Kabanata #49

96 3 0
                                    

Adam's POV..

Papunta ako ngayon ng ospital na sinabi nung tumawag sa akin, labis akong kinakabahan ngayon at ang tanging nasa isip ko nalang ay sana okay lang yung mahal ko. Habang nasa byahe kami ay tahimik lang itong kasama ko at sa cellphone lang siya nakatingin habang ako dito ay halos himatayin na sa sobrang kaba. Ilang sandali pa ay nakarating na kami dito sa ospital (ospital nga ba?) dahil gabi na ay hindi ko mapansin kung ospital ba talaga itong napuntahan namin o ano.

"Ahh manong sure ba kayong hindi mali itong pinagdalhan mo samin"

"Ahh sure po ako sir dito yun"

"Oo nga Adam ang dami mong alam halika kana nga hanapin na natin kung nasaan yung boyfriend mo"

"Ahh sige po salamat".. matapos kong magpasalamat kay manung ay nagsimula na kaming mag libot dito sa Building na ito, actually mukang luma na itong ospital na ito dahil sa itsura niya at ngayon ko lang din ito nakita kaya hindi ako pamilyar sa lugar. Habang naglalakad ka kami ay madilim at ang tanging ilaw na makikita lamang ay yung mga ilaw ng maliliit na candles. (Bakit kaya walang ilaw brown out ba?)

"Ahh Liam bakit ba walang ilaw sure kaba na dito yun baka naman mali tayo ng napuntahan tara na baka kailangan na ako ni Leon ngayon kawawa naman siya"

"Hmmm dito yun trust me"

"Hmmm nako may ospital ba na walang ilaw?"

"Malay mo nawalan sila ng kuryente"

"Uso Generator nohhhh"

"Ahh basta ang dami m9ng tanong maglakad kanalang" patuloy lang kami sa paglalakad at sunod sunod naman ang mga candles na nadadaanan namin, pakiramdam ko tuloy ehh ang romantik ng ospital na to parang may date na mangyayari. Nakarating na kami dito sa second floor at hindi parin namin nahahanap si Leona. Patuloy lang kami sa paglalakad nang mapansin ko ang isang room na kakaiba dahil marami itong kandilang nakapalibot habang nakatingin ako dito ay hi di ko napansin na wala na pala sa tabi ko si Liam kaya medyo nagkaroon na ako ng takot dahil naka kung ano na ang nangyari sa pinsan. Tinawag ko siya ng ilang beses pero hindi siya sumasagot kaya medyo naiiyak na ako. Naisipan kong pumasok sa room dahil dito lang ang may maliwanag na part sa palapag na ito.. pagpasok ko ay napansin ko na ang dami palang balloons dito, habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng kwarto na ito ay napansin ko na ang daming upuan kaya na realize ko na baka skwelahan itong Building na ito dahil alangan naman na ospital ito ehh ang daming upuan at isa pa ehh may whiteboard sa harapan. Napansin ko din na ito yung Class room naman noong Grade12 kami naisip ko tuloy kung bakit kami napunta dito ni Liam na ngayon ay nawawala na.

Habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng kwarto ay napansin ko na may nakatayong isang lalaki sa harapan na kanina ay wala naman, bigla nalang siyang sumulpot doon natakot tuloy ako baka multo na itong nasa harapan ko...

"Ahh sino ka?" Hinintay kong sumagot siya pero hindi siya sumasagot kaya talagang natatakot na ako. (Liam nasaan kana ba?") bigla namang sumagi sa isipan ko si Leon kamusta na kaya siya baka kailangan niya ako. Naisip ko naman bakit kaya ang malas ko ngayon? Birthday ko pa naman tapos ganito, una naaksidente yung boyfriend ko, pangalawa mali kami ng napuntahan ni Liam nakakainis.

Kanina nung pumunta si Leon sa bahay ay buong akala ko ay dahil birthday ko at balak niya akong sorpresahin pero nagkamali ako dahil mukang nakalimutan niyang birthday ko today kaya medyo nalungkot ako pero hindi ko ipinahalata sa kanya dahil ayoko naman na sa ganitong kababaw na reason lang kami hindi makakaintindihan. Balik tayo dun sa lalaki. Dahil nakatalikod naman siya ay unti unti akong lumapit sa kanya at habang papalapit ako ng papalapit ay bumibilis naman ang tibok ng aking puso. Nang malapit na ako sa kanya ay nagdesisyon akong kalabitin siya para malaman ko kung tao ba siya o multo at nabawasan naman ang takot ko dahil hindi naman tumagos yung kamay ko sa kanya kaya alam kong tao siya.

Mr. Transferee(boyslove/Yaoi)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt