Chapter 10: Slept Together

2.9K 99 13
                                    


ZHIEA'S POV
Palabas na ko ng grounds at nag-iisip ng pwede kong sabihin kay Reira kapag dumating ako ng bahay. May guilt feeling rin ako kase sa tatlong araw na nagdaan never syang nag-skip sa pagpapadala saken ng lunch dahil di na nga namin magawang pumunta sa cafeteria sa pagiging busy. Minsan pa kinakatok nya ko sa kwarto ko para ipaalalang kumain muna ko ng dinner bago matulog. May time rin na aabangan nya ko sa labas ng kwarto para siguraduhing magbebreakfast ako bago umalis ng bahay. Ang patabain ako ang goal nya talaga.


Hayyst.


Papasok na sana ko sa kotse nang mapalingon ako sa may bench malapit sa fountain sa di ko rin alam na dahilan. Di ko alam kung bakit magkasama si Reira at Noriani pero bakit parang masakit sa mata ang nakikita ko?



Si Reira ay nakayuko habang kinakausap sya ni Noriani. Kita kong ngumiti sya nang tumunghay saglit pero yumuko ulit. Napansin kong bumulong si Noriani sa kanya na ikinagulat nya tas mas nagulat ako nang marahang ipatong ng kaibigan ko ang jacket sa likuran ni Reira na hinapit nya rin agad payapos sa katawan.



Sabay silang tumayo mula sa upuan na naging cue ko para pumasok na ng kotse. Nakita ko pang inaalalayan ni Noriani si Reira papunta sa kung saan kaya nakagat ko ang labi ko sa di ko maintindihang inis sa loob-loob ko.



San nga ko pupunta? 



Wala naman akong sinabing uuwi na para sundan sya di ba?Saka di naman ako nagi-guilty na di ko sya pinapansin nitong nakaraan, right?But damn.



Sa bilis ng pagpapatakbo ko ngayon ng sasakyan mahahalatang nanggigigil ako. At dahil yun sa eksenang nakita ko kanina lang.


Makarating ng bahay nagdiretso agad ako sa kwarto at pabalang na humiga. Ilang minuto ang lumipas nang muli akong bumangon para magbihis at kumuha ng maiinom. Saktong bumababa ako ng hagdan nang paakyat naman ang taong ayaw ko sana munang makita. Bigla itong yumuko nang magkakasalubong kami at di nakaligtas sa paningin ko ang jacket na ngayo'y suot na nya.



Nanggigigil ako sa inis.



"Move!",asik ko sa kanya at sinadya syang banggain nang magkapantay kami pero wala man lang syang sinabi. Nagtuluy-tuloy lang sya kaya mas lalo akong nainis. Di ba nya ko kukulitin gaya ng ginagawa nya araw-araw? Dahil ba may iba na syang nagugustuhan? Dahil ba mas napapansin sya ni Noriani di gaya ng pambabalewala ko sa kanya araw-araw?



Dammit Reira Jhienne! Hate to admit it but I'm hella jealous.



"Zhie"



"Ano?!",bulyaw ko sa tumawag saken na ang kapatid ko pala.


"Hala, beastmode",puna nya kaya asar ko syang tinalikuran at padabog na umakyat ng hagdan para matulog na.I don't care kung maaga pa para matulog pero kailangan ko na sigurong magbawi ng pahinga dahil nagiging mainitin lalo ang ulo ko.


Bandang 9:30 ng gabi nang makarinig ako ng mga katok kaya saglit akong natigilan. Nang marealize kong pinto ng room ko ang kinakatok kunot-noong bumangon ako para tingnan ang culprit.


Pagbukas ko nagulat pa ko na parang isang batang musmos si Reira nang nabungaran ko sa labas. Magulo ang buhok nya tas halatang galing sa pag-iyak dahil pugto ang mata. Pero ang isa sa pinakanapansin ko, yapus-yapos nya ang unan nyang si Spongebob ang design."What do you want?",malamig pa sa gabing tanong ko dahil di ko pa rin nakakalimutan ang eksena nila ni Noriani.

My Girlfriend Who Time-Travelled (COMPLETED) gxgWhere stories live. Discover now