CHAPTER 16: Weird Feelings

Beginne am Anfang
                                    

“Jas last 10 minutes at ikaw na ang kukunan ulit.” Paalala ng floor director at lumabas na ng tent.

Bumalik na ako ulit sa pagbabasa ng script para mamaya, dire-diretso na.

Hapon na ng mapack-up ang taping. Medyo maaga-aga pa ng konti sa usual na pack-up namin. Kaya naisipan ko munang dalawin ang nanay at tatay sa Las Piñas.

“Mang Ben, daan muna tayo ng Las Piñas.”

Kahit na alam ni Mang Ben na malayo kami sa pinanggalingan, pumayag pa din ito. Masayang road trip naman kahit na rush hour, marami kaming ruta na nadaanan na kabisado na ni drivam.

Dumaan muna kami drive-thru ng Mcdo para magdala ng pasalubong.

Alas-sais ng gabi ng makarating kami roon. Nauna na akong bumaba at kumatok sa pinto ng bahay.

Ilang sandali pa ng pagkatok ay nagbukas ang pinto. Mukhang kagigising lang ni nanay ah.

“Mukhang napasarap ang tulog ‘nay ah.” Buong ngiti kong sinabi dito kaya nanlaki ang mga mata niya nang makilala niya kung sino ang bumungad sa kanya.

“Anak!” Masayang sabi nito at niyakap ako. Madali akong pumasok ng bahay kasunod ang aking assistant.

Doon ay naabutan kong tulog sa sofa si tatay kasama si bunso.

“Gising na may dala akong meryenda!” Nabulabog naman ang mga ito kaya medaling nagsitayuan ang mga ito.

“Wow kuya! May dala kang chicken burger?” Si bunso na excited na binuklat para hanapin ang paborito niya.

“Mawawala ba ang paborito ng bunso ko? Siyempre meron!” Naupo naman ako sa sofa at kinuha ang isang burger.

Naglabas si nanay ng malamig na tubig na nasa pitsel at limang baso.

“Ba’t naparito ka, anong meron?” Tanong nito.

“Wala naman ‘nay, namiss ko lang kayo. Kasi naman bakit pa kayo lumipat sa akin.”

Lumapit naman si tatay at kinuha ang kanyang pagkain.

“Anak, hindi naman sa ayaw namin tumira kasama ka pero tahimik ang buhay namin dito. Ayos na kami dito anak, wag kang mag-alala.”

Tumango na lamang ako bilang tugon. Gustong-gusto ko na talaga silang makasama sa iisang bahay. Mas masaya kasi pag kumpleto ang pamilya.

Gabi na rin ng mapagpasyahan kong umuwi na. Hindi pa man kami nakakalayo sa lugar namin ay nadaanan ko ang isang lugar na dati ay lagi kong tinatambayan.

“T-teka lang Mang Ben… itabi mo muna dyan.” Itinabi naman nito ang  sasakyan sa tabi ng kalsada at bumaba na ako.

Pinagmasdan ko ang lugar na dati’y tinatambayan ko kasama ang mga besties ko kasama na din si Migo. At oo, namimiss ko na sila, lalo na siya.

Bumabalik lahat ng ala-ala sa akin. Yung mga panahong hindi ko pa nalalaman ang tungkol sa pagiging malapit sa akin ni Migo. Na noon pakiramdam ko ako ang tipo niya’ mahal nya rin ako. Yun na ata ang grabeng pagmamahal na ginawa ko at grabeng sakit sa puso ang nangyari sa akin.

Paglingon ko sa kabilang parte ng tambayan na ito ay may nagbebenta ng fish balls. Namiss ko lang kumain non! Lumapit ako sa nagbebenta at kumuha ng isang stick para itusok ang mga fish balls.

Behind the Spotlight (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt