Kabanata #15

222 11 1
                                    

   Unang araw para sa tree planting na isa Sahara namin. Tinawag na kami para kumain ng almusal, nakasuot na kaming lahat ng angkop na kasuotan para sa tree planting. Pagkatapos naming kumain ay nagsipuntahan na kami sa arena na kung saan kami inilagay ng aming teacher, nakahanda na din ang mga itatanim naming seedlings. May kanya kanya kaming gagawin yung iba ay taga linis, yung iba ay tagahukay at siyempre ay may taga tanim. Isa ako sa mga nagtatanim kasama ko ang isa kong ka grupong lalaki, na hati hati kasi kami into five at sa kasamaang palad ay hindi kami magkagrupo ni Leon nasa ibang arena din sila nagtatanim.


"Araaay" sigaw ko dahil nagkaroon ng sugat yung kamay ko siguro ay may nahawakan akong matulis na bagay kaya ako nasugatan.
"Okay kalang" tanong ng kasama kong lalaki sabay hawak niya sa kamay kong may sugat.
"Oo okay lang ako hindi naman masyadong malaki eh" tugon ko naman sa kanya, kahit na ang totoo ay nakakaramdam na ako ng hapdi dahil sa napapasukan ito ng lupa .
"Hintayin mo ako dito kukunin ko lang yung first aid kit"
"Ahh wag na" ngunit huli na ako dahil dahil tumakbo na siya palayo.
  Nagpatuloy ako sa pagtatanim kahit na kahit na mahapdi ang aking kamay dahil sa nalalagyan ito ng lupa.

"Akin na yung kamay mo" sabi sa akin nung lalaking kasama ko, nilinisan niya ang sugat ko ng alcohol.  "Ouch" sabi ko sa mahinang boses.
"Ahh SORRY" hindi okay lang sabay ngiti ko sa kanya para hindi niya mahalagang nasasaktan ako. Pagkatapos niya itong linisan ay nilagyan na niya ito ng band aid. "Salamat" nginitian niya lang ako at limitation ang kanyang mga dimples. "Mark nga pala" sabay lahad niya sa amin ng kanyang kamay, in about ko naman ito! "Adam"
"Ohh nice name"
"Thanks"

   Alas 10 na ng umaga at medyo masakit na sa balat ang sikat ng araw kaya tinawag na kami ng aming mga guro para sumilong.

   Nandito kami ngayon sa isang malaking puno, namangha ako sa sobrang laki ng punong aming sinisilungan, sa sobrang laki niya ay kaya niya kaming lahat proteksyonan mula sa sikat ng araw. Nakaupo ako ngayon sa ugat ng malaking puno. "Napano ka?" Sabay hawak ni Leon sa sa kamay kong may band aid.
"Ahhh wala ito nasugatan lang ako kanina habang magtatanim kami, pero okay na ako ngayon" sabi ko sa kanya.
"Bakit kasi hindi ka nag iingat medyo inis niyang pangsesermon niya sa akin sabay haplos niya sa kamay kong may sugat.
"Wagkanang magalit okay na ako, tinulungan naman ako ng kasama ko kanina para magamot itong sugat ko eh" sabay turo kay Mark na kasalukuyang nagpupunta ng kanyang pawis. Napansin kong may binubulong si Leon habang nakayuko at hawak niya ang aking kamay na may sugat.

(Leon's POV)*

    Nakakainis talaga bakit sa dinami dami niya ay si Mark pa. Yan ang nasa isip ko habang hawak hawak ko parin ang kamay ni Adam. Aminado akong gwapo rin si Mark pero siyempre mas gwapo ako Hahahaha. Naiinis talaga ako kapag may lumalapit kay Adam na iba lalo na kapag may itsura din katulad ko, baka kasi maakit si Adam sa kanila at iwan na naman niya ako, wala pa naman ako para bakuran siya. Nakakabanas talaga.

   Nakaupo kami ngayon dito sa malaking puno at sa harap naman ay ang ilog na kinatatakutan ng mahal ko. Habang tumatagal na magkasama kami ay mas minamahal ko pa siya. Ayokong may lumalapit o Amy kausap siyang iba dahil natatakot akong maulit ang nakaraan at iwan din niya ako kagaya ng ginawa sa akin ng una kong kasintahan.
    Bigla akong natahimik at nakaramdam ng lungkot dahil naalala ko nanaman ang masakit na karanasan ko sa una kong pag ibig.

*FLASHBACK*

   Nandito kami ngayon ni Colleen sa rooftop ng aming skwelahan, may text siya sa akin na magkikita kami dito dahil may importante siyang sasabihin sa akin.

"Leon lets break up" pagka rinig ko ng mga katagang yan mula sa kanya ay para akong na tigilan ng hininga.
"Huh bakit may nagawa ba akong masama?" Kinakabahan na ako at naiiyak, ayaw ko siyang mawala sa akin dahil ayoko nang nawalay sa taong gusto ko.
"Pupunta na kami ng US at doon na ako mag-aaral,
may sakit si daddy at walang mag aalaga sa kanya doon kaya kailangan naming pumunta doon para maalagaan namin siya" pagpapaliwanag sa akin. "Gaano katagal bakit kailangan nating maghiwalay?" Umiiyak na ako ngayon at hawak hawak ko ang kanyang mga kamay, nakita korin na umiiyak na siya.
"Baby lease wag mo akong iwan" pagmamakaawa ko sa kanya.
"SORRY pero ayoko na talaga, hindi ko kaya ang long distances relationship" at hinila na niya ang kanyang kamay mula sa mahigpit kong pagkakahawak dito at iniwan na niya akong umiiyak.
                *END OF FLASHBACK*
 
   After that ay wala na akong nabalitaan mula kay Colleen, ang huling naging balita  ko nalang sa kanya ay ang pag alis nila papuntang US. Labas akong nalungkot dahil sa pakikipaghiwalay niya sa akin, Grade 10 lang kami noon pero alam ko sa sarili ko na totoong pagmamahal ang naramdaman ko sa kanya. Sinikap kong kalimutan siya at nagtagumpay naman ako dahil unti unti ko na siyang nakakalimutan lalo na at nandito na ta nagbalik na nag first Love ko si Adam.

"Are you okay" narinig ko ang magandang boses ni Adam kaya natigil ako sa pag iisip.
"Ahh oo okay lang ako" at tsaka ko siya niyakap mula sa gilid at inilagay ko ang ulo ko sa kanyang bakikat, hinihintay kong magreklamo siya pero hinayaan lang niya akong gawin yun.
"Pleas promise mo sa akin na hindi mo na ako iiwan"
"Huh bakit mo naman naisip na iiwan kita?"
"Baka klase iwan mo nanaman ako tulad ng ginawa mo dati" sabi ko sa kanya na ikinagulat naman niya.
"Huh aning ibig mong sabihin" bakas sa kanyang muka na hindi talaga niya ako naaalala, hindi ko naman siya masisi dahil mga bata pa kami noon.
"Hindi mo parin ba naaalala?, ako yung laging nambubully sayo noong Grade 2 tayo, alam mo ba kung bakit kita inaasar palagi noon, yun ay dahil ayokong may lumalapit sa iyong iba o may kausap kang iba liban sa akin, gusto ko akin kalang.
   Nagulat ako nang nakita kong may luhang lumabas sa kanyang mga mata at tsaka niya ako niyakap. "I Miss you" sabi niya habang patuloy parin ang agos ng kanyang luha, naramdaman kong abs na ang balikat ko ng kanyang luha ngunit hinayaan ko lang siyang umiyak doon. "Na Miss kita, na Miss ko ang pambubully mo sa akin" natatawang niyang sabi sa akin. Narinig ko ang pagpiyok ng kanyang boses habang siya ay nagsasalita, mahigpit nag pagkakayakap niya sa akin at halos hindi na ako makahinga.
"SORRY kung iniwan kita noon, pangako hindi na kita iiwan ulit" humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at hinalikan niya ako, nakita kong pulang pula na ang matataba niyang pisngi na mas lalong nagpapacute sa kanya.
"Sinasagot mo na ba ako?" Tanong ko sa kanya, na tigilan naman siya dahil sa tanong ko, seryoso niya akong tinitigan.
"Oo sinasagot nakita"
"Yeees"napasigaw ako dahil sa kasiyahan
"Hoy wag kang sumigaw" pagpapatahimik sa akin ng mahal ko. Mabuti nalang kakaunti nalang ang taong nakasilong dito sa malaking puno at medyo malayo sila sa amin at may iba silang pinagkakaabalahan, yung iba ay naglalaro ng tubig sa may ilog at yung iba naman ay nagkwekwentuhan. Tiningnan ko ang kinaroroonan nila Ellie at iba naming kaklase ay nakangiti sila sa amin at mukang kinikilig. Pagka tingin ko sa kanya ay mukang nahihiya siya dahil nakatingin sa amin ang aming mga kaklase.
"Wag ka nang mahiya" at itinaas ko ang kanyang ulo para matingnan ko ang kanyang magagandang mata. Hinalikan ko siya na kanyang namang ikinagulat, narinig kong Naguilian sina Ellie kaya bumitaw na ako sa pagkakabalik kay Adam at tsaka ko siya niyakap.

Author's Note 📝
  Maganda po ba yung place hahahha.. ilalaim ng malaking puno...
  Don't forget to vote and comment po..🤗🤗🤗🌲😘🤣

Mr. Transferee(boyslove/Yaoi)Where stories live. Discover now