Kabanata #25

169 7 0
                                    

Adam's POV

   Nandito ako ngayon sa bahay nila Ellie, Sabado kasi ngayon at nagyaya siyang magluto dito sa bahay nila. Mabuti nadin ito para hindi nalang si Leon ang palagi kong nakikita nakakasawa narin ehhhh (siyempre Jose lang yun Hahahaha).

  Alas 10 na ng umaga at ang buong akala ko ay magluluto nalang gagawin namin pero sadyang malas talaga ang araw na ito dahil nagsasama pa si Ellie na mamili ng mga gagamitin naming magluto, wala nadin naman akong nagawa dahil paniguradong kahit tumanggi akong sumama sa kanya ay magpupumilit parin siya hanggang sa pumayag ako kaya sumama nalang ako imbes na makipagtalo pa sa kanya.

  Nandito kami ngayon sa isang malaking grocery Store malapit sa bahay nila 5 minutong lang ata kaming naglakad at nandito na kami. Namangha naman ako dahil halos lahat ng kailangan namin ay namin ay nandito na lahat. At gaya ng inaasahan ko ay ako nanaman ang pinag tulak niya ng kart. Habang nag iikot kami ay walang sawa si Ellie sa pagdampot ng kung ano mang gustuhin niya, hindi ko naman siya masisi dahil mayaman naman sila at mukang spoiled brat naman itong babaeng ito unti sana kung siya ang nagtutulak nitong kart para mafeel naman niya kung gaano na ito kabigat.

    Pagkatapos naming mamili ay siyempre umuwi na kami dahil alangan naman na tumira na kami doon diba? pero muntik na nga ehh dahil sa walang sawang pagdampot ni Ellie ng kung ano ano hahaha. Nagsimula na kaming magluto at gaya ng inaasahan ko ay naging palpak lahat ng ginawa namin, paano ba naman kasi pancake pa ang gusto niyang lutuin ehh hindi naman pala siya marunong magluto nun at ganun din ako. Naka ilang subok narin kami at wala parin kaming nagagawa ng maayos. Habang kasalukuyan kaming nagluluto ay nakatanggap ako ng message form Leon.
Babyko: Hmmm mag gagawin kaba mamaya?
Ako: wala naman bakit?
Babyko: pwede mo ba akong samahan mamaya sa practice namin? Please.
Ako:hmm okay, pero pwede ko bang isama si Ellie para may makausap ko habang nagprapractice kayo?
Babyko: okay no prob.
Ako: okay dito mo nalang kami sunduin sa bahay nila Ellie, nandito kasi ako ngayon nagluluto  kami.
Babyko:okay baby..

Pagkatapos naming magluto ay kumain na kami ng pancake, correction ng sunog na pancake Hahahaha. Saktong alas 3 na ng hapon nang matapos kaming kumain kaya nagbihis narin kami dahil ano mang oras muka ngayon ay susunduin na kami ni Leon dahil nagtext siya sa akin kanina na susunduin niya kami ng around 3. Ilang sandali pa ay nakarinig na kami ng busina sa labas ng bahay nila Ellie kaya lumabas na kami dahil paniguradong si Leon na yun. Gaya ng inaakala namin ay nasa labas na nga si Leon at nakasuot siya ng Jersey shorts at isang kulay black na damit, kahit simple lang suot niya ay halatang halata parin ang kanyang kakisigan.

    Pumasok na kami sa loob ng kanyang sasakayan at ako ang nasa harapan habang si Ellie ay nasa likod at busy sa pagkalikot sa kanyang cellphone.
"I Miss you" nagulat ako ng bigla nalang nagsalita si Leon sa tabi ko sabay hawak niya sa aking kamay. Hindi na ako nakasagot dahil sa kilig kaya nginitian ko nalang siya. Tumingin ako sa may likuran para tignan kung nakatingin si Ellie sa amin pero laking pasasalamat ko ng makita kong sa cellphone parin niya ang kaniyang atensyon habang pangiti ngiti pa siya at mukang kinikilig.
"Hmmm hindi kaba natatakot, isang kamay lang ginagamit mo sa pagdradrive ohhhh" pagsuway ko sa kanya, paano ba naman kasi ay hindi parin niya binibitawan ang kamay ko kahit na nagsimula na siyang mag Drive.
"Bakit naman ako matatakot ehhh kasama naman kita" sabay kindat niya sa akin kaya halos umakyat lahat ng dugo ko sa aking muka dahil sa kilig.
"Tumigil ka nga" sabay bawi ko sa aking kamay muka sa kanya. Tiningnan ko siya at nakangiti lang siya habang patuloy sa pagdrardive iniisip ko tuloy kung pinagtritripan ba niya ako o totoo yung mga sinasabi niya..

   Nakarating na kami dito sa School at papunta na kaming basketball court, habang naglalakad kami ay pinapauna ko si Leon maglakad dahil medyo nahihiya akong makita kami ng mga iilang studyante dito na magkasama kami ehh baka mahusgahan pa si Leon, okay lang sana kung ako lang ang huhusgahan nila dahil kaya kong tiisin ang mga panghuhusga ng ibang tao. Habang patuloy kami sa paglalakad ay may mga iilang studyante kaming makakasalubong at nadadaanan, hindi nakapagtataka kung bakit pati weekends ay may mga studyante dito sa campus dahil marami kaming sinasalihan na event gaya ng cheerdance competition at marami pang iba at hindi sapat ang School days namin para makapag practice kami.

   Nandito na kami ngayon sa basketball court at itong si Ellie ay walang tigil sa kaka tili kaya pati damit ko ay nakusot kusot na dahil sa kanyang paghila.
"Hoyyy ano bayan, tumigil ka nga" sabay tapik ko sa kanyang kamay na nakahawak sa damit ko.
"Allah ang kj mo naman hindi ba pwedeng kiligin? Tignan mo ohhh ang gwapo ng mga kasama ng asawa mo ihhhhhhhh"
"Hoyyy for your information hindi ko po asawa si Leon. Baliw"
"Anong sabi mo?" Akmang babatukan na ako ni Ellie nang biglang magsalita yung isa sa mga kateammate ni Leon.
"Heyy Bro, ohhh sino hang mga kasama mo" sabay fist bom niya kay Leon at pagkatapos ay tumingin sa amin.
"Ahhh eto si Liam boyfriend ko at ito si Ellie bestfriend niya" halos mamilog ang mata nung kasamahan ni Leon pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon sa kanya.
"Ahh oo naalala kita ikaw yung sa tree yung sa tree planting diba?" Bigla naman akong napaisip kung ano yung tinutukoy niya.
"Ahhh oo naaalala kita, ikaw yung tumulong sa akin para gamutin yung sugat ko diba? Wait ano ngabang pangalan mo? Hmmmmmm hmmm Mark right?" Kaya pala pamilyar siya sa akin kasi nagkita na kami before.
"Yes ako yun. Long time ni see Bro" sabay tapik yakap niya sa akin at tapik sa aking likod.
"Adam right?"
"Yes"
"Ahmmm ahmmmmmm" pag ubo naman ni Ellie sa aking likuran, mukang nagpaparamdam siya kaya ipinakilala ko nalang siya kay Mark.
"Ahhh oo nga pala I forgot this Ellie, kaibigan ko"
"Hmmm hi" kaplastikan talaga ng babaeng ito, kung lalaki na ang kausap ehhh parang maamong pusa na hindi marunong kumagat.😒😅
"Hmmm hello" at nakipaglamay at nakipaglamay siya kay Ellie at ang malanding babaeng ito naman ay halos matumba na sa kilig ehhh nakipag kamay lang naman yung tao kung umasta ehh parang nahalikan. Hayyyy.

   Nagulat na lang ako ng biglang naglakad si Leon sa gitna naming naguusap, hindi ko namalayan na katabi ko lang pala siya dahil sa pakikipagusap ko kay Mark.
"Ahh sige susundan ko lang si Leon"
"Hmm okay" tugon naman sa akin ni Mark. Sinubukan kong habulin si Leon pero hindi ko na siya naabutan dahil pumasok na siya sa isang pintuan siguro ay locker room nila yun. Bumalik ako sa kinalalagyan nila Ellie ng matamlay dahil mukang hindi maganda ang mood ngayon ni Leon siguro ay napag selos ko siya.
"Ohhhh bakit para kang nawalan ng asawa diyan?"
"Wala" walang gana kong sagot sa kanya.
"Hmmm okay" tumingin ako sa court kung saan naglalaro ang mga players ng basketball at nakita kong nandoon na si Mark at kumakaway siya sa amin kaya nginitian ko siya pabalik, ito namang si Ellie ay feeling close na close na sila dahil isinisigaw nito ang pangalan ni Mark.

   Nakita kong lumabas si Leon mula sa pintuang pinasukan niya kanina at nakita kong nakatingin siya ng masama kay Mark na kumakaway sa akin. Nung lumipat ang tingin niya sa akin ay nanghinayang ako dahil sa malungkot niyang ekspresyon habang nakatingin sa akin. Pinanood ko lang silang naglalaro at na kay Leon lang ang tingin ko. Napansin kong wala siyang ganang naglalaro dahil halos wala manlang siyang mashoot sa ring. Napapaisip tuloy ako kung mali ba ang pakikipag usap ko kay Mark? Hmmmm para sa akin ay kaibigan ko lang si Mark dahil muka naman siyang mabuting tao.

   Ganun lang ang naging laro niya walang gana hanggang natapos silang magpraktis. Nung nakita kong pupunta siya sa nag bleachers ay agad akong pumunta doon at inabutan siya ng towel at tubig.
"Uyyyyyyyyy. Sweeet naman" kansyaw ng mga kateammate niya sa amin matapos ko siyang bigyan ng towel at tubig. Kinuha naman niya yung inaabot ko pero pagkatapos ay umalis na siya at hindi manlang niya ako kinakausap.
"Ohhh mukang galit si kapitan" narinig kong sabi ng isa sa mga kasamahan niya.
"Ahhh sige mauuna na ako" pagpapaalam ko sa mga kasamahan ni Leon.
"Hmmm wait kung sakaling maghihiwalay kayo pwede akin kana lang? Ang cute mo." Sabi ng isang lalaki na medyo kasong tangkad ko lang pero mas malaki ang katawan niya at bakat pa ang abs niya dahil fit sa kanya yung suot niyang  jersey dahil sa pawis niya, pinisil niya ang pisngi ko.
"Hmmm sige I really need to go" sabi ko sa kanila ng nakangiti at tuloy an na akong umalis.

"Hahahahaha. Basted." Narinig kong asar ng mga kasamahan nung lalaki sa kanya pero hindi ko na sila pinansin dahil kailangan ko pang sundan si Leon.

Author's Note 📝 😇😘
   Hmmm sorry po Kung medyo natatagalan ako sa paguud Mara I po kasi akong ginagawa. Please don't forget to vote and comment po
...

Mr. Transferee(boyslove/Yaoi)Where stories live. Discover now