Kabanata #13

256 10 1
                                    

   "Hoyy tulala ka nanaman" panggulat sa akin ni Ellie " ano ba bigla kanalang nanggugulat pagrereklamo ko sa kanya.
"Ano bang iniisip mo?" Wala kang pakialam
"Ah ganon" sabay pingot niya sa aking tenga kaya napasigaw ako sa sakit "araaaay "
"Oh ano babarain mo pa ako?"
"Hindi na hindi na promise" pagsuko ko sa kanya para bitiwan na niya ang tenga ko. May pagka sadista pala ang babaeng ito nakakainis.

   Iniiisip ko parin ang mga sinabi sa akin ni Leon sa akin ni Leon kagabi, naguguluhan ako sa kanyang sinabi, bakit kaya niya sinabi iyon?
( akin kalang mula pa noon) paulit ulit yan sa isipan ko.
    "GO LEON"
Sigaw ng mga babaeng nanonood dito sa auditorium. May laban ngayon ang basketball team ng aming School. Tahimik lang akong nanonood habang panay lang ang sigawan ng mga tao dito lalo na kapag makakapuntos si Leon. Aminado naman ako na si Leon talaga ang pinaka gwapo sa kanila kaya siguro nag dami niyang fans. Nakita kong kinawayan ni Leon ang mga babaeng sumisigaw sa kanyang pangalan kaya medyo nakaramdam ako ng pagkainis, ewan ko kung kay Leon ako naiinis dahil kinawayan niya yung mga babae o sa mga babaeng sumisigaw ng kanyang pangalan.
   Yumuko nalang ako nalang ako para hindi nila mapansin ang pagkairita ko. Nang pakiramdam ko ay kumalma na ako ay nagpatuloy na ako sa panonood. Napansin kong tinitignan ako ni Leon siguro ay napansin niyang hindi ako nanonood ng game kanina.
      Nginitian ko siya kaya medyo umaliwalas na ang kanyang muka , bakas parin ang pagtataka sa kanyang muka, sana lang hindi niya mapansin na nagseselos ako kanina.
   
   Natapos ang laban at panalo ang aming School, nagulat ako ng pumunta si Leon sa inuupuan namin at bigla niya akong niyakap tapos ay inakbayan. "Ano okay ba?" tanong niya sa akin "ah oo ang galing niyo" tugon ko naman sa kanya. Tiningnan ko ang mga babaeng sumisigaw sa pangalan ni Leon kanina, nagulat ako dahil ang sama ng tingin nila sa akin.
   "Tara"
   "Saan?" 
"Magcecelebrate tayo dahil nanalo kami, libre ko" sabay kindat niya sa akin tapos ay hinila na niya ako paalis doon. "Sige Ellie pahiram muna ako ng soon to be syota ko" pagpapaalam niya kay Ellie "ahh okay" tugon naman ni Ellie at kinikilig pa ang loko, imbes na tulungan niya ako ay mas lalo pa niya akong ipinagtutulakan kay Leon.

   Nandito ako ngayon isang café malapit sa School namin, nag order ako ng Milk tea at brownies. Habang kumakain ako ay amoy na amoy ko ang pabango ni Leon kahit na pawis na pawis siya ay ang bango parin niya.
   Nakangiti naman yung babaeng nagseserve habang nakatingin siya kay Leon, tumingin naman ako kay Leon at nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti. "Anong tinitignan mo." Sarkastiko kong tanong sa kanya
"Masama bang tignan ang mahal mo, kailan mo ako sasagutin?" Nag-iwas nalang ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain sa inorder kong brownies.
   Hinatid ako ni Leon pagkatapos naming kumain ayoko na sana kaso ay nag pumilit siya kaya wala nanaman akong nagawa.

   Kakatapos ko lang naligo at nagfafacebook ako ngayon dito sa aking kwarto, habang binabaybay ko ang aking News feed ay nakita ko ang post ng School Page namin na magkakaroon ng tree 🌲 planting ang aming School simula sa friday, nakalagay din doon na magtatagal iyon ng 3days ang 2nights, ibig sabihin ay matutulog ang maga pupunta doon ng dalawang gabi. Magsisimula ang registration bukas at balak kong magpalista dahil mukang magiging masaya yun dahil siguradong maraming pupunta.
   Nagtext na ako agad kay Ellie upang tanungin siya kung pupunta siya at sinabi niyang pupunta din siya kaya sinabi kong sabay nalang kaming magpalista bukas at pumayag naman siya.

  Kinabukasan ay maaga kaming pumasok ni Ellie para magparegister, baka kasi maraming magpapalitan at baka maabutan pa kami ng pila. Nandito kami ngayon sa registration Office at swerte namang kakaunti palang naman ang tao kaya agad na kaming pumila. Kaunting impormasyon lang tungkol sa amin ang kinuha nila katulad ng pangalan at contact number tapos ay binigyan kami ng waiver, sinabi rin nila ang mga kinakailangan naming dalhin tulad ng damit na proteksyon sa init ng araw.
    Pagkatapos naming magpalista ay pumunta na kami sa aming silid aralan. Naabutan ko si Leon naka busangot ang muka. "saan kayo galing?" medyo galit niyang tanong sa akin. "Ah eh galing kami sa registration office para magpalista sa mga sasama sa isasagawang tree planting" pagpapaliwanag ko sa kanya. Bigla siyang yumuko sa kanyang arm chair na parang walang paki alam sa aking sinabi.

   Thursday na at bukas na ang pagpunta namin sa isasagawang tree planting, naghahanda na ako ng mga dadalhin ko para bukas. Nagdala lang ako ng tatlong pares ng damit na pwedeng pang harang sa init ng araw. Bago ako matulog ay nag text muna ako kay Ellie para tanungin kung nakapag handa na ba siya para bukas.

(Conversation)
Ako: nakapag handa kana ng dadalhin mo para bukas?
Ellie: ahh oo , pero hindi ko alam kung ilang damit dadalhin ko.
Ako: tatlong pares ng damit lang dinala ko
Ellie: Cge ganun nalang din sakin
Ako: cge kita nalang tayo bukas. Matutulog na ako Good night.
Ellie: same to you.

Bago ako humiga ay nag alarm muna ako para bukas, nag alarm ako ng saktong six ng umaga para mas maaga ako magising. Hihiga na sana ako ng may natanggap akong mensahe, akala ko ay si Ellie iyon ngunit nakita kong mula iyon kay Leon. Agad ko naman itong binasa.

Leon: reader kana bukas Baby?
Ako: oo bakit?
Leon: wala cge goodnight kita nalang tayo bukas
Ako: teka! Pupunta ka din ?

   Nagulat ako dahil mukang sasama din si Leon bukas. Batay sa huling text niya ay mukang may balak siyang sumama. Naghintay ako mula sa kanya ngunit wala akong mahintay
, siguro ay sinadya niyang hindi magreply sa akin para hindi ko makumpirmang sasama siga bukas.

  Medyo late na ako dahil sa kaka isip kung sasaba talaga si Leon bukas. May part sa akin na ayaw kong sumama siya bukas dahil baka mahalata kaming dalawa at magiging awkward ang set UP namin, at may part naman na nagsasabing gusto ko siyang sumama dahil nagiging masaya ako tuwing kasama ko siya at pinapakilig niya ako. Hay nako bahala na nga at tuluyan na akong nakatulog.

Author's Note 📝
   Please don't forget to vote and comment po.. salamat.. follow me po.:)

Mr. Transferee(boyslove/Yaoi)Where stories live. Discover now