NOTE: Happy 5th monthsary, Tricksters 😘
(02/06/19)

Zia

Si Lhester ang piloto ng chopper na sasakyan namin papunta sa Cebu, kaya pagdating ko pa lang sa helipad hanggang makasakay kami ay 'di ako umiimik. Taena, talagang kami lang dalawa? Tsk!

Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa tanawin, ilang minuto na kaming nasa ere at pansin ko na ang pagtapon ng tingin ni Lhester sa rearview mirror. Inirapan ko lang naman siya at bumalik ng tingin sa bintana.

Nagulat na lang ako nang marinig kong nag-auto pilot ang chopper. Nagtanggal ng seatbelt si Lhester at lumipat sa likuran kung nasaan ako.

"What are you doing?" I yelled at him, nagpanic na lang ako nang seryosong tinitigan niya ako.

"Zia, something is wrong with the chopper, we need to jump!" He yelled back, malakas kasi ang tunog ng chopper. Pero napatingin ako kaagad sa paligid, anong mali?

"Zia?!" He called my attention.

"Seryoso ka? Tatalon tayo?" I asked once again. Taena, ano bang nangyayari?

Tumango siya at inilahad ang kamay niya, "do you trust me?"

Nangunot man ang noo ko ay tumango ako. Binuksan niya ang pinto ng chopper at saka siya sumensyas. 1, 2, 3!

We both jumped, may parachute kami pareho. Pero ayaw bitawan ni Lhester ang kamay ko, kaya hinayaan ko lang siya nang magbukas siya ng parachute. We held hands and landed successfully.

Nang makababa kami ay kaagad tinulak ko siya. "Taena, anong aberya na naman baa ng ginawa mo ha?"

Napabuntong hininga naman siya at nagtanggal ng parachute. Nainis ako lalo nang 'di niya ako sagutin.

"Lhester, ano ba? Hindi mo ba ako sasagutin? Shouldn't we call kuya?"

Nagulat naman ako nang titigan lang ako ng mokong at seryosong nakatingin lang sa mga mata ko.

"Huy! Lhester, ano na?" Hindi niya pa rin ako sinagot at tinalikdan ako. Anong—

"Mark Lecheng Zapanta, ano ba?" Sigaw ko, pero 'di siya huminto sa paglalakad. Kaya sumunod ako, ano ba kasing problema? Are we being watched or bugged? Kaya ba 'di siya nagsasalita? Natiktikan ba ang misyo---

Nawala ang mga iniisip ko nang may mapansin ako sa paligid. The place seems familiar, kaya naman tumigil ako. Mas lalo akong natigilan nang mapansin ang isang kweba sa malapit.

"Lhester, this island, is this----" Hindi ko natapos nang makalayo na siya at malapit na sa bukana ng kweba. Tumakbo tuloy ako para sundan siya, hindi na masyadong madilim dahil papasikat na ang araw, kaya aninag ko ang paligid. Hindi ako nagkakamali, dito iyon!

Do you trust me? Naalala ko kaagad ang mga katagang iyon, doon pa lang ay may kakaiba na akong naramdaman. It was the same question he asked me before. And now, we're back at the same island where we started.

Tuluyan na akong tumigil, feelings came rushing in. Nostalgic, pero 'di katulad noon ay may bigat akong naramdaman sa puso ko.

"Lhester ano ba? Sinasadya mo ba 'to? Kasi kung oo bubugbugin na talaga kita, taena!"

Sa pagsigaw kong iyon ay napalingon na siya, kaagad nag-panic siya nang makita ang mga luhang tumulo sa mga mata ko. Ilang araw kong tiniis na hindi kami bati, pero taena, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito! Ngayon lang ulit ako nasaktan nang dahil sa kanya. Taena nakaka-weak tignan ang pucha!

My Lady Gangster *Published under Lifebooks*Basahin ang storyang ito ng LIBRE!