Kabanata Eighteen

173 7 0
                                    

   !Adam's POV!😇

"Okay students this is the last day of the "Tree planting Program" inaasahan kong magiging masaya  ang araw na ito para sa ating lahat, we will going home at exactly 4 at the afternoon, so let's go and enjoy our last daaaaay".

   Nagsimula na ang huling araw namin dito, naghalong lungkot at saya ang aking nararamdaman ngayon, dahil mamimiss ko ang mga magandang tanawin ang masasarap na pagkain at at lalong lalo na ang mga mababait na tao dito.:(

   Nagsimula na kaming magtanim, puro asaran, kulitan, at tawanan ang aming ginagawa habang kami ay nagtatanim. Kasama namin ang iba sa mga taga dito sa pagtatanim, natural na masiyahin sila dahil kahit bakas ang kahirapan sa kanilang mga muka at sa klase ng kanilang pamumuhay ay hindi nila ito ipinapakita sa kanilang mga aksyon.

   Hindi ko namalayan na may pumatak na palang mga luha mula sa aking mga mata kaya agad ko itong pinunasan gamit ang aking mga kamay.
"Oh bakit ka umiiyak" tanong ni Leon sa akin sabay hawak niya sa aking pisngi.
"Ahh wala nalulungkot lang ako dahil hindi lubos maisip na iiwan na natin ang lugar at ang mga tao dito, mamimiss ko sila" at patuloy parin ang pag agos ng aking mga luha.
"Its okay Baby promise bibisita tayo dito kapag may time, pleas wag kanang umiyak nalulungkot ako" at niyakap ako ni Leon.
"Promise?"
"Oo promise" at pinunasan niya ulit ang mga luha ko.

  
   Nagpatuloy na kami sa pagtatanim, kahit masakit na sa balat ang sikat ng araw ay walang nagtangkang magreklamo sa amin siguro ay Pare pareho kaming gustong sulitin ang huling araw namin dito.
  Alas 10 na ng gabi ngunit patuloy parin kami sa pagtatanim.
"Okay kalang, ito gamitin mo muna ito, sabay bigay ni Leon sa akin ng kanyang towel" napansin niya siguro na panay ang paghawi ko sa aking pawis.
"Ahh hindi na okay lang ako"
"Okay"

  Saktong 11:30 na nang pinasilong kami ng aming mga teacher, sakto naman na naka handa na ang hapunan naming lahat. Mapapansin mo sa hapag kainan na pinaghandaang nilang mabuti ang hapunan na ito, siguro ay dahil ito na ang huling kainan na magkakasamasama kaming kumain. Nalungkot naman ako kapag naiisip ko iyon.

   Pagkatapos naming maghapunan ay nagkayayaan nanaman kaming maligo sa ilog, lahat naman ay gustong pumunta kaya sobrang dami namin ngayon dito sa ilog, kasama rin namin ang mga kabataang taga dito. Masaya talaga silang kasama hindi mo maiisip na mahirap sila dahil sa sayang kanilang naibabahagi sa amin.

"Mga ate at kuya Tara may ipapakita kami sa inyo" sabi ng mga kasama naming bata. Agad naman namin silang sinundan, medyo matagal ang aming lakaran. Napansin kong nandito na kami sa medyo maraming malalaking bato at may batis din akong nakikita.
"Mga ate, kuya handa na ba kayo?"
"Hmmm ooooo" sigaw naming lahat. Hinawi nila ang isang malaking sanga at pumasok na sila at pumasok sila doon, sumunod naman kami. ^o^ "wohhhh, wowwwww ang ganda" ganyan lahat ang reaksyon namin pagkatapos nilang ipakita sa amin ang isang napakataas na talon, siguro ay dito nagmumula ang tubig sa ilog na aming pinagliliguan kanina.. sobrang ganda niya, kinuha ko agad ang cellphone ko at kinunan ko maraming litrato gano'n din ang ginawa ng iba pa naming mga kasama.
  Nagsitakbuhan na kami papunta sa ilog, nang akmang tatalon tatakbo na ako ay hinawakan nanaman ni Leon ang braso ko.
"Ingat"
"Oo na wag kang OA" at hinila ko na siya papunta doon. Sobrang lamig ng tubig pero hindi ko na ito ininda basta makam ligo ako. Nakita kong isa isang silang umaakyat sa pinagmumulan ng tubig. Nakita kong tumalon ang mga batang kasama namin mula sa napakataas na talon. Namangha ako dahil sa kanilang pagtalon, wala manlang silang pag aalinlangang tumalon doon, nakita ko rin na tumalon doon ang iba sa aming mga kasama karamihan sa kanila ay mga lalaki.
"Tara?" Sabay hawak ni Leon sa aking kamay
"Huhhhh ayoko hindi naman akong marunong, tsaka natatakot ako, ikaw nalang" at binawi ko na ang kamay ko mula sa kanya.
"Sige please, promise hindi kita bibitiwan" pagpupumilit niya sa akin
"Ayoko nga ang kulit mo" medyo asar kong sabi sa kanya.
  Nakita kong lumungkot ang kanyang ekspresyon, at akmang aalis na siya pero hinawakan ko na ang kanyang kamay.
"Teka lang, sige sasama na ako, basta wag mo aking bibitiwan hah?"
"Hmmm sige promise". Inalalayan niya ako paakyat, pagdating namin sa taas ay nanginginig naman ako sa takot, ni hindi ko magawang tumingin sa ibaba dahil sa sobrang taas niya. Naramdaman naman ata ni Leon ang pangingiming ko kaya mas hinigitan pa niya ang pagkakahawak sa aking kamay.
  
   Wag kang mag alala hindi kita bibitiwan. "Ready?"
"Hmmm okay" tumingin ako sa paligid namin at nakita kong nakatingin ang iba sa aming mga kasama sa amin.
"Go Adam kaya mo yan" sigaw ni Ellie sa aking tabi. Nginitian ko nalang siya at tumingin na ako kay Leon.
"Tara"
"Okay" at niyakap na niya ako. Naramdaman kong magpapatihulog na kami kaya mas pinikit ko pa ang aking mga mata at hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko kay Leon.
"Ohhhhhhhhhh, Open your eyes Baby" sigaw ni Leon p, narinig ko din ang tilian ng aming mga kasama, binuksan ko ang aking mga mata at nagtama ang aming mga mata. Nawala ang aking kaba dahil sa ngiti ni Leon.
    Bumagsak kami sa tubig at muka sa ilalim ay nagkatitigan kaming dalawa, nagkatitigan kami doon, sobrang lamig ng tubig pero ramdam ko parin ang init ng kanyang pagmamahal para sa akin. Unti unti niyang inilapit ang kanyang muka sa akin hanggang sa maglapat ang aming mga labi.
  Umahon kami na naghahabol ng hininga, niyakap niya ko at binigyan niya ako ng halik sa noo.
"I Love you Baby"
"I Love you too"
    Umahon na kami mula sa tubig habang ang iba ay wala parang sawa sa pagligo, nanginginig ako ako dahil sa sobrang lamig. Naramdaman kong inilagay ni Leon ang kayang tuwalya sa aking balikat at tsaka niya ako niyakap at mula sa gilid at pinatong niya ang aking ulo sa kanyang balikat.
   Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bato upang tignan ang oras, pagka tingin ko dito ay nakaramdam agad ako ng lungkot saktong 2:00 na at dalawang oras nalang ay lilisanin na namin ang lugar at mga tao dito.

Author's Note 📝
   Hmmm sana po share niyo po itong story ko sa mga kakilala niyo.. salamat po.
"Don't forget to vote and comment po"😇😇😇😘

Mr. Transferee(boyslove/Yaoi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon