Chapter 21: Car

2.3K 81 6
                                    


3RD PERSON'S POV



"Isang nagbabagang balita mula dito sa SNN news ang inyong matutunghayan ngayong araw. Isang kilalang anak ng business tycoon, Mr. Dominic Zeus Montefalco na si Zhiea Chrystal Montefalco, ay nasangkot sa isang aksidente kung saan ay ikinasawi nito. Ang buong detalye ay ilalahad ni Fred Agustin",litanya ng newscaster na syang nagpatigagal kay Reira.



Sa muling pagkarinig sa balita ay hindi maampat ang sakit at kabang naranasan nang panahong narinig nya ang balitang yun. At yun ang laman ng kanyang panaginip. O bangungot. Pabiling-biling sya sa higaan habang parang sariwang nararanasang muli ang hapdi at pagdurusa nang mabalitang wala na ang minamahal.



Nang biglang may tumawag sa cellphone nya na lumikha nang malakas na ingay kaya nagkaroon sya ng pagkakataong gumising sa malalim na bangungot.



Hinihingal syang napabalikwas nang bangon habang masaganang dumadaloy ang luha sa kanyang mga mata. Nanginginig rin sya habang yakap ang unan at ni hindi man lang masulyapan ang nag-iingay na cellphone. Si Noriani ang tumatawag pero di na nya nasagot pa kaya huminto na rin ito sa pag-iingay. Ni hindi sya makakilos upang kumuha ng tubig dahil sa uhaw buhat ng nakakatakot na panaginip. Mananatili lang sana sya sa ganoong pwesto nang maisipang kamustahin ang prinsesa nya. Masiguro lang na nasa ayos ito.



Di ito umuwi sa bahay dahil isinama ito ng kapatid sa conference sa Baguio bilang proxy sa Daddy at Mommy nila. Di naman sya sumama dahil maaga syang magpeprepare ng sarili bukas sa proposal. Pero di yata't may gustong iparating ang napanaginipan dahil kung kailang may pinaghahandaan sya saka ito muling sisingit.



Dalawang ring pa lang nang sagutin ito ng nasa kabilang linya kaya narelieve sya. Halata sa boses nito na nagising lang dahil anong oras na nga ba. 2:07 am.



Malat man ang boses mula sa pag-iyak ay iniwasan nyang mapasinghot para hindi nito mahalatang umiiyak sya.



"P-Princess",masuyong tawag nya at bakas ang relief dun.



"RJ? Are you alright?"


"Hmm, yes Princess. Naabala ba kita?" Pasensya ka na. Di ko lang talaga maiwasang mag-alala.


"Kahit madaling araw na ngayon at bigla kang tatawag di naman siguro",aniya sa himig pagbibiro dahil irony yung sinabi nya.


"Sorry"


"Ha? For what?"


"Kase nagising kita Princess. Sensya ka na. Namimiss kita eh. Uwi ka na",naglalambing na sabi nya at narinig nya ang pagtikhim sa kabilang linya.

My Girlfriend Who Time-Travelled (COMPLETED) gxgWo Geschichten leben. Entdecke jetzt