CHAPTER 20

Zia's POV*Lady Butterfly*

SLEEP. I need more SLEEP.

"Gising!" sabi ng boses sa akin. Sino yun? Si Ate Iriz? Sinusundo niya na ba ako? UGH.

"Uhmm.."ungol ko kasi di pa pwde akong sunduin ni ate, di ko pa napag babayad and mga taong gumawa sa kanya nun.

"Hon.."sabi pa ulit ng boses Huh? Kailan pa naging Hon ang tawa ni Ate sa akin? TEKA!

"Waaaaaaah! Anong ginawa mo sakin hah!" sabi ko at nag fighting position kay OLIVER!

"Hon, chill..."saad niya. Huh?Wait!

Dibah si Lhester kasama ko kagabi? Ba't?

"Asan ako?!"tanong ko sa kanya

"Sa condo ko..."sagot ni Oliver

"Huh? Paanong andito ako?"tanong ko ulit, ang gulo.

"Hinatid ka ni lhester dito, wag muna daw kitang ihatid sa inyo, baka mapagalitan ka ng kuya mo kasi lasing ka... at...may bisita daw si Lhester kaya di ka pwede dun." Paliwanag niya sa sitwasyon.

Bwisit na loko yun. Pagkatapos niya akong lasingin kung saan saan niya pa ako tinapon

Tss! Pinagmasdan ko agad sarili ko. Yun pa din naman suot ko kahapon eh.

Hmmm..Good...Pero...

"Ackk..."na upo ako at sapo ang ulo ko

"Hon, oh...Inom ka muna ng gamot..."sabi ni Oliver at inabutan ako ng gamut

"Aba feel mo ang hon ah.."puna ko sa kanya

Tiningnan niya ako ng makahulugan at mejo tumuro dun sa pinto.

Sumilip ako sa pintuan. Kaya naman pala. Dun din pala nakikitambay si Blake

Tss!

"Akin na hon..."sabi ko at ininum yung pain killer

Tsk! Hang over!

"Sige hon, steady ka lang jan...Kukunin ko lang yung sopas na niluto ko"sabi ni Oliver at lumabas na

Hmm?Marunong siyang magluto? Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto. In fairness malinis ha

Walang panty at kung ano man...hahaha

Bumaba na ako kasi di ko naman to bahay ee, alangan mag feeling prinsesa ako dito.

"Hi Zia!" bati ni Blake na may kandong na babae

Tss! Yun lang. Yun ang nakakadumi dito

"Hon...ba't bumaba ka na..?"tanong ni Oliver

"Okay na ko eh.."sabi ko at umupo sa dining table

Aba! Grabeh maka irap yung girlalou sa akin ah! Ahahaha!b Inggit sa beauty ko. Lagi naman ganun ee. Maganda kasi daw talaga ako. HEHE

"Blake...Di ka ba sasabay sa amin?"tanong ko sa kanya

Pang iistorbo ko kasi ba naman, maglampungan bad aw kahit may ibang kasama. TSK.

"Uhmmm..."ungol niya at sumenyas ng wait

Eh kung baliin ko kaya mga nguso ninyo no!Naiinis ako! I already made it clear to them that, if they are just toying around wag na wag nilang ipakita sa akin!

Di ko napigil at

"Ouch!" kalas ng babae kay Blake

Hehe! Tinarget ko siya ng tinidor. Pasalamat siya at daplis lang sanpisngi ang inabot niya

"Oops...sorry...nadulas ang kamay ko" ngiti kong sabi at tinitigan ng makahulugan si Blake.

Nagulat si Blake. Tinaasan ko siya ng kilay

"Ahmm...sweetie, why don't you come back later huh?"malambing na sabi ni Blake

"Pero blake di pa tayo tapos eh..."ayaw pang bumaba sa kandungan ni Blake yung girl

Hmp! Isa pa! Ayaw mo ha...

Tiningnan ako ni Blake

"Ahmm...please sweetie, may importante lang akong gagawin..."sabi niya at tinayo yung babae

"But..."aangal pa sana yung babae pero

"Ooops! Nadulas ako.."sabi ko ng dumaan sa gitna nila yung platito.

Kasi naman ayaw pa umalis ee.

"Just get out!"sabi ni blake at pinagtulakan palabas yung girl at

"Zia, sorry na..."iwas ni Blake sa sipa ko

"Sorry? Pagkatapos mong ipakita sa akin yung lampungan ninyo?! Grr!"nangigigil na saad ko

"Sorry, akala ko okay na na magdala kami ng girl sa harap mo eh...Kasi kayo na ni Oliver...kaya ayun.."hawak niya ang kamay ko

"Tsk! Basta! Ayaw ko pa din! Ako lang ang reyna ninyo!! At kabaro ko binabastos ninyo kaya tigil tigilan mo ako! Got that?!" saad ko

Tumango lang siya agad. TSK!

"Good!"sabi ko

"Chillax hon..."sabi ni oliver at napa tulala ako bigla, naka apron siya na may hawak na sandok

"Hahaha! Ang cute mo hon!"sabi ko at pinagkukurot pisngi niya. Ang cute! Totoo!

"Pinagtatawanan mo naman ako hon eh.." he pouted hehe! Di bagay! Ahaha!

"Tss! Tama na nga lambingan ninyo! Gutom ako..."sabi naman ni Blake

Problema nun? Biglang na badtrip dahil sa ginawa ko? TSK! He deserved it!

Blake's POV* Black Cat*

Tss! Sila pwede magharutan pero ako hindi?! Saan ang hustisya dun ginoo?!

Pero galit ako! Galit! Kung bakit ako galit? Ewan?

Bakit nga ba?! Kanina tuwa ako eh, kasi pinalayas niya yung babaeng kasama ko

Tapos ngayon, inis naman ako Ait! Ang kulet ng lahi ko! Ano bang problema ko?

Hayaan ko na nga, basta gwapo padin ako. Haha

Kumakain na kami at kung minamalas ka nga naman oh.

"Hon oh..."subo ni Oliver

"Thanks..."ngiting sabi ni Zia at kinain yung sopas

Tss! Naglalambingan padin ang putek!

"Oi! Dre kung ayaw mo sa luto ko sabihin mo lang..."sabi ni Oliver

Nadurog ko pala yung hotdog. TSS.

"Oi blake gusto mo subo din kita?" tanong ni Zia pero alam kong nang aasar lang siya...Pero

"pfft Hahaha! "tawa niLhester?

"Ano to? Love triangle? Haha! Blake, may gusto ka ba kay Zia?" tanong niya bigla

Huh? Ako? May gusto jan? Ahmm... Napa isip ako bigla...

Siguro? Waah! Hindi!

Nagkatinginan kami ni Zia, umiwas agad ako at

"Ahaha! Ginanahan ka naman!"pang aasar ni Lhester habang hawak ang kamay ni Zia dahil nagsusuntukan na pala sila agad.

"Putek! Walang hiya ka! Pagkatapos mo akong lasingin loko ka!"sipa ulit ni Zia

"Ahaha! Weak ka lang kamo!"sabi niya

Nakita ko yung liyab sa mata ni Zia at sa isang iglap ay dalawang putok baril ang narinig namin...

Buti naka ilag si Lhester

"Putris! Pasalamat ka di kita tinuluyan !" irap ni Zia sabay tago sa legs niya ng pistol

Ooh! Wiwit! Oozing hot here!

Putek! Kalian pa ako nagka interes dito?

Okay lang! Lahat naman ata kami me gusto dyan! Ahaha!

Gusto lang naman Di bah? Yun lang nga ba?

Naloko na, ba't tinatanong ko pa sarili ko?! UGH!

My Lady Gangster *Published under Lifebooks*Basahin ang storyang ito ng LIBRE!