong tanong ko kase wala akong naiintindihan."Sinabihan ako ni Tita Mariz na kailangan ko daw hanapin yung isa sa alaga nya dahil samin muna sya tutuloy",dagdag nya kaya napa-huh na naman ako. Nagbanggit sya ng pangalang di ko naman kilala.


"Alaga?",windang kong tanong kase di ako makahabol.



"Aish ang batang to oh. Model ka ni Tita di ba? Pinakita nya saken picture mo kaya halika na",sabi nya at hinila na ko papunta sa kung saan. "Nahirapan akong hanapin ka kahapon. Sabi ni Tita kahapon ka nga raw dadating galing ibang bansa tas wala ka naman sa sinabi nyang lugar. Bakit ba umalis ka sa university? Lalabas na ko nun eh. Di mo pa ko nahintay",litanya habang mataman lang naman akong nakikinig.



Yung utak ko loading...



3RD PERSON'S POV


"Anong nangyayari Miss Time sa nakaraan?",tanong ng tauhan ni Miss Time sa kanya na kasama nyang nakapanood sa crystal ni Reira.


"Bakit po pati pagkakakilala ng ate ng kapares ng babaeng nasa crystal ay nangyari?"


"Ang pagbabagong naganap na hindi ko binigyang pansin sa kadahilanang di ko naisip na magdudulot ito ng kapahamakan sa isa sa kanilang dalawa. Ang pagtatagpo nya at ng babaeng mahal nya ay nakatakda sanang mangyari pero di ko pinansin dahil di ko alam ang resulta sa pagbabagong yun subalit umabot sa sukdulang nawalan ng buhay ang isa sa kanila kaya kelangang ibalik ang dapat mangyayari sa nakaraan",paliwanag nya pero lito pa rin ang tauhan.


"Bakit nabigyan sya ng pagkakataong magbalik sa nakaraan gayong marami rin po dito ang crystal na may mga pagbabagong naganap",katwiran nito kaya hinarap nya ito.


"Pero wala sa kanila ang binawian ng buhay. May mga pagbabago subalit sa pabuti. Isa pa, sa henerasyon ng pares na nasa crystal manggagaling ang susunod na tagapamanihala ng oras at panahon kaya di dapat maputol ang pising magdudugtong sa dalawa"


"Susunod na tagapamanihala ng oras? Pero nandito pa rin po kayo di ba?"


Isang makahulugang ngiti lang ang ibinigay nya rito at muling tumingin sa crystal kung nasaan ang babaeng walang muwang sa nangyayari sa kapaligiran habang binabagtas ng sasakyan ng kasama nito ang lugar patungo sa babaeng matagal nang pinapangarap.'Wag ka lang sanang pangunahan ng pagsuko at negatibong emosyon Reira Jhienne Fontanilla sa mga balakid na haharapin mo sa panahon kung nasan ka',sabi nya sa isip at kumumpas para magbigay ng kamulatan kay Reira.

My Girlfriend Who Time-Travelled (COMPLETED) gxgWhere stories live. Discover now