TMG 01: Welcome Ad Infernum

18.2K 311 41
                                    

TMG 01 ♠

I frowned staring at the Lolita dress styled uniform of Pandora High. I’m already 19 and a fourth year college student pero bakit ganito ang uniform nila? Though I should admit na maganda, well-detailed at classy ang design ng damit. Masasabi ko ngang may fashion sense ang kung sino mang nakaisip na ganito ang gawing uniform but still, I don’t do proper classy uniforms. I don’t wear Lolita dresses. I fancy over-sized shirts, tank-tops, skinny jeans and sneakers. That was way more comfortable than this one.

Ibinagsak ko ang sarili sa king size bed ko and stared at the white ceiling of my new room. Dahil may kalayuan sa bahay ang bago kong school, napagdesisyunan ni dad na bumili ng condo malapit sa Pandora High para hindi naman daw hassle ang bumyahe ng pabalik-balik from school to house. Malapit na sana akong maiyak sa pagiging concern sa’kin ng ama ko kung hindi ko lang naalala na hindi nga pala kami close. At syempre, si Meisha lang ang kasama ko dito sa condo. Asa naman na sasama ang dad ko dito samantalang hindi nga no'n magawang umuwi sa bahay. Minsan nga napapaisip ako kung sa company ba siya natutulog o may ibang bahay na siyang inuuwian. That’s why I preferred to be with Meisha than him. Pero hanggang ngayon ay gulat pa rin ako na siya mismo ang kumuha ng transfer papers ko from my previous school. Ngayon niya lang ginawa ito. Madalas kasi si Meisha ang pupunta at mag-aasikaso.

Meisha and I shared everything, from clothes to foods but not about with her job. Ang alam ko lang agent talaga siya sa company namin at hindi lang basta assistant tulad ng palagi niyang sinasabi sa mga school deans tuwing pinapatawag sila dahil sa trouble issues ko. Ganyan kami kaclose dahil siya lang naman ang kasakasama ko noon pa lang. Kung may nakakakilala man sa’kin ng sobra, siya ‘yon. Kaya alam niya rin na hindi talaga ako ang nagsisimula sa mga troubles na kinakasangkutan ko dahil hindi ko ugaling manguna sa pamemeste ng buhay ng iba at hindi ko rin ugaling magpatalo at magpaapi. Nagkakataon lang talaga na mas malaki ang iniiwan kong damage sa kalaban everytime na magkakasakitan na kaya ang labas sa’kin lahat ng sermon. Ako ang may kasalanan. Sanay na rin naman ako sa ganoon. Troublemaker nga kumbaga.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto at iniluwa no’n ang nakasilip na Meisha na bihis na bihis na. As usual, para siyang si dad, walang emosyon. Ganyan siguro ang mga nagtatrabaho sa company namin, required na palaging pokerface. Kaya nahahawa ako sakanila eh. Pinasadahan niya ako ng tingin at tinaasan ng kilay. I rolled my eyes on her and quickly sat up, making me sit at the edge of my bed. I know she’s here to remind me about the school dahil hanggang ngayon ay suot ko pa rin ang bathrobe at basa pa ang buhok. How I hate morning classes. Nakakatamad.

“You’re going to dress up or you’ll make me do it?” tanong niya sa mataray na tono. Sinamaan ko lang siya ng tingin at tumayo bitbit ang new uniform ko.

“I don’t need this, Meisha. I want my sneakers, skinny jeans and shirts.” Hinagis ko sakanya ang uniform na agad naman niyang nasalo. If my memory serves me right, dinala ko dito lahat ng gamit ko pero ngayon hindi ko mahanap ang favorite over-sized shirts at tank-tops ko.

“Hindi ko pa nadadala dito lahat ng gamit mo, Vincent. Masyadong marami ‘yon and besides, ito talaga ng proper uniform sa Pandora so you should wear this.” Lumakad siya papasok ng kwarto at maingat na inilapag ang uniform sa kama ko.

“Screw that uniform.” I hissed at nagbihis na. A smirked plastered on her lips, and I really hate it. Naalala ko na naman tuloy kung paanong wala akong nagawa sa pagdedesisyon ni dad na sa Pandora ako lumipat. Ugh.

BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon