Kabanata Fourty

88 6 0
                                    

       
*Adams POV*
      
        Hmmm August na at ilang araw nalang ay pasukan nanaman , ewan ko kung maeexcite ba ako o ano kase hindi naman ako sanay na makihalubilo sa Ibanag tao, ganitong ganito rin ang naramdaman ko nang nagtransfer ako dito sa Baguio kinakabahan din ako at nahihiyang pumasok dahil alam kong hindi na yung mga nakasanayan kong kaklase ang mga makakasama ko.. hayyy bahala na....

   Dahil pasukan na sa Lunes ay napagpasyahan kong yayain si Ellie bumili ng mga gamit namin dahil hindi pa kami nakakabili kahit na panay ang gala namin... nandito kami ngayon sa National Bookstore sa SM Baguio Ohh diba ang sosyal, kasalukuyan kaming naglilibot libot ni Ellie dito sa loob hanggang sa hindi ko na namalayan na nagkahiwalay na pala kami ng pinuntahan hindi pala kami nagkahiwalay sinadya ko talagang humiwalay sa kanya, ehh paano ba naman kase panay nag tanong niya sa akin kung ano ba daw ang mas maganda ito ba o ito, pati nga ballpens niya ehh sa akin niya tinatanong nakakarindi siya kasama tanong ng tanong kaya ayun iniwan ko nalang, bahala siya dun hindi naman siguro siya mawawala... nandito ako ngayon sa part ng mga books at nag tingin tingin ako sa mga wattpad stories baka sakaling may makita kong story na Seducing Drake Palma hehehehe, oo nagulat siguro kayo pero isa ito sa mga stress reliever ko ang magbasa ng mga wattpad stories... napansin ko naman na iisa nalang yung available na libro kaya nagpapasalamat naman ako dahil may natira pa sakin, akmang  dadamputin ko na yung libro pero may nakauna sa akin kaya nagulat ako "hoyyy akin yan ano ba" "Huhh paano naging sayo ehh ako nga ang nakauna ohhh" sabay pakita niya sa akin nung libro "naunahan mo lang ako kunin yan pero ako ang unang nakakita" "ohhh yun naman pala ehh, next time kase wagkang pagbagal bagal kung ayaw mong maunahan" "ehhhhhhh" " teka teka kilala kita haaa diba ikaw yung nasa SM dati"napaisip naman ako kung anong tinutukoy niya at napansin ko naman na pamilyar siya sa akin, ilang sandali pa akong napaisip hanggang sa maalala ko na kung saan ko siya nakita "ahhhh ooo ikaw yung bf nung natapunan ko ng drink sa SM, ohhh nasaan pala yung GF mo bakit hindi mo kasama?" "Hmmmmm break na kami" "huhhh bakii...." "Ahh basta diyan kana nga" hindi kona nagawang maagaw sa kanya yung libro dahil umalis na siya, sa dinami daming pwede kong makaagaw sa libro ehh siya pa na muka namang hindi nagbabasa ng ganung klaseng libro, naisip ko tuloy na baka inutusan lang siya ng bago niyang GF para bilhin yun, oo baka nga ganun.... "hoyyy saan kaba nagpupupunta kanina pa kita hinahanap" "hmmmm basta. Ohhh ano nakuha mo naba lahat ng kailangan mo?" "Oo bakit?" "Ehh ano pa tara magbabayad na tayo" "hmmm okay ang sungit mo naman, meron kaba?" imbes na sagutin ko siya ay inirapan ko nalang siya at dumiretso na ako sa counter..

   Pagkauwi namin ay wala akong ginawa kundi ang mag kulong sa kwarto ko pinipilit ako ni mommy na manood ng movie sa SM pero tumanggi ako dahil wala talaga ako sa mood mamasyal, iniisip ko kase pasukan na sa Lunes kaya kinakabahan ako lalo na ngayon at magkaiba kami ng course na kinuha ni Ellie kaya malamang magkaiba rin ang mga klase namin sana lang maging maayos ang first day ko sa UB. Habang nag iisip ako ay sumagi naman sa aking isipan si Leon, ewan ko ba pero nang makita ko yung bigay niyang stufftoy ay bigla ko nalang siyang naisip, saan kaya siya mag-aaral?, sana sa same School kami, hayyyy namimiss ko narin siya, oo alam ko naman na kasalanan ko talaga kung bakit kami nagkahiwalay noon hanggang ngayon nga ehh hindi ko parin matanggal sa aking isipan nag katotohanang mahal ko parin siya, nung umalis ako papuntang US ay labis akong nalungkot dahil alam kong maiiwan ko siya dito  sa Pilipinas, ginawa kong umalis dahil pakiramdam ko noon ehh sa tuwing magkikita kami ay mandidiri siya sa akin, ramdam ko rin ang galit sa kanyang mga mata sa tuwing magkakasalubong kami noon kaya nagdesisyon na akong tanggapin ang offer nila tita noon na mag-aral ako sa US para hindi na niya ako makita at hindi ko narin maramdaman ang sakit na naidudulot namin sa isa't isa. bago ako umalis noon ay kinausap ko rin si Xyle at sinabi ko sa kanyang wala siyang kasalanan dahil alam ko naman na hindi niya ginustong magkagusto sa akin, kasalanan ko dahil hindi ko inamin nung una palang ang mga nangyari sa amin kay Leon... umalis ako noon nang punong puno nag hinanakit ang aking puso, labis kong sinisi ang aking sarili kung bakit kami nagkahiwalay ni Leon hanggang ngayon naman ehh nagsisi parin ako, hindi ko manlang magawang masabi sa kanya na mahal ko parin siya dahil natatakot akong baka isumbat niya sa akin ang mga nagawa ko sa kanya noon... iniisip ko nalang na baka napatawad na niya ako dahil noong nasa US pa ako ay nababalitaan ko palagi kay mommy at Ellie na palaging pumupunta si Leon dito sa bahay namin at tinatanong daw niya ako palagi, nababalitaan ko nga na natutulog din daw si Leon dito sa bahay kapag hindi na makapunta si tita at walang kasama si mommy....

Mr. Transferee(boyslove/Yaoi)Onde histórias criam vida. Descubra agora