Chapter 23: Disappear

2.4K 105 6
                                    


NORIANI'S POV



"ZC, she's awake now. At hinahanap ka nya",balita ko sa bestfriend kong ilang araw nang wala sa sarili matapos ang aming pag-uusap. Di man nya sabihin, ramdam ko ang bigat ng kaloob-looban nya sa isiping kailangan nyang magsakripisyo at tiisin ang mararanasang sakit oras na palayain nya si Reira. Alam kong mahirap pero kailangan nyang maging rational at huwag panatilihin sa tabi ang mahal nya para sa kaligtasan nito.



"Ngayon na ba? Yung tulong na sinasabi mo, gagawin ko na ba?",tila robot na de susing tanong nya saken habang sa malayo nakatingin. Lampas ang tingin nya at wala kang mababakas na emosyon sa mukha.



"Kung handa ka na",sabi ko na lang at hinintay syang kumilos. Para syang buhay na patay. Di pa man nakakaalis si Reira ganito na sya. Di bale, gagawin ko ang lahat para ipaintindi sa kanyang di pa katapusan ng mundo at may pag-asa pang magtagpo ang landas nila sa susunod na panahon. Sayang naman ang lovelife ko kung mauudlot di ba.



Pero kung gusto ko lang din pagmadaliin sa pagdedesisyon si Zhiea ginawa ko na pero alam kong nahihirapan ito. Pero ang totoo nyan, masyadong mahina ang tibok ng puso nito at may iba ring komplikasyon sa internal organs. Isama pa na hindi sapat ang enerhiya nya upang patuloy na lumaban. Nakakatakot lang isipin na baka isang araw kapag nagtagal pa sya rito ay mahuli ang lahat.



"I guess it's time",bulong ng kaibigan ko sa sarili habang tulalang naglalakad patungo sa kwartong ino-okupa ni Reira. Marahil ay aware sya sa totoong kalagayan at maaaring kahinatnan ni Reira kung di pa nya gagawin ang dapat.



Tahimik naman akong nakasunod sa kanya at kahit sa labas lang ng room na yun ay madamayan ko ang bestfriend ko sa isa sa pinakamatinding desisyong gagawin nito.Marahan itong naglakad papasok na nakasalubong pa ang nurse at doctor na palabas naman pero diretso lang syang nakatingin sa kasintahang nakaratay sa higaan.



"P-Princess",bakas ang pamamaos at panghihina sa boses na bati ni Reira pero may kasiyahan sa mata na masilayan ang babaeng mahal na wala man lang karea-reaksyon. Walang imik itong lumapit sa kama pero nanatiling nakatayo at pinipilit magpanggap na hangin lang ang girlfriend. "Z-Zhiea",muling pagtawag nito sa kanya at kita ko pa ang tangka nitong pag-abot sa kamay nya kahit nanghihina.



Di ko maiwasang mangilid ang luha sa nakikitang pagmamahal ni Reira sa kaibigan ko at gayundin ang pagmamahal ni Zhiea dito na nasaksihan ko nitong nakaraang di pa ito nagigising. Walang masyadong pahinga at tulog dahil sa takot na baka isang araw mawala na ito sa kanya. Di namin sya mapilit umuwi ng bahay at magpahinga muna kahit ilang oras. Di nya daw iiwan ang girlfriend nya dahil baka isang araw dumalaw syang wala na ito.



"O-Okay ka lang ba Princess? D-Di ka ba nasaktan? I-Inaalagaan mo ba ang sarili mo? M-Magpahinga ka ng tama, okay? S-Sensya na di kita maalagaan n-ngayon, pero p-promise paggaling ko b-babawi ako. B-Babawi ako P-Princess",buong pusong litanya ni Reira kay Zhiea na kita kong nanginginig ang labi sa pagpipigil na maiyak. Pinisil pa nito ang kamay ng kaibigan ko pero tila yun ang naging hudyat ni Zhiea upang hindi magpadala sa bugso ng emosyon. Blangko ang mukhang iwinaksi nya ang kamay ng kasintahan na nagulat sa inasta nya.

My Girlfriend Who Time-Travelled (COMPLETED) gxgWhere stories live. Discover now