Kabanata Ten

287 13 0
                                    

   Nandito ako ngayon sa school at papunta akong auditorium, magtratry out kase ako for the volleyball team ng school namin, nalalapit narin narin kase ang interhigh competition, so nagbigay na ng anonsyo ang school na kailangan na nilang makabuo ng volleyball team for this year. Kaya sinamantala ko nang mag try out.

  Nakasuot ako ngayon ng medyo maikling shorts tapos ay Jersey na katerno din ng shorts ko. Naka kneepad din ako tapos ay Nike na sapatos na pang volleyball.

   Pagpasok ko sa auditorium ay nakita kong nag wawarm up na ang mga kasama kong magtratry out so nagmadali narin akong pumunta sa ground para sumabay sa kanila.
    Pagkatapos naming mag warm up ay tinawag na kami ng coach namin para pumunta sa bleacher. Agad naman kaming nagsipuntahan upang pakinggan ang kaniyang mga sasabihin.

  Hinati hati kami sa position kung saan kami magtrytry out. Agad naman akong nagtungo sa linya ng mga open spikers . Pagkakita ko sa mga kasama kong mga open spikers
ay kinabahan ako dahil muka talaga silang mga naglalaro ng volleyball at ang tatangkad pa nila. Matangkad din naman ako pero kinakabahan parin ako kase ako lang ata ang walang kakilala sa kanila dahil ako lang ang walang kausap.

   "Okay ka lang"
Nagulat ako ng biglang may nagsalita malapit sa akin . Pagkasulyap ko ay nagulat ako dahil nakita ko si Xyle na pawis na pawis (bakit ganon ang gwapo niya?) tanong ko mula sa aking isipan habang nakatingin ako sa kanya.
  "Ah oo okay lang ako" tugon ko naman sa kanya.
  "Anong position mo?"
"Open spiker malamang nasa linya ako ng open spiker ehh "
Pamimilosopo ko sa kanya.
"Ah okay" parang nahiya naman siya sa sinabi ko.
  "Ikaw, anong position mo?"
  "Open din, hindi ba obvious?" Ganti niya sa akin.
(Oh my shit oo nga noh bakit hindi ko naisip yun, ang bilis naman ng karma) sabi ko mula sa aking isipan habang nahihiya parin.
  Bigla naman akong kinabahan dahil napagtanto kong magiging magkalaban kami ni Xyle para sa position ng open spiker.
     Matangkad din si Xyle at mas lalong halata ang kanyang katangkaran dahil sa suot niyang maiksing short na above the knee. Kitang kita ang mapuputi niyang legs, straight ang kanyang buhok na parang kay Leon ang pinagkaiba lang nila ay brownish ang kay Xyle habang kay Leon ay Black, kung sa hight naman ay halos magkasing tangkad lang sila.

   Natapos ang try out namin at pagod na pagod kami, pare pareho kaming naghahabol ng hininga. Hinihintay nalang namin ang results ng pag tratry out namin. Kinakabahan parin ako parehong magagaling ang mga kasama ko.

   Biglang bumilis pa lalo ang tibok ng aking puso nang simulan nang sabihin ng head coach namin ang mga napili nilang players. Inuna niyang binanggit ang dalawang lebero tapos ay hinuli niya ang mga open spikers. Nauanang natawag ang pangalan ni Xyle, parang walang pakealam si Xyle na nakuha siya, para bang inaasahan na niyang mapipili siya kaya ang confident ng kanyang tintig. Sa pagkakaalam ko ay apat kaming makukuha sa open at si Xyle palang ang natatawag. Mas lalo pang bumilis ang pintig ng aking puso ng akmang magsasalita ulit ang coach namin.
  "Mr. Salvador come in front" sobrang saya ko naman nang natawag ang surname ko, at agad akong pumunta sa may harapan para samahan ang mga nakuha nang players. Nahagip naman ng aking paningin ang pagngiti ni Xyle na ipinagtaka ko. Hindi ko nalang iyon pinanasin at nagfocus nalang ako sa mga sinasabi ng coach namin.

   Bibigay na ng coach namin ang Susi ng locker namin agad agad, kailangan daw naming mag training ASAP dahil nalalapit na ang inter high competition. Napansin ko naman na magkatabi kami ng locker ni Xyle "you want to celebrate?" sabi niya habang naglalagay ng kanyang gamit sa kanyang locker!
"hmm for what?"
"Hmm for being part of the team"
"Ah okay"
 
   Nandito kami ngayon sa isang kainan malapit sa campus namin. Actually ang alam ko ay kami langdalawa ang magcecelebrate ni Xyle pero kasama pala ng buong team. Napag alaman kong si Xyle pala ang captain ball ng team last year dahil sa lakas ng sigawan nila habang kumakain kami, halos si Xyle lang ang tahimik sa kanila. Hindi naman ako nagulat kung bakit siya ang kapitan nila last year dahil base sa nakita kong laro niya kanina at attitude na ipinakita niya kanina ay bagay na bagay sa kanya ang maging captain ball.

   Tahimik lang ako habang sila ay nagsisisgawan, wala naman kase akong kakilala sa kanila kaya hindi ako umiimik. Sa tingin ko ay magkakateam na sila last year at ako lang talaga ang bago sa grupo.
   Habang kumakain ako ng tahimik ay biglang may umakbay sa akin na teammate namin na ikinagulat ko naman!
  "Hey bro anong pangalan mo?" Masiglang tanong niya sa akin.
  "Ah I'm Adam" tugon ko naman na nahihiya. Gwapo rin ang isang to pero pinaka nagwagwapohan parin ako kay Xyle sa kanila ng lahat.
  "I'm Josh, nice to meet you" sabay lahad ng kanyang kamay sa akin, kahit na nahihiya naman ako ay tinanggap ko ang kamay niya para makipagkamay.

"Hoyy Josh dumidiskarte kananaman jan, alam kong cute siya, pero mahiya kanaman" pang aasar nila kay Josh at sabay sabay na naghalakhakan.
"Loko,hindi no , nakikipag kilala lang, kanina ko pa Kase napapansin na tahimik siya kaya nilapitan ko na baka maboring ehhh" pagpapaliwanag naman ni Josh.
"Sus dami mong sinasabi"

"By the way this is Adam" pagpapakilala sa akin ni Josh sa aming mga ka teammates!
"Welcome to the family cute boy" sabay sabay nilang hiyaw sa akin. Nahiya naman ako at pakiramdam ko ay namumula na ako ngayon dahil nahiya ako sa tawag nila sa akin.
  Napansin kong sobrang kwela nilang magbabarkada, masya silang kasama hindi ka maboboring kapag sila kasama mo, si Xyle lang talaga ang tahimik sa kanila .
 
   Wala silang tigil sa pagkukulitan at pag-aasaran pati ako ay nakisali na sa kanilang asaran dahil hindi naman ako masyadong nahirapan sa pakikisama sa kanila, si Xyle naman ay pangiti ngiti lang habang pinapanood niya kaming nagkukulitan.

Author's Note 📝:
   Share niyo po Kung anong ene expect niyo sa story ko, baka po May magustuhan akong expectation niyo at yun ang ilagay ko sa story ko.. heheheh.

Mr. Transferee(boyslove/Yaoi)Where stories live. Discover now