Kabanata Twenty

155 11 2
                                    

Adam's POV😥

Pagakatapos ng gabing iyon ay biglang nagbago si Leon, naging malamig na ang pakikitungo niya sakin, sa siko malamang dahilan ay punong puno ng pagtataka ang aking isip kung bakit bigla nalang siyang nagbago, madalang nalang kung kausapin niya ako at tsaka nalang kami naguusap kung ako ang magsisimula ng topic, madalas natin ang hindi niya pagsundo at paghatid sa akin . Labas akong naninibago, ilang linggo na din siyang ganun, naisip ko tuloy na hindi kami bagay sa isa't isa dahil kung kelan ko siya sinagot ay tsaka naman kami pinaglalayo ng tadhana.

Nandito kami ngayon sa classroom at kasalukuyan akong gumagawa ng aking doodle art isa ito sa mga kinahihiligan kong ginagawa tuwing nalulungkot ako o di kaya ay wala akong ginagawa. Napatingin ako sa bandang upuan at nakita kong bakante ang upuan ni Leon doon at oo hindi na kami magkatabi ni Leon ngayon dahil nakipag palit ukit siya ng upuan nang tinanong ko siya kung bakit ay dahil daw sa na iinitan siya kaya siya nakipagpalit. Alam ko sa aking sarili na hindi kapani paniwala ang rason niyang iyon dahil obvious naman na hindi mainit sa kahit saang banda dito sa aming classroom dahil naka aircon kami.

Habang patuloy ako sa pagdradrawing ay naagaw ng atensyon ko ng mga babaeng pumasok sa aming classroom dahil sa kanilang pinag uusapan. Narinig kong binanggit ng isang babae ang pangalan ni Leon kaya nagka interes akong makinig sa kanila.
G-1= Guys hindi ba't si Leon yun? Bakit may kasama siyang babae? Hindi ba't sila pa ni Adam? walang parehong pagtatanong ng isang babae sa kaniyang mga kasama. Pakiramdam ko ay tutulo na ang aking mga luha pero pinilit ko itong pigilan dahil ayokong paniwalaan ang aking mga narinig.
G-2= hoyyy ano kaba wagka ngang maingay diyan baka marinig kapa ni Adam. sabi naman ng isang babae sa mahinang boses. Kahit pabulong ang kanyang pagkakasapi ay narinig ko parin ito dahil medyo malapit lang sila sa puwesto ko.

"Hoyy okay kalang" tanong ni Ellie sa medyo malungkot na aura sabay haplos sa aking likod. Ngayon ko lang siya nakitang nag seryoso ng ganito madalas kasi ay ginagawa lang niyang biro nag lahat siguro ay dahil napapansin din niya nag pagbabago ng pakikitungo sa akin ni Leon. Imbes na sagutin ko ang kanyang tanong ay binigyan ko nalang siya ng isang pilit na ngiti.
"Tara mall tayo?"
"Hmmm SORRY hindi ako pwede may practice kami ng volleyball. Pagtanggi ko sa kanya.
"Ediiiiii pagkatapos ng practice nito. Anong oras ba kayo matatapos?
"Hmmm mga 5 siguro"
"Hmmmm okay lang hihintaying nalang kita, manonood nalang ako ng practice niyo, may crush din naman ako doon ehhh. Hehehe" pagpapatawa niya .
"Okay bahala ka" sabi ko naman, gusto ko rin namang malibang para makalimutan ko kahit sandali lang ang kalungkutang aking pinagdadaanan.

Pagkatapos ng huling klase namin sa hapon ay agad na kaming nagtungo sa Auditorium. Nakasunod lang sa akin si Ellie at pinipilit niya akong pasiyahin sa pamamagitan ng pagpapatawa niya sa akin pero hindi ko talaga kayang maging masaya dahil sa iniisip ko kung bakit napalalo na sa akin si Leon.

Nanadito na ako ngayon sa locker room ay siyempre kahit magpumilit si Ellie na sumama dito dahil baka makita daw niya yung crush niyang nagbibihis ay hindi ko siya pinayagan dahil bawal pumasok dito ang mga babae. Habang nagbibihis ako ay biglang nag flashback sa akin ang mga narinig ko mula sa mga babaeng kaklase namin kanina tungkol kay Leon. Nagsawa na kaya siya sa kain kaya niya ako iniiwan, kaya siya naghanap ng iba, o di kaya ay napagtanto niyang hindi kami bagay dahil pareho kaming lalaki? Maraming katanungan ang bumabagabag sa akin na walang ibang makakasagot kundi si Leon lamang dahil ayokong maniwala sa mga naririnig ko hangga't hindi ako mismo ang nakakasaksi o makakaalam ng katotohanan. Naramdaman ko ang ang pag agus ang aking maga luma sa aking mga pisngi mabuti nalang at wala nang tao dito ngayon walang makakakita ng umiiyak ako kaya hinayaan ko nalang na umagos ang aking maga luha.

Habang nagprapractice kami ay napansin ko ang panay na pag sulyap sa akin ni Xyle siguro ay tulad ni Ellie napapansin rin niya ang kalungkutang aking pinagdadaanan. Maging sa kalagitnaan ng aming practice ay hindi ko maiwasang isipin si Leon, sadyang malaki ang epekto niya sa akin at ang mga narinig ko kanina. Sa oras na malaman ko ang katotohanan ay handa akong palayain siya kahit na masakit sa aking parte kung yun naman ang nagpapasaya sa kanya.

Pagkatapos ng aming practice ay agad akong nilapitan ni Xyle .
"Are you okay?" tanong niya sa akin na may halong pag aalala.
"Ahh oo okay lang ako. Bakit?"
"Ahh napansin ko kaseng wala ka sa mood magpraktis"
"Ahh ganun ba.. hm okay lang talaga ako masama lang pakiramdam ko" habang masa kalagitnaan kami ng pag uusap ni Leon ay biglang lumapit sa amin si Ellie
"Oh ano Tara na? Ah hi Xyle" pagbati niya kay Xyle.
"Ah hi. Saan kayo pupunta?"
"Ahh pupunta kami ng mall. Gusto mong sumama?"
"Okay lang ba?" Nabigla ako sa kanyang sinabi akala ko ay tatanggi siya dahil hindi naman siya yung tipo ng taong pala gala sa pagkakaalam ko.
"Siyempre oks na oks. Dina Adam?"
"Ahh oo naman okay lang" nahihiya kong sagot
"Then let's Go" sabay Albay niya sa aming dalawa

Nandito kami ngayon sa loob ng sasakyan ni Xyle, naalala ko tuloy noong ihahatid sana ako ni Xyle pauwi dahil nabalian ako pero pinigilan siya ni Leon. Habang nag iisip ako ay naamoy ko naman ang nakakaadik na pabango ni Xyle, ako kasi ang nasa harapan habang si Ellie ay nasa likod kinakalikot niya ang kanyang cellphone. Nakapikit ako at eneenjoy ko ang pag amoy sa pabango ni Xyle at nagulat nalang ako nang may binulong siya sa akin.
"Bango ko noh?" Naramdaman ko ang pag init ng aking mga pisngi dahil sa kanyang sinabi. Pag mulat ko ng aking mga mata ay tumambad sa akin ang nakangising muka niya, buti nalang at busy si Ellie sa pagkalikot sa kanyang cellphone at hindi niya napansin ang pagkairita ko kay Xyle, sigurado kasi akong bibigyan nanaman niya ng malisya simpleng pagkairita ko kay Xyle.
"Ahh ehh oo" at dumungaw na ako sa bintana para hindi niya mapansin ang aking pamumula.

Pagpasok namin sa mall ay agad kaming nagtungo sa Jollibee para kumain dahil medyo gutom natin kami kaya nag pagkasunduan naming kumain muna bago mamasyal. Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang tumingin sa basang buhok ni Xyle na mas lalong nagpapagawapo sa kanya.
"Hoyyy kumain kana hindi ka mabubusog sa pagtitig kay Xyle" bulong sa akin ni Ellie na may halong pang aasar.
"Ano kaba kung ano ano sinasabi mo diyan baka marinig ka pa niya nakakahiya" sabay irap ko sa kanya.

Natapos na kaming kumain at nandito kami ngayon nakapila para kumuha ng ticket para sa papanoorin naming Movie. Habang hinintay naming umusad ang napaka habang pila ay naaninag ng aking mga mata ang isang pamilyar na muka, sinigurado kong hindi ako namamalikmata lang kaya kinusot kusot ko muna ang aking mga mata ngunit kahit anong gawin kong pagkusot ay siya parin ang aking nakikita si Leon na may kasamang babae. Nakapila din sila pero para sa ibang movie sila nakapila, magkahawak kamay sila habang nakapila at ang saya saya nilang tignan. Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang aking mga luha at nakatingin natin sa akin ang ibang tao pero hindi ko na iyon pinansin pati sina Ellie at Xyle ay nakatingin na sa akin. Naramdaman ko ang paghaplos ni Ellie sa aking likod sa pantahanan ako pero sadyang masakit kang talaga ang makitang pinagtataksilan ka ng taong pinag alayan mo ng iyong pagmamahal at ang masaklap ay siya pa ang una kong pag ibig.
"Gusto ko nang umuwi" sabi ko sa medyo mahinang boses at tumakbo na ako palayo doon dahil hindi ko na kayang makitang may kasama siyang iba. Na bitiwan ko ang yakap yakap kong mga pagkain sana namin sa panonood ng movie na hindi na matutuloy. Napatingin sa akin ang ibang tao doon dahil sa pagkakahulog ng aking mga dala dala, ewan ko lang kong pati si Leon ay nakita din niya ako sana lang ay hindi dahil ayokong makita niya akong nasasaktan dahil sa kanya basta ang alam ko ay desidido na akong palayain siya para sa kanyang kaligayahan.

Author's Note 📝
Oh my goshhhh.. hintayin niyo nalang po ang side ni Leon Malay niyo May reason siya diba? Hahahha
Don't forget to vote and comment po.😇😇😇😇😥

Mr. Transferee(boyslove/Yaoi)Where stories live. Discover now