CHAPTER 19

Zia's POV *Lady Butterfly*

Bwisti na mga babaeng yun! Pwede naman kaming mag usap nalang sa school ah... Magkakaroon ako ng TB dito sa lugar na to ee.

Ba't kailangan pa sa bar? Kinausap kasi ako ni Chelle mag usap daw kaming tatlo. TSK!

Lumapit na ako kina Sonrex sa bar counter.

"1 margarita please.."order ko

"Umiinom ka?" taking tanong ni Sonrex

"Why? Bawal na bang uminom sa bar?" maang na tanong ko. Afterall, they also knew me as the miss goody goody.

Napa ismid naman silang dalawa sa akin

"Now what?"baling ko dun sa dalawa nang nakatitig lang sila habang umiinom ako.

"Bakit Zia?"tanong ni Chelle sa akin

"Anong bakit?"parang walang sabi ko at nilagok ang alak

"Bakit mo kami trinaydor?"tanong ni Chelle na may panghuhusga

"Trinaydor? Tsk! Kala nito naman napaka inosente ninyo...As far as I can remember, kayo ang nanggagamit..." saad ko sa kanila

Bumakas naman ang gulat sa mukha nila

"Huh? Anong nanggagamit ang sinasabi mo?" maang na tanong ni Sonrex

LIARS

"Di ba nga, ginagamit mo lang si Oliver KO para makakuha ng info sa SHADOWS huh?"taas kilay kong tanong

"The hell! I will never do that?!" sigaw niya sakin

"Really? So sinasabi mong sinungaling si OLIVER KO? Sa narinig niya daw ginagamit mo lang siya!" bulyaw ko. Hehe, Feel ko yung Oliver KO ah, haha

"What? Naguguluhan ako..."napa upo si Sonrex. Wow ha! Ang galing niyang artista!

"Tsk! Kung wala na kayong sasabihin aalis na ako...CIAO!"sabi ko at lumabas na nang bar

Kaasar yung magkapatid na yun.

Kalalabas ko lang ng bar nang may mabunggo naman ako. TSK. Di natingin sa dinadaan ee.

"Ow!"sapo ko sa noo ko.Masakit ha...Pero dahil naka Zia mode ako.

"Sorry..."mahinhin kong sabi pero pag angat ko

"Never mind..."sabi ko pero pinigil niya braso ko

"At saan ka galing ha?!" iritadong iritadong tanong ni Lhester

"Sa loob malamang! Alangan namang sa labas ako galing?"sarkastiko kong sabi sa kanya

"Tsk! Honey...tara na" hila nung dalawang chicks sa kanya, maka labas naman to ng cleavage kala mo wala nang bukas. TSK.

"Ayan, tawag ka na ng ...ng...LARUAN mo..."I smirked at him and rolled my eyes on the girls. Bigla namang nag iba ang mukha nung dalawa I mean galling sa pagiging clown e naging si CHUCKIE na ang mukha! Haha

"What the!"sabi nung isa at akmang sasabunutan ako pero

"Don't touch her...and the two of you, leave me alone!"bulyaw ni Lhester sa dalawa

"Fine!"sabi nung dalawa at iniwan kami agad hinila niya na ko papuntang kotse niya at pinasok niya ako dun

Inantay kong pumasok na rin siya para..

"Gag*!" mura ko sabay suntok sa kanan, suntok sa kaliwa.. Pero sinalag niya lang.

"Stay still you brat!" sabi niya habang hinarang ang kanang kamay niya sa akin para mapasandal ako sa upan at tuluyang pina andar ang sasakyan

My Lady Gangster *Published under Lifebooks*Basahin ang storyang ito ng LIBRE!