CHAPTER 14

Zia's*Lady Butterfly* POV

DUG DUG DUG

Ano yun? Ba't ganun pintig na puso ko? Parang TAMBOL?

Hala! Baka naman may sakit na ako sa puso?

Makapag pag check-up nga bukas...Haixt!

"Zia!" tawag bila ni Rochelle

Oo nga pala. Pinuntahan ko pala ulit dito sa school si Chelle...

"Asan na si Ren?" tanong niya

Siya lang tumatawag kay kuya na REN, endearment ata nila.

"Ah..Nasa hideout eh...Bukas mo nalang ulit kulitin mainit ulo eh.."paliwanag ko sa kanya

Baka mapahamak pa siya ee.

"Ah...Ganun ba...ano...Punta naman kayo sa Saturday...birthday ko kasi eh..."nahihiyang sabi niya

Saturday? Monday ngayon di bah?

"Ilang taon ka na ulit?"tanong ko

"I'm turning 20.....Sana..makapunta din si Ren.."nahihiyang saad niya sa akin

"Pupunta yun..Ikaw pa...Malakas ka dun eh...Sige una na ako...May pasok pa ako eh.."paalam ko

"Sige... Salamat. Punta kayo ah." She waved as I walked away.

Ano nga bang subject ko ngayon?

PE? Sa gym pala kami...

Dumerecho agad ako. SELF DEFENCE?

Yun ang nakikita kong inaaral nila...HMP!

DEFENSE lang? Pati kaya offense alam ko! hahaha

Paglapit ko s akumpulan ng section namin ay agad akong napuna...

Maganda kasi ako.haha

"Ms. Santillan! Your late!" sabi ng prof naming babae

"Sorry po Ms. Camalig....May emergency lang po sa bahay eh.."napakamot ako sa batok ko sabay ngiti

"Okay! Sit here!"sabi niya at turo dun sa tabi ni Oliver panget!

Umupo na rin ako sa tabi niya

"Okay...today is our self defence training..at dahil marami rami kayo...Ang mga 4th yr. engineering student ang mag a assist sa inyo..." sabi ni Ma'am Camalig

Wait! 4th year engineering student?

Sila kuya at Lhester?

"At Ms. Santillan dahil na late ka...Wala kang kapartner sa training mo so you be..."naputol ang sinasabi ni Ms. Camalig ng

"Sorry ma'am I'm late!"habol ni Lhester. LATE? Siya? Anong bago? Tsk!

"Ahh..nevermind...ayan na! si Lhester ang kapartner mo Ms.Santillan"sabi ni ma'am at tinuro ako kay Lhester

Tumingin sa direksyon ko si Lhester at ngumiti ng nakakaloko

Tumaas agad kilay ko!

Putek! He's gonna take advantage! KAASAR!

"Okay! Go to your partner! Chop! Chop!"utos ni mam sa amin

Nagkanya kanyang galaw naman mga kaklase ko . Lumapit na ako kay Lhester

"Dun tayo oh!"turo niya dun sa dulo ng gym. PEro hanggang ngayon andun padin ang nakaka lokong ngiti niya!

"Stop smirking." I hissed at him

My Lady Gangster *Published under Lifebooks*Basahin ang storyang ito ng LIBRE!