Kabanata 47

92 3 0
                                    

     Adam's POV..
    
    Papunta ko ngayon sa auditorium dahil ngayon ang try out for the volleyball team kasama ko natin si Leon, alam niyo ba sobrang labo niya sinusundan niya alang ako buong maghapon ayaw niya ako iwan, kapag may klase ako at wala siyang klase ay tumatambay pang siya sa labas ng room namin, umuupo siya sa may corridors tapos hihintayin niya ako hanggang sa matapos ang klase namin. Panay naman ang asar sa akin ng mga klasmate ko, ewan ko kung magagalit ba ako o matutuwa. Kahit ayos na kami ay hindi parin kami masyadong naguusap , ewan ko kung ako lang ang nahihiyang makipag usap o pati siya. Nahihiya talaga akong kausapin siya dahil sa nagawa ko, hindi ko inalam kung ano ba talaga ang rason kung bakit siya naging cold sa akin, alam ko naman na kasalanan ko ehhh.

   Habang patuloy kami sa paglalakad ay tahimik lang siya sa tabi ko, tiningnan ko siya at sakto naman na nakatingin na siya sa akin kaya nagtama ang mga mata namin.

"Hmmm anong ginagawa mo"

"Huhhhh? Ehhh wala binabantayan lang kita"

"Talaga ba?"

"Oo. Tara na nga" nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko kaya ngayon ay magkahawak kamay na kaming naglalakad , tinginan lahat ng makakasalubong namin lalo na ang mga babae at gaya ng inaasahan ko ay may mga kinikilig habang nakikita kami at siyempre may mga masasama rin ang tingin sa amin. Ayoko naman pigilan siya dahil baka masaktan ko nanaman siya mahirap na baka mawala pa itong gwapong lalaking ito sa akin, ang sarap pa naman niya hahahahahaha..

   Pagdating namin sa auditorium ay wala pa naman masyadong tao mangilan ilan palang naman kaya umupo muna kami sa bleachers..

"Okay kalang?"

"Oo bakit...namiss lang kita"

"Hmmm talaga lang ha"

"Oo"

Ilang oras pa kaming nakaupo dito nang nagsidatingan yung mga mag tratryout. Nagsimula ang tryout nang dumating yung mga coach ng capua siguro itong mga ito. Gaya ng dati ay sa open spiker ulit ako nag tryout, bigla namang pumasok yung mga coach siguro namin dahil naka formal attire naman sila.

    Pumunta na kami sa gitna dahil tinawag na kami ng mga coach namin, iniwan ko na si Leon dun na magisa, napansin ko naman na agad lumapit yung mga babaeng nasa likod namin kanina kay Leon pagkaalis ko, hindi ko iyon pinansin at patuloy lang ako na pumunta sa gitna, halata naman na naiirita si Leon sa kanila kaya natatawa nalang ako. Habang naglalaro kami ay panay ang sulyap ko kay Leon ay siya naman ay patuloy lang sa pakikipagusap dun sa mga babae.

    Natapos ang try out namin at swerte naman ako dahil nakuha ukit ako sa posisyon na gusto ko, bigla naman ako nalungkot dahil naalala ko nanaman nang mag tryout ako last year sa previous School na pinasukan ko dahil kasama ko si Xyle, naisip ko kung naglalaro pa ba siya ng volleyball sa o hindi na pero sana oo kasi alam ko sobrang galing niyang maglaro, sa katotohanan nga ehh siya ang nagdala sa team namin last year kaya defending champion kami. Maiba tayo, tiningnan ko ang kinalalagyan ni Leon at still nandun parin yung mga babae, pansin ko naman na sobra nang naiirita si Leon dahil pinagpapawisan na siya. Nang makita niyang papalapit ako ay agad niyang tinanggal yung kami nung isang babae na nakakapit sa kanya, siguro ay iniisip niyang magagalit ako.

"Ahhhh kamusta? Nakuha?"

"Ahhh oo"

"Ahhh So Tara?"

"Ahhh ehhhh paano sila?" Sabay turo ko dun sa mga babae na nakapalibot sa kanya, actually tatlo sila dalawa sa both side niya tapos isa sa likod niya at lahat sila ay magaganda at matatangkad.

"Ahh ano nakikipag kilala lang sila" bigla naman nagsalita yung isang babae na nakakulay pink na damit kaya napunta sa kanya yung atensyon namin.

"Sino siya?" tanong niya kay Leon sabay turo sa akin, base sa pagsasalita niya ay mukang mataray yung babae kaya medyo kinabahan na ako.

"Ahhh bf ko"

"Huhhhhhh?" Halos sabay sabay pa silang nagsalita nang gulat na gulat kaya mas lalo pa akong kinabahan. Agad na silang nagsialisan at mukang sobra pa silang nadisappoint sa sinabi ni Leon. Habang papaalis yung mga babae ay rinig na rinig ko ang sinabi nila na nakapag pasakit sa akin..

"Ano bayan nakakainis Gay pala siya hindi manlang sinabi, I'm so disappointed"

"Wala naman kasi sa itsura niya girl na papatol siya sa lalaki"

"Hayy nako hayaan niyo marami pang iba diyan totoong lalaki pa"

"Hahahaha Hahahaha oo nga" tumingin ako kay Leon at pati siya malungkot ang itsura niya.

"Sorry"

"Huhhh bakit ka nagsosorry ehh wala kanamang kasalanan, ako nga dapat mag sorry ehh kasi nakipag usap ako dun sa mga babaeng yun"

"No... sorry kasi nahusgahan ka dahil sakin"

"Noooo Hmm Its okay, wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, ang importante sa akin ay ayos tayo" nagsimula nang tumulo ang aking mga luha kaya agad niya akong niyakap, sakto naman na papalapit yung mga kasama kong nag tryout kaya kinabahan ulit ako dahil baka husgahan din nila kami gaya nung mga babae kanina..

"Okay lang yan Pare, dont worry hindi ka namin huhusgahan dahil lang sa Gay ka o kung ano ka paman"

"Oo nga narinig namin yung mga sinabi nung mga babaeng yun kanina, wag niyo nalang silang pansinin, KSP lang yung mga yun"

"Thanks Bro Leon pala at ito bf ko si Adam"

"Ahhh hello din ako Ken"

"Ahhhh Adam kapag iniwan ka niya akin kanalang huhhhh?"

"Sorry Bro pero hindi na kami maghihiwalay, akin lang to" sabay akbay niya sa akin..

"Ano kaba Bro siyempre Joke lang hahahahahaha" panay tawanan lang sila habang naglalakad kami papuntang parking lot kaya na OP tuloy ako kasi sa kanila nakikipag usap si Leon.. nakipagkilala narin sa akin yung iba ko pang kasama sa team at mukang mababait naman sila kaya medyo gumaan ang feeling ko sa kanila, isa pa ehh okay lang sa kanila na Gay ako..

Author's Note...
Hmmm sorry po talaga sa mga typos. Alam ko po marami pero tinatamad na ako mag recheck kaya sana po intindihin niyo nalang hahahahah.. 3 chapter nalang po matatapos na to sana keep supporting kayo.. kamsammida...

Mr. Transferee(boyslove/Yaoi)Where stories live. Discover now