" bakit pinapauwi mo na ako? " tanong ni Deanna

" anong oras na kasi gabihin kna sa daan " may pag alala sa boses ni Jema

" wifewife " tawag niya ulit dito

" Deanna pwede ba " napipikong wika ni Jema

Bigla namang tumawa ng malakas si Deanna sabay pisil ng ilong ni Jema

" ito naman parang tinatawag ka lang ehh " natatawang wika ni Deanna

" ano ba kasi yun? pwede mo namang sabihin agad eh " sabi pa ni Jema

" kung makikipag date ba ako sa iba papayag ka? " pagbibirong tanong ni Deanna

" depende "

" tlaga papayag ka? " gulat na tanong niya

" bakit may plano ka? " may pagbabanta sa boses ni Jema

" wala... nagtatanong lang naman " sabay yakap sa tyan ng asawa

" Ikaw Deanna ha naku pag may malaman lang ako " sabay duro sa ulo ni Deanna

" wala nga, nagtatanong lang ako " rason naman ng isa

" baka totoo yung sa news na nasa twitter? " pagalit na tanong ni Jema

Hindi kumibo si Deanna, at pinikit ang mga mata

" Deanna? " tawag nya sa asawa

" inaantok na ako wifewife tulog na tayo " malambing na wika ni Deanna sabay hikab niya

" anong tulog? hindi ka uuwi? " tanong ni Jema

" pano ako uuwi? inaantok nga ako " mahinang sagot ni Deanna

" Hubhub hindi ka pwedeng matulog dito kasi pag nalaman ni Papa baka mas lalo ka niyang ilayo samin " nag aalalang sabi ni Jema

" pero wifewife antok na kasi tlaga ako " nakapikit na sagot ni Deanna

" Sige matulog ka pero gigisingin kita after an hour? " sabi niya pa sa asawa

" hmmm " at niyakap ng mahigpit si Jema

Pumikit na ang mga mata ni Deanna pero dumilat naman ito ulit

" akala ko matutulog ka na? " tanong ni Jema

" Goodnight kiss ko " hiling ni Deanna

Hinalikan sya ni Jema sa lips at agad namang pumikit ang mga mata nito

-

Nagising si Jema dahil sa naiihi na ito, pagkalabas niya ng banyo ay nagulat sya dahil umaga na

" Hubhub gising " yogyog niya sa natutulog na asawa

" Hmmmmm? " ungol ni Deanna

" umaga na " wika pa ni Jema

" mamayang hapon pa naman ang class ko at wala kaming training ngayon wifewife, hayaan mo na muna akong matulog " nakapikit na sagot niya sa asawa

" hindi pwede kasi si Papa " nag aalalang sabi ni Jema

" tulog pa yun " balewalang sagot ni Deanna

" Jema gising na, sabayan mo na kami kumain ng Papa mo " katok ng Mama niya sa labas ng kanyang kwarto

" Yan na nga ba ang sinasabi ko ehh " kinakabahang wika pa ni Jema

Be Nice to The Setter, The Queen is Pregnant -Book IIWhere stories live. Discover now